Chapter 41- Scented

3033 Words

Jarrah's Pov: "Ang gusto mong i-present natin ay iyong business na makikinabang ang consumer pero hindi kikita ang mismong negosyo? Sabihin mo nga sa akin, Theo, okay ka lang ba?" Dinahan-dahan ko pa ang pagsasabi niyon para pumasok sa isip n'ya ang pinupunto ko. Mula sa pagkakatingin sa kanyang laptop ay pumihit paharap sa akin si Theo. "Mukha ba akong nagbibiro?" Huminga ako nang malalim bago mabilis na tumango. "Hindi mo ba nakukuha ang gusto kong sabihin? Hindi mo ba naiintindihan ang gusto kong maging punto para sa project na ito? Hindi natin puwedeng gawin ang gusto mo, alam mo iyan." Theo crossed his arms. Nanatili s'yang nakatingin sa akin. Ni hindi s'ya nagsalita at hindi rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang nagbago lang sa kanya ay ang pagkakakunot ng kanyang noo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD