Hanggang sa pag-uwi ay wala ako masyadong naging kibo. Nasa isip ko na baka nakita siya ni Youseff pero huwag naman sana. Nagtataka na nga lang din ang mga kapatid ko kung bakit naging tahimik ako. Si Charise lang ang may ideya dahil kanina pa niya ako inoobserbahan. Mukhang nagkaroon siya ng ideya matapos niyang makita si Youseff kanina. Pagdating namin sa bahay ay nagpahinga na rin kaagad sila lalo na si Lonzo. Samantalang kakailanganin ko pa ata ng inumin para lang makatulog. Tahimik akong lumabas ng kwarto at naglabas ng in-can na alak. Binuksan ko iyon bago naupo sa sofa at tinanaw ang liwanag ng Kamaynilaan mula sa bintana. Nasa ganung posisyon ako ng maabutan ako ni Charise. Tanging ang ilaw na lang sa lampara ang bukas sa buong bahay. Ayoko kasi sanang tumawag pa ng atensyon ni