Chapter 10- Ezekiel Ronquillo

2610 Words

Jarrah's Pov: Napakurap ako nang makita ang pamilyar na tanawin na noong nakaraan ko pa gustong balikan. Ni hindi ko magawang matanggal sa isipan ang magandang tanawin na nakita ko, siguro ay dahil ito rin ang unang lugar dito sa La Consolacion na napuntahan at nagustuhan ko talaga. Nakangiting iginala ko ang paningin sa paligid. Ilang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay mas gumanda ang lugar na ito. Mas nakakakalma sa pakiramdam ang pagsunod ng mga puno ng niyog sa hangin. Para silang lumambot dahil para talaga silang sumasayaw sa hangin. Katulad noong una kong punta sa lugar na ito, malinis din ang sementadong daan at ang tanging kalat na makikita ay ang mga tuyong dahon na nahulog mula sa mga puno. Maaliwalas na maaliwalas ang kalangitan. Asul na asul iyon at wala akong makit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD