Jarrah's Pov: "Ano 'yan?" nakakunot ang noong tanong ko nang iabot sa akin ni Ezekiel ang maliit na bagay. Nang tingnan ko iyon ay isa iyong identification card. "My national identification card," aniya at itinuro ang rock formation. "Hindi ba at tinanong kita kung gusto mong makita ang magandang tanawin na nasa likod ng mga batong iyon? Maiintindihan ko kung hindi ka magtitiwala sa akin dahil hindi naman talaga tayo magkakilala kaya para naman ay may panghahawakan ka in case na may gawin akong masama, hawakan mo muna at itago itong card ko." Inilagay n'ya sa mga kamay ko ang card at nauna nang bumaba mula sa lighthouse. Clueless na tiningnan ko ang lalaki. Komportable naman ako sa presensya n'ya ngunit hindi pa rin sapat ang rason na iyon para sumama ako sa kanya papunta sa mga batong