Jarrah's Pov: "Matagal ko nang iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Kung may kailangan ba akong gawin o kung mayroon man, iyon ba ang tama?" Muling tumingala si Ezekiel. Mukhang kaya n'ya ginagawa iyon ay para maghanap ng sagot. "Alam kong dapat ay makikinig lang ako ngayon dahil iyon ang sinabi ko..." Tumingala rin ako. "Ngunit kahit naman mangalay ka katitingala riyan sa mga dahon ng punong ito ay wala ka namang mahahanap na sagot." "Right." He giggled. Nanahimik na lang ulit ako. Base sa nakikita ko ay nahihirapan s'yang aminin at tanggapin kung ano talaga ang gusto n'yang mangyari. Alam na n'ya ang sagot sa mga katanungan n'ya ngunit hindi n'ya iyon magawang tanggapin. At siguradong may sapat din s'yang dahilan kung bakit. "They all saw me as a strong person... Well, iyon din k