Chapter 9- The Course of Change

2509 Words

Jarrah's Pov: Tanghali na nang nagising ako. Pasado alas nueve na at ito ang unang beses na nagising ako nang ganitong oras mula nang lumipat kami rito sa La Consolacion. Tinatamad na bumangon ako at tumingin sa bintana. Yari iyon sa salamin at manipis na kulay puting kurtina lang ang tumatakip doon kaya nakakapasok pa rin sa silid ang sikat ng araw. Niyakap ko ang mga tuhod at ipinatong ang babà roon habang nanatiling nakaharap sa bintana. Bahagya iyong bukas dahil sinadya ko iyong hindi isara nang tuluyan kagabi. Medyo maalinsangan kagabi kaya hinayaan kong may bahagyang siwang ang bintana. Sinusubukan ko pa ring sanayin ang sarili sa isang electric fan na nabili ni Mama sa mas murang halaga. Second hand na ang mga ginagamit naming electric fan at ang pinili ko ay iyong mukhang tata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD