Jarrah's Pov: Mahigit tatlong oras din ang ginugol namin ni Theo para maiayos ang magiging presentation namin. Sa loob ng mga oras na iyon ay hindi kami nagtalo. Pareho kaming nakatutok sa ginagawa kaya hindi kami nagkaroon ng problema. "Natapos na rin tayo sa wakas..." aniya at nag-stretch ng mga braso. "Ang kailangan na lang nating gawin ay pag-aralan ang final proposal para masagot natin ang lahat ng tanong na ibabato ni Mr. Gonzales." Tumango ako. Sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko at ganoon din siya. "Gusto mo bang maglakad-lakad muna?" tanong ni Theo nang tumayo na ako para ipasok ang mga gamit sa loob ng bahay. Tiningnan ko ang oras sa relo. Malapit nang mag-ten thirty ng gabi. Kung tutuusin ay masyado nang gabi para maglakad-lakad. "Susubukan kong magpaalam kina Mam