Kung bakit hindi natuloy yung kasal nung Youseff at Serena ay hindi ko na plinano pang alamin. Hindi rin naman kasi naging maingay sa balita kung bakit hindi natuloy pero bulong-bulungan na nagloko daw yung lalaki. Nakaramdam ako ng guilt sa bahaging iyon. Baka naman coincidence lang lahat iyon. Baka coincidence lang din yung nangyari sa aming dalawa. Ayoko siyang gawing big deal dahil una sa lahat ay hindi kami magkakilala. What happened to us was the result of momentarily lust na naramdaman naming dalawa. Tsaka ayoko na masyadong isipin dahil marami na rin akong iniisip. May mga kapatid akong naghihintay sa akin lagi. Yung mga kapatid ko na lagi akong inaasahan kaya ayoko naman na tumigil ako doon. "Sorry naman at late ako!" Hindi ko na nilingon pa si Jill pagpasok niya sa loob ng