Hindi rin ako ganoon na nakatulog dahil sa kakatawa ko sa banatan nina CC at Val.
"Ang sabi namin matulog ka. Paano ka kakanta niyan?" sita ni Val sa akin pagbaba namin ng sasakyan.
"Paano naman ako makakatulog sa ingay ninyo? Tsaka walang kinalaman ang pagtulog ko sa pagkanta ko." Sagot ko naman sa kanya.
Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa loob ng malaking hotel na iyon. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakaapak sa ganito kagandang lugar. Halatang mayayaman lang ang pwede.
"Napakaingay kasi ng bunganga ni Jill!" sisi naman ni CC kay Jill.
Isang malakas na hampas ang tumama sa braso ni CC na gawa ni Jill. "Aray kong burikat ka!" sigaw ni CC dito.
Napailing na lang ako sa kanila. Ayoko rin tumawa nang malakas dahil baka mapaos ako, hindi pa maging maganda ang dating nun sa kakantahan ko mamaya.
Hinawakan ako ni Val at hinila na palayo sa kanila. "Hayaan mo nga yang dalawang slap soil na iyan. Mga walang magawang matino yan talaga." Naiiling na sabi ni Val sa akin.
Pagpasok namin sa hotel ay sinalubong na kami ni Lester. Siya kasi ang nauna dito.
"Uy may kalabaw." Pang-aasar ni Val kay CC.
Kahit ayokong tumawa ay hindi ko napigilan dahil humagalpak ng tawa si Jill sa sinabi ni Val. "Mga inggitera. Mga walang dilig!" patutsada sa amin ni CC.
"Mars, keri lang na walang dilig basta hindi ganyan ang jowa." Natatawang sabi ni Jill.
"Payag ka, didilig sa'yo mukhang kalabaw. Naku never mind!" sabat naman ni Val.
Parehas ko silang siniko dahil halatang napipikon na si CC sa mga sinasabi nung dalawa. Natahimik naman ang mga ito at sumunod na lang sa akin palapit kay Lester at CC.
"Hi." Bati sa amin ni Lester.
Tipid na kumaway yung dalawa habang pasimpleng nagsisikuhan. Ako na lang ang kumausap tuloy. "Hi, Lester." Bati ko sa kanya.
"Ready ka na ba o gusto mong practice tayo saglit?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko, tumango naman sila sa akin. "Sige, ayos lang. Para rin makapag-warm up yung boses ko." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Wala kasi rin akong practice kahit sabihin na magaling naman talaga akong kumanta.
"Kitain na lang namin kayo mamaya." Sabi naman ni Val sa akin.
Naiwan tuloy kami ni Lester. Komportable na rin naman ako sa kanya kasi ilang taon na siyang kasintahan ni CC. Hindi man siya kagwapuhan pero loyal talaga ito kay CC.
"Saan tayo?" tanong ko sa kanya.
"Doon na lang sa may garden sa gilid, maliwanag din naman doon." Suhestisyon niya sa akin.
Tumango ako. Sabay kaming naglakad palabas naman ng hotel. Malapit lang yung garden kaya doon na kami nagtungo. Nilabas naman kaagad niya ang gitara niya at inabot sa akin ang tablet na naglalaman nung lyrics ng kakantahin ko mamaya.
"Kilala mo ba yung may event ngayon?" panimula ko sa kanya habang tinotono niya yung gitara.
"Oo. Si Rianna tsaka Gio, barkada rin ni Val iyon." Sagot niya sa akin. Nagsimula siyang mag-strum ng gitara para sa unang kakantahin ko.
Ikaw, ang pamagat ng unang kanta kaya medyo mababa lang iyon at hindi naman kailangan bumirit.
Hindi ko rin masyadong tinaasan dahil practice lang naman ito. After almost thirty minutes of practicing ay tumawag na si Val sa akin. Kailangan na namin pumunta sa loob ng hotel kasi aayusan pa ako ni Jill, kailangan ko pang isuot yung damit na dala nila kung anuman iyon.
Nasa lobby sina Jill at Val, "Hindi mo naman pinagod yang boses mo?" tanong sa akin ni Val sabay abot ng bottle water sa akin.
Umiling ako sa kanya tsaka lumagok mula sa bote.
"Pasok na ako sa loob." Paalam naman ni Lester sa amin bago niya kami iniwan.
Napansin ko naman yung tingin nung dalawa kay Lester, "Mabait naman siya," umpisa ko sa kanila.
Nilingon nila ako na para bang may nakakagulat sa sinabi ko. "Six years naman na sila, mars." Habol ko pa.
"Jusko, Chayla! Ginayuma ka rin ba niya?" tanong ni Val.
"Grabe naman! Hindi ko naman sinabi na gwapo siya. Ang sabi ko lang, mabait naman siya. Magkaiba iyon, mare." Naiiling na lang ako sa kanila bago naunang maglakad papuntang powder room.
"Nakakaloka ka, Chayla! Alam mong laging nakalahad ang pera nung kalabaw na iyon kay CC." sermon ni Jill sa akin.
"Magbibihis na ako." Inagaw ko sa kanila ang paper bag na dala nilang dalawa.
Si Jill lang ang kasama ko sa loob ng powder room dahil hindi naman pwedeng pumasok si Val. "Alam niyo, pupunta na talaga akong Thailand at magpaparetoke! Ang unfair na kayo lang pumapasok sa C.R ng girls!" sigaw ni Val mula sa labas.
"Mare! Mas maganda naman sa boys, kita mo roon yung mga tagurobels ng mga boys. Saan ka pa?" sabat naman ni Jill.
"May point." Sagot naman nito.
Hindi ko na pinansin yung usapan pa nilang dalawa basta binuksan ko na lang ang paper bag at humantad sa akin ang black dress na dinala nila.
Mariin akong napapikit at pinipigilan na sumigaw. Ayokong magsuot ng ganitong damit. Hindi naman sa hindi maganda ang katawan ko pero hindi ako sanay.
"Mare, kita mo na yung damit mo?" Natatawang tanong ni Jill sa akin.
"Oo." Sagot ko sa kanya. "Wala bang ibang option?"
"Wala!"
Napailing na lang ako sa kanila bago naghubad ng damit. Hindi pa doon natatapos. May breast pad naman na kasama yung damit kaya kailangan kong magtanggal ng bra. Naiilang pa naman ako sa ganun talaga.
Kaya ayokong iaasa sa mga ito yung isusuot ko. Kung bakit ba naman kasi na pumayag pa ako na sila ang mag-decide. Ayan tuloy.
Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na kaysa naman jeans at blouse ang isuot ko. Mainam na ganito na nga lang.
Hinihila ko pababa yung dulo ng dress ng lumabas ako ng cubicle. Pakiramdam ko ay hubad ako sa harapan nila dahil sa ganitong ayos ko.
"Ay plakada ka mare! Ayan dapat talagang i-show mo nang bongga yang bubelya mo at yang curves mo!" puri ni Jill pagkakita sa akin.
Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin.
Litaw na litaw ang natural na maputi kong kulay sa suot ko. Kaya nga lang ay naipit din ang dibdib ko dahilan para lumitaw ang cleavage ko. Natural na rin na malapad ang balakang ko kaya kitang-kita yung hubog ng katawan ko. Ang iksi rin tignan ng bestida dahil may katangkaran ako ng kaunti.
"Ganda naman niyan! Pwede ko bang malaman pangalan mo miss?" Nakasilip si Val sa pintuan ng powder room. Mabuti na lang at wala pa namang tao kaya pwede siyang gumanyan-ganyan.
Nagmake face ako sa kanya bago sila inirapan. "Hindi ako komportable dito, mars." Reklamo ko sa kanila.
Lumapit naman sa akin si Jill at binaba ang dala niyang bag sa gilid. Nilabas niya roon yung pangkulot niya at walang seremonyang sinaksak sa outlet doon.
"Bihira lang yan, mare. I'm sure naman na hindi ikaw ang pinunta ng bisita ngayon." Saad niya sa akin habang marahas na sinusuklay ang buhok ko.
Hanggang siko ang buhok ko at natural na diretso iyon, may pagkabrown lalo na at may dugong banyaga pa rin naman ako. Natural brown din ang mata ko, medyo singkit dahil kay mama. Sa aming magkakapatid ay ako lang ang medyo singkit dahil yung ibang kapatid ko ay may kalakihan naman ang mga mata.
Matangos din naman ang ilong ko na namana namin ng mga kapatid ko kay Daddy. Natural na rin ang kulay rosas na kulay ng labi ko.
"Alam mo mare, hindi mo dapat tinatago yang ganda mo. Sayang! I-flaunt mo yan." Ani ni Jill.
"Kung may ganyang mukha ako lagi akong rarampa. Sayang ang fezklat mo, mars kung ilalagay mo lang sa baul." Sabat naman ni Val.
"True." Si Jill.
Umiling na lang ako sa kanila. Ako na ang naglagay ng kulay sa mukha ko habang si Jill naman ay abala sa buhok ko. Iniwan naman kami saglit ni Val para pumunta sa loob.
"Maghahati pa nga pala kami ni Lester sa ibibigay na bayad mamaya. Fifty-fifty ba ang hatian namin?" tanong ko kay Jill.
"Anong 50-50? Iyo lahat iyon. Nakausap na ni CC yung jowa niya at bibigyan na lang ni bakla ng bayad yung jowa niya. Sa iyo na iyon tsaka boses mo mapapagod siya daliri lang!" sabi naman niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. Mabuti na lang at naiintindihan din ng mga kaibigan ko. Kailangan ko rin kasi ng pera para kung sakali man na matuloy ako sa Singapore ay may pera akong iiwan sa mga kapatid ko.
Sila lang naman talaga ang prayoridad ko at dahilan kung bakit ako hindi na natutulog. Para rin sa kanila iyon.
Hindi ko pa rin nasasabi kina Jill at CC yung plano ko sa Singapore. Si Val pa lang nakakaalam kasi nadulas ako one time sa kanya.
In process pa rin naman yung mga dokumeto ko at wala pang sagot sa akin yung agency na pinasahan ko.
Natapos din kaming mag-ayos ni Jill at pinasuot na niya sa akin yung nakahanda na nilang sapatos para sa akin. Mataas nga lang pero kakayanin ko naman isuot iyon.
Nakaabang na sa amin si Val na may hawak namang wine glass. "Simula na?" tanong ni Jill dito.
"May mga bisita na pero hindi niyo kailangan magmadali." Aniya sa amin.
Lumakad naman kami papunta na sa loob ng hall kung saan gagawin yung event. May mga matang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong nailang.
"Gaga! Walk with confidence dapat! Wag mong itago yang ganda mo." ani ni Val sa akin.
Pero kahit anong confidence ang hilahin ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. Talagang hindi ako sanay na may mga matang nakatingin sa akin. Medyo marami pa naman ang tao dahil may event din ata sa hotel na ito.
Mga nakasuot ng suit and tie at mamahaling dress ang mga nakakasalubong namin.
Pigil ang hininga ko hanggang makarating kami sa loob ng hall. Mabuti na lang at abala yung mga tao na nag-uusap doon kaya pumuwesto na ako kaagad sa makeshift stage.
"Looking great, Ayla." Bati ni Lester sa akin.
Naiilang na nginitian ko na lang siya. May dalawang high chair sa gilid, nakaupo si Lester sa isa samatalang ako ay hindi na naupo. Sigurado kasi ako na aangat yung bestida ko kapag pinagpilitan ko pa na maupo.
"Good evening, ladies and gentlemen. We are all here tonight to witness the special day of Rianna Patrice Vasquez and Gio Israel Ramos. May I request everyone to stand up as we welcome our newly engaged couple." Anunsyo ng host.
Senyales na rin iyon para simulant ang unang kanta para sa gabing ito. Ang Endless Love ang una kong kinanta dahil iyon ang nasa set list ng mga clients ko.
"Sa marahang pag-ihip ng hangin, tinig mo ang aking naririnig...Sa tuwina ay lagi kang nandyan sa aking tabi...Sa dahan-dahang pagbagsak ng ulan, boses mo ang aking hinahanap..."
Pinagmasdan ko ang pares na marahang naglalakad sa gitna ng platform habang walang sawa ang palakpak ng mga bisita sa kanila. Pinilit ko naman na huwag pansinin yung kaba sa dibib ko lalo na at kinakabahan ako sa harap ng marming tao.
Alam ko naman na magaling akong kumanta pero yung ganito na maraming tao na nanonood at nakakarinig ng boses ko...iba na iyon.
"'Ikaw ang hanging na nagsisilbing gabay sa aking landas...Ikaw ang handang umalalay kapag ako ay bumagsak...Ikaw na nariyan at hindi kailanman nawala."
Eksaktong pagkatapos kong kumanta ay naupo na sila sa silya na nakalaan para sa kanila. Nagpapalakpakan pa rin ang mga tao sa kanila habang hindi maalis ang ngiti nila sa labi.
Hindi ko akalain na may gagastos ng sobra para sa ganitong selebrasyon lamang ng engagement. Tiyak din na hindi biro ang mga bisita dahil pawang mga nakasuot na mamahalin ang mga bisita.
Nakakahiyang kausapin dahil mga naka-suit at tie pa ang mga ito, nakasuot ng dress pa ang mga kababaihan.
"Thank you everyone. Thank you!" bati ng babae sa mikropono. "This night means a lot to me and to my fiancée, Gio." Umabrisete pa ito sa lalaking katabi nito.
My gaze turns to Val na nakasimangot naman habang pinanonood ito. Gusto kong matawa sa reaction niya pero pinigilan ko na lang kasi andoon naman sina Jill at CC para asarin ito.
"The next song that's going to be played right after was so special to me. It was the song that Gio sang to me personally when he proposed to me two weeks ago. And that song will always have a special place in my heart." Sabi ni Rianna.
Nagsimula naman ulit mag-strum si Gio para sa awiting kakantahin ko.
"You were leaning against mine on that sunny day of Sunday. Whispering words that feed my heart with peace and contetment. Each days pass by and you wish to give me the gentle love that the world could have. How can I decline, when it's you who spoke that?"
Maya-maya lang ay nagulat pa ako ng sumabay si Gio sa pagkanta ko. Mas nangibabaw pa ang boses niya kaya harmonize na lang ang ginawa ko para hindi ako mangibabaw sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Rianna habang kumakanta yung lalaki.
Ganun ba talaga kapag inlove?
"Baby, we are leaning towards the future...the love we tried to keep will grow slowly." Pagtatapos namin ni Gio sa kanta.
Na-off key pa nga siya sa kanta kaya hindi ko alam kung sasabayan ko rin ba yung pagka-off key niya o hindi.
Nagkatinginan na lang kami ni Lester dahil nagulat talaga kami sa ganap na iyon.
Mabuti na lang at iyong kanta lang ang kinanta niya dahil nagsimula na rin ang programme para sa gabing iyon. Binigyan din kami ng dinner at kaunting break para makapagpahinga yung boses ko.
Pinanood kasi sa LED screen yung love story ng dalawa. Maraming kilig na kilig, kahit ako rin naman pero alam ko kasi yung totoo behind that story. At the same time, I feel bad for Val kasi mahal niya rin talaga si Gio noong sila pa. Inagaw lang talaga ni Rianna yung tao kaya nga nagtataka ako kung bakit inimbitahan niya pa si Val ngayon.
"Bathroom lang ako." Paalam ko kay Lester. May twenty minutes break pa kaming dalawa bago magsimula yung mga next songs namin.
Nakakapagod din kumanta dahil naubos ko na yung ten songs na nasa list at iyon lang naman ang usapan talaga. Kahit anong love song na lang daw ang kantahin ko sa next part ng programme. Sandali na lang naman daw kasi iyon. Hindi na lang ako umangal kasi thirty thousand ang bayad sa akin para sa gabing ito.
Tumango naman si Lester matapos ay binalik ulit ang tingin sa screen. Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kaibigan ko at lumabas na ng hall. Doon na lang ulit ako sa pinuntahan na C.R kanina.
Wala masyadong tao sa dinaanan ko kasi anong oras na rin naman, quarter to ten na rin ng gabi at nakakaramdam na ako ng matinding pagod mula sa nangyayari. Kulang pa rin ang tulog ko naman.
Mabilis lang ang pag-ihi ko tsaka ako nag-retouch dahil pakiramdam ko ay humulas na yung kulay sa mukha ko.
Diretso ako sa paglalakad palabas ng banyo ng biglang nabali ang suot kong heels. Isang kamay ang biglang tumulong sa akin upang hindi ako bumagsak mula sa pagkakadulas na gawa ng sapatos ko.
Sumigid agad ang sakit sa paa ko sa nangyari pero hindi ko naman maalis ang tingin sa lalaking nakahawak sa bewang ko upang hindi ako tuluyan na bumagsak sa sahig.
His eyes were covered by a plain eye glasses probably a reading glass, makapal din ang kilay nito na bumagay sa mukha nito. He has a sharp and manly feature on his face na bumagay sa matangos nitong ilong at mapulang labi. I saw how his Adam's apple move up and down while looking at me.
"Are you alright?" tanong niya sa akin.
Hindi ako maka-oo at hindi rin ako maka-hindi dahil parang nahipnotismo ako ng mga mata niya. Nang sinubukan lang niya akong itayo ay doon ko naramdaman ulit yung sakit.
"A...aray!" Napahawak agad ako sa kaliwang paa ko. Sira na yung heels nung kaya mukhang ewan ang pagkakatayo ko.
"Nasira na yung sapatos mo," Komento niya sa akin.
Tumango ako at pinilit na magtip toe pero mukhang mali lang din iyon dahil mas sumakit ang paa ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya pagkaangat ko ng tingin doon.
Agad naman siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang paa ko. Napapitlag ako sa init na hatid ng kamay niya na humaplos doon. Tinignan niya iyon mabuti. Nailang naman ako dahil masyadong maiksi ang bestida na suot ko kaya hinila ko pa iyon pababa.
Mukhang napansin niya kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. "Your ankle is swollen." Saad niya.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung doktor ba siya o ano pero tama naman siya sa sinabi niya. "K...Kaya ko pa naman. Salamat." Sabi ko sa kanya. Hindi ko pwedeng bitinin yung event na iyon kaya kahit masakit ang paa ko ay pipilitin ko pa rin.
Napatayo naman siya kaya nakita ko kung paano umangat ang suot niya ring kulay abuhin na tuxedo. "Miss, namamaga yung paa mo. You should go to clinic, first." Seryoso niyang sabi sa akin.
Pero matipid na iling lang ang sinagot ko sa kanya. "M...may trabaho po ako na kailangan tapusin pa." sabi ko sa kanya.
His eyes scanned my whole look. Nakita ko kung paano tumiim ang bagang niya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at tumango sa akin. "If you say so. Just be careful your shoes are broken." Nagbaba siya ng tingin sa sapatos ko.
Napatingin dun tuloy ako. Hindi pa naman tuluyang natatanggal yung heels nung isang sapatos pero kaunting lakad lang siguro ang gawin ko ay tuluyan ng mahuhulog iyon.
Tumango ako sa kanya, "Maraming salamat po." Tanging nasabi ko sa kanya habang paika-ikang naglakad pabalik sa hall. Ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit ng paa ko kaya dahan-dahan akong naglakad papunta doon.
Napansin naman ako ng mga kaibigan ko na mabagal akong naglakad. Alam kong gusto nilang magtanong pero ngumiti lang ako sa kanila at umakyat na ulit sa makeshift stage.
"May problema ba?" tanong sa akin ni Lester. Napansin niya ata ang pagtagaktak ng pawis ko.
"Nasira yung heels na suot ko." Sagot ko sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya sa paa ko.
"Namamaga yung paa mo, Ayla." Aniya sa akin.
Tumango lang ako kahit masakit talaga ang paa ko. Pero isinantabi ko muna yung masakit kong paa dahil ang gusto ko ay matapos ang gabing ito at maiuwi yung pera sa mga kapatid ko. Kailangan nila ng pera dahil para sa kanila rin itong ginagawa ko ngayon.