Kung ang pagiging buntis lang ang pag-uusapan ay kaya ko naman. Natitiis ko naman yung lahat ng pagbabago na nararanasan ko. Mula sa paglaki ng tiyan, dibdib, hanggang sa mahirap na paggawa ng gawaing bahay maging sa pagtatrabaho. Kaya ko namang tiisin ang lahat iyon. Ang mahirap lang para sa akin ay ang mga tingin ng tao sa akin. Lalo na yung tingin ng ilang kapitbahay ko sa akin. Naririnig ko rin yung mga bulungan nila tungkol sa akin at sa pagbubuntis ko. "Wala namang boyfriend yan di ba?" usisa nung isang kapitbahay ng mapadaan ako palabas ng compound kasama si Charise. "Oo. Balita ko sadyang malandi lang talaga. Tignan mo nga at buntis." Sagot naman nung isa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Charise. Sasamahan ko kasi siya ngayon sa school niya lalo na at bibigyan