Kulang ang salitang wasak para sa akin habang nakatingin sa anak ko sa loob ng incubator. My son, Lonzo was so small habang may nakakabit na kung ano-anong aparato sa katawan niya. "Mars." Hindi ko inihiwalay ang tingin kay Lonzo kahit narinig ko na ang tawag na iyon. He's only 14 inches long at wala pang 3 pounds ang timbang niya. Hindi ko man lang siya magawang buhatin o mapainom ng gatas ko. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasan isipin na sana ay ako na lang ang nasa posisyon niya ngayon. My son is too young to experience this. Ang mainit na palad ni CC ang nagpalingon sa akin. Dumalaw lang ako sa ospital kahit ang totoo ay gusto kong dito na lang tumira muna. Dalawang buwan pa ang kailangan bago ko siya tuluyang maiuwi sa bahay. I wiped my tears away pagkalingon ko ka