Jarrah's Pov: Eksaktong alas osto y medya nang umalis ang bus na sinasakyan namin. Dahil hindi pa naman ako pamilyar sa kahit saang parte ng La Consolacion, hindi ko rin alam kung anong direksyon ang tinutungo ng bus. Iyong ibang bus ay lumampas na sa amin habang iyong iba naman ay sa ibang direksyon pumunta. Nakasunod kami sa isang bus na sinasakyan ng ibang department. Nasa likuran naman namin ang dalawa pang bus na sinasakyan ng mga second year at third year students sa department namin. Hindi kasama ang mga first year sa nagaganap na initiation. Isang simple at masayang gathering lang ang para sa kanila na kanina pang alas-sais nagsimula. Apat na oras lang ang itinatagal ng gathering ng mga first year kaya maya-mayang alas-diez ay siguradong tapos na at makakauwi na sila. Muli k