Jarrah's Pov: Muli kong palihim na tiningnan si Theo. Nasa harapan ko s'ya at hindi ko rin maintindihan kung ano ang trip n'ya. Sumunod s'ya sa akin dito sa library. Normal lang naman iyon dahil mukhang may gagawin din naman s'ya rito. Hindi ko nga lang inaasahan na uupo rin s'ya sa puwestong inookupa ko. Magkaharap kami ngayon at habang abala ako sa pagbabasa sa proposal na isinuggest n'ya ay abala naman s'ya sa pagbabasa sa aklat na kinuha n'ya. Napailing na lang ako nang muling mahagip ng mga mata ko ang cover ng aklat na binabasa n'ya ngayon— The Little Red Riding Hood. Hindi ko alam kung ano ang trip n'ya at iyon ang binabasa n'ya. Akala ko naman ay may gagawin s'ya rito katulad ng paggawa ng assignment o kung ano pa man na related sa mga subjects namin. Sinulyapan ko ang bahagi