2

1101 Words
Hindi naman ako pumasok sa S.M dahil sa gilid lang ako dumaan. Baka kasi mas magtagal ako pag doon ako pumasok dahil mahaba ang pila ng mga taong pumapasok. At isa pa ay baka makita ko na naman ang isa sa mga nawawalang tupa ko sa bahay.  Nakita ko kaagad ang itim na kotse ni Val na nakaparada  sa likuran ng city hall. Kumatok muna ako sa bintana bago niya binuksan iyon. Naka-shades pa siya kahit nasa loob ng sasakyan. Agad kong naamoy ang pabango niya.  Agad nalukot ang amoy ko nang dumiretso ang amoy nun sa ilong ko.  "Tagal mars. Malolosyang ako ng early dahil sa katagalan mo. Sakay na!" anito sa akin at binuksan ang pintuan sa passenger seat.  Umikot naman ako bago pumasok doon. Nilagay ko kaagad ang bag ko sa paanan ko pagkatapos kong isuot ang seatbelt ko.  "Sorry na. Nakita ko kasi si Charise kanina habang papunta dito. Si Chio lang naman ang nasa bahay kaya nagtagal ako nang kaunti." sabi ko sa kanya.  Inabutan niya ako ng isang cup ng inumin mula sa Starbucks na binili nito tiyak kanina. "May lafangga doon sa venue pero may flat bread diyan sa loob ng paper bag. Kumain ka muna at dadaan pa tayo kay CC. Alam mo naman na may alagang ahas ang bituka nun. Magkasama naman na sila ni Jill kaya hindi na tayo mahihirapan." aniya sa akin.  Tumango-tango naman ako pagkatapos ay inabot ang paper bag na sinabi niya. Gutom na rin naman ako. Hindi na ako nag-abalang kumain pa sa bahay dahil alam ko naman na may kakainin kami sa pupuntahan namin mamaya.  Sina Val, CC, at Jill ay nakilala ko matapos akong pakantahin ni Nanay Beth sa isang contest sa lugar namin. Si Val at CC ay parehong judge habang sabit lang nila si Jill that time. Nagustuhan at nagalingan sila sa akin kaya hindi na nila ako nilubayan.  Magaling akong kumanta, alam ko iyon. Kaming magkakapatid ay mahuhusay umawit lahat kaya lang si Chia na lang ang nagbibigay ng oras sa talento niya sa pag-awit. Kinalimutan ko na iyon dahil hindi naman ako madadala nun sa kung saan.  Ang mga magulang namin ay mahusay na mangangawit kaya siguro naman na rin namin. Sa aming magkakapatid ay ako ang pinakamahusay na umawit kaya nagagamit ko ito sa mga gig sa kung saan-saan.  Sina Val at CC ay magkaedad parehas silang bente kwatro anyos samantalang kami naman ni Jill ay parehas na bente dos anyos. Maganda ang trabaho na mayroon sina Val at CC samantalang si Jill naman ay libangan lang ang pagpasok sa convience store na pagmamay-ari ng pamilya nila.  Ako lang talaga ang mahirap sa aming apat.  "Wedding engagement iyon, mars. Di bale naroon yung bebe ni CC na si Lester bilang gitarista mo. Napractice mo naman yung songs na ipaparada mo doon di ba?" tanong nito sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa daanan. Tumango ako sa kanya. Ilang araw akong hindi uminom nang malamig na tubig para lang dito. Gusto kong maging maganda ang boses ko para sa pagtitipon na iyon. Isa pa ay malaki ang bayad at kaibigan nina Val, CC, at Jill ang ikakasal. Mabuti na nga lang at napilit nun na i-hire ako bilang singer kahit sa engagement lang nila ngayon. Sampung kanta para sa halagang thirty thousand.  Kahit kumanta ako nang kumanta sa bahay ay hindi ako makakapulot ng thirty thousand sa tabi-tabi.  "Hotel talaga yung pupuntahan natin? Bonggang party ba iyon?" tanong ko sa kanya.  Lumabi ito at kumibot-kibot pa iyon, "Di ko sure. Hindi ko naman totally close si Rianna dahil sina CC at Jill talaga ang kumars nun. Inagaw kasi nun yung jowa ko kaya pinaplastic ko siya!" Binuntutan pa nito ng tawa ang sinabi kaya napailing ako sa kanya.  "Siraulo ka talaga," naiiling na sabi ko sa kanya.  Mabilis siyang lumingon sa akin ng huminto kami sa stoplight. "Totoo nga! Porket may kipay yung babaeng iyon, nang-agaw na agad ng jowa. Kaso malandi jowa ko that time kaya pumayag si gago. Ayun ang ending naghiwalay din silang dalawa." anito tsaka binalik ang tingin sa daan at nagpatuloy sa pagmamaneho.  Sa Vito Cruz kami huminto sa tapat ng condo ni CC. Instructor kasi siya sa La Salle sa kursong Film. Pagpepelikula kasi ang buhay nila ni Val, kilalang director naman si Val habang mas gustong ituro ni CC yung alam niya tungkol sa film. Si Jill naman ay ang namamahala ng branch ng convinience store na mayroon ang pamilya niya kaya masaya ito sa ginagawa sa buhay.  Kung ididikit ako sa kanila ay walang-wala talaga ako.  Parang mga tangang pinapara kami nina CC at Jill. Huminto kami ni Val sa gilid at binaba ni Val ang bintana sa side ko.  "Mga batang-hamog pala iyan, mars. Bigyan mo ng barya." pang-aasar ni Val sa dalawa.  Nagmake face naman si CC at nilusot ang kamay sa bintana para hampasin sana si Val. "Napaka naman ni Valentine. Ikaw ang mas mukhang batang-hamog sa ating dalawa!"  Hindi naman nito pinansin ni Val na sinara nito ang bintana dahilan para maipit ang braso ni CC. "Aray ko, bakla! Yung braso ko!" sigaw nito sa labas.  Tumatawang binaba naman ni Val ang bintana ulit bago binuksan ang pintuan para makasakay ang dalawa. Hampas tuloy ang natamo ni Val mula kay CC.  "Wala ka lang dilig kaya ganyan ka sa akin. Inggitera kang bakla ka!" singhal nito.  Sinimulan naman paandarin ni Val ang kotse, "Kung kamukha lang ni Lester, naku hard pass tayo mars. Ayokong magmukhang may alagang kalabaw habang naglalakad. Paghilurin mo kasi ang  alaga mo CC. " sagot nito kay CC. Malakas na humagalpak ng tawa si Jill sa likuran nadamay tuloy ako sa malakas na pagtawa niya. Sanay na kami sa ganito lalo na at tuwing nagkikita kami ay ganito sila mag-asaran at kung minsan ay nadadamay kaming dalawa sa pag-aasaran ng mga ito.  Paghila naman ng buhok ang natamo ko mula kay CC dahil sa sinabi ni Val. "Aray! Bakit pati ako?" natatawang tanong ko pa rin sa kanya.  "Naiirita kasi ako sa ganda mo! Papangit ka kasi minsan." sagot naman ni CC sa akin.  "Inggit lang sa'yo yan , mars. Kasi ikaw may kipay siya Uranus lang mayroon," sagot ni Jill sa akin.  "Bakit naman ikaw may kipay pero never akong naiinggit sa'yo." sagot ni CC dito.  "Ay ang ingay mga mars! Inaantok ako kaya iidilip muna ako ah?" sabi ko sa kanila.  Hindi ko na sila inintay na sumagot dahil gusto kong kahit sa maikling biyahe man lang ay magawa kong makapagpahinga.  Hinayaan ko na rin sila habang patuloy ang pagbabardugalan nilang tatlo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD