Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Unti-unti kong nakikilala si Youseff at kung gaano siya ka-focus sa trabaho niya. Nakikilala ko ang pagkatao niya na hindi dapat. At sa bawat katangian niya na nakikita ko ay lagi kong naaalala si Lonzo. Katulad ngayon na naghihintay lang ako sa loob ng opisina niya dahil mayroon siyang board meeting para sa project ng kompanya niya. Sinuggest ko na sa lobby na lang ako maghihintay pero ang sabi niya ay dito na lang daw ako sa loob ng opisina niya at wala rin naman daw tao. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagmasid sa magandang tanawin na naaabot ng mga mata ko. Tiyak na matutuwa si Lonzo kapag nakita ang lugar na ito. Sa bawat araw na nandito ako at kasama si Youseff ay walang oras na hindi ko inisip kung sasabihin ko b
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books