Jarrah's Pov: Napakurap na lang ako nang marinig ko ang pamamalam ni Mr. Luyano, ang propesor sa huli naming subject para sa araw na ito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko nagawang umupo sa silid na ito at umaktong walang nangyari matapos ang naging pag-uusap namin ni Theo kaninang umaga sa library. Hindi ko rin masasabing nakinig ako sa klase ng mga propesor dahil wala akong naintindihan sa kahit anong sinabi nila. Tulala lang ako at literal na lutang ang isip ko. Suwerte ko na lang din dahil walang nakapansin sa mga propesor na hindi talaga ako nakikinig sa kanilang mga klase. Sinulyapan ko ang bahagi ng silid na laging ino-okupa ni Theo. Wala na s'ya roon at hindi ko na ipinagtaka iyon. Sa ilang beses na pagsulyap ko sa kanya kanina ay hindi man lang s'ya tumingin sa akin