Jarrah's Pov: "Ibig sabihin ay sobra palang pagod at puyat ang pinagdaanan n'yo bago nakauwi?" nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ni Penelope. Tumango lang ako at nanatiling nakahilig sa upuan habang hawak ang isang unan. Nakapikit din ang mga mata ko at kung wala lang ako rito sa ospital ay baka kanina pa ako nagpatuloy sa pagtulog. Mag-a-alas sais na ng umaga nang makauwi ako sa amin. Tulog ako buong biyahe pabalik sa eskwelahan. Mabuti na lang talaga at may mga nabiyahe nang traysikel kaya kaagad akong nakasakay. Nag-offer si Ezekiel na ihatid ako dahil nasa eskwelahan ang kanyang sasakyan pero dahil magkaiba ang direksyon ng bahay namin sa kanila ay tumanggi na lang ako. Isa pa, kasama n'ya si Theo na tulog na tulog at kailangan na rin nilang umuwi para makapagpahinga. Pagka