Chapter 8

1104 Words
CHAPTER 8 "Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo ang totoo, pero tingin ko ay palagi ka niyang hinahanap. Hindi rin totoo na okay siya at nag-aaral ng mabuti. Katunayan ay palagi siyang absent, kung pumasok man sa klase ay palagi ring nagka-cut class. Laman din siya ng Dean's office dahil madalas na may kaaway, kung hindi man ay dahil nahuhuling nakikipag-make out siya. Mababa ang mga marka niya lalo sa mga major subject namin. Tingin ko, nagsimula 'yan noong umalis ka sa kanila... roon siya nagrebelde," mahabang pahayag ko sa seryosong tinig. Iyan na lahat ang totoo, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin natanggal ang tinik sa dibdib ko. Mabigat pa rin ang loob ko at parang may kulang. Siguro nga dahil sa part ni Alice; hindi ko masabi ang lahat. Mataman kong tinitigan si Daddy Sebastian kung may magbabago ba sa emosyon niya. Deretso ang tingin niya sa akin kaya kitang-kita ko kahit ang mumunting paggitla ng kaniyang noo. Saglit siyang nawala sa huwisyo bago ipinilig ang ulo. Mahinang natawa si Daddy Seb. Inihahanda ko na rin ang sarili kung sisigawan man niya ako, o sasaktan dahil sa pagsisinungaling ko. Ngunit nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "It's okay, Larisa..." maamo niyang sinabi, pero sadyang hindi ako mapakali. "Hindi ka magagalit?" nagtatakang tanong ko habang titig na titig sa kaniya. Sinundan ko ng tingin ang kahabaan ng kaniyang braso kung saan nakapatong ang kamay niya sa kamay ko. Gumalaw ang mga daliri ko ngunit hindi ko naman iyon binawi at nanatiling natuod din sa pagkakaupo. "Honestly, alam ko naman ang totoo sa simula pa lamang, Larisa. Alam ko nang ganoon ang mangyayari kay Alice kapag umalis ako at hindi na nga ako nagulat sa tuwing may nagre-report sa akin na mga officer ng school ninyo. Naaawa rin ako sa anak ko, but all I can do is to bribe all the directors just to let her stay there." "Huh?" Lumarawan ang pinaghalong gulat at pagkalito sa mukha ko. Ibig sabihin ay hinayaan niya akong magsinungaling noong isang araw? "Noong first year siya ay napag-alaman ko nang mabababa ang mga grades niya. Kaya sinubukan kong kumuha ng tutor sa school ninyo. Unfortunately, hindi pumayag iyong kinontak ko. Wait, what is his name again?" Dagli siyang nag-isip, kalaunan nang pagak siyang matawa. "Ah! It starts with H. I think... Haris? Haris Martin?" Tuluyan nang nanlamig ang mga kamay ko. Kusang dumulas ang palad ko sa lamesa, rason para makawala ako sa pagkakahawak ni Daddy Seb. Napakurap-kurap pa ako habang nananatiling nakaawang ang labi. Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawang lupa ko at hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Kaya hanggang ngayon ay wala akong reaksyon. Nakatulala lang ako kay Daddy Seb. "Isa si Haris sa kilalang matalino sa school ninyo bukod sa 'yo, Larisa. Hindi ikaw ang kinontak ko, since alam ko ang nagiging away ninyo ni Alice. Kaya kay Haris talaga ako lumapit. Nagmakaawa pa ako sa kaniya na kung pwedeng maisingit sa schedule niya, pero palagi niya akong tinatanggihan. I get the point na isa siyang Dean's officer. Noong huli ay hindi na rin ako nagpumilit." Tinawagan niya si Haris noon? Bakit hindi ito nababanggit ni Haris sa akin? O kami na ba noong panahon na 'yon? Kung hindi pa, sige at tatanggapin ko. Pero kung kami na at inilihim niya sa akin ito, parang hindi ko kayang magpanggap na okay lang sa akin. "And last time na kinontak ko siya, nitong last week lang... luckily, pumayag na siya," dagdag ni Daddy Seb na lalong nagpapigtas ng litid sa pag-intindi ko, tuluyan akong napako sa kinauupuan ko. Napatigalgal ako sa harapan ni Daddy Seb. Tila pa may kung anong tumatarak sa puso ko at damang-dama ko roon ang kirot. Ilang sandali nang mapasinghap ako. Hindi ko namalayang pigil-pigil ko ang hininga. Kanina, kahit papaano ay may gana pa akong mag-review. Kahit papaano ay mapipilit ko pa ang sarili na mag-aral, pero ngayon ay hindi ko na kaya. Hindi ko na magawang ibalik ang atensyon ko sa pagre-review. Bumuntong hininga ako bago aligagang inayos ang mga notes kong nagkalat sa lamesa. Naguguluhan man din si Daddy Seb sa biglaan kong inaakto ay tumayo siya para tulungan ako sa pagliligpit. "Hindi! Ako na," naghihingalo kong sinabi at saka pa inagaw sa kaniya ang nahawakan niyang notebook ko. Dinungaw ako ni Daddy Seb. Natanaw ko ang pagkunot ng kaniyang noo ngunit madali na akong tumakbo palabas ng kusina. Sa nagdaang oras sa araw na iyon ay nagkulong na ako sa kwarto. Lumabas lang ako noong maghapunan at kaagad ding bumalik sa kwarto. Sa ganap na alas otso ay natulog na ako. Hindi ko na nasagot ang tawag ni Haris, kahit pa sobrang dami ng tanong na gumugulo sa utak ko. Kinabukasan sa school, siya kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Mabuti ay maaga rin siya. Nakita ko ito sa Quadrangle kung saan nakaupo sa benches na palagi rin naming tambayan dito. "Haris!" malayo pa lang ay tinawag ko na siya, mabilis niya akong nalingunan. Lumiwanag ang kaniyang mukha. Tumayo rin para salubungin ako ng yakap, pero nang makalapit ako ay tinulak ko siya sa dibdib niya. Hinampas at muling itinulak dahilan para makailang beses siyang mapaatras. "Larisa!" aniya, kasabay nang paghawak niya sa dalawang kamay ko upang pigilan ako. "Ano ba? Ano bang nangyayari?" Marahas ang paghinga ko. Kalaunan nang tumigil din at bigla akong natauhan sa inakto ko. Umatras ako para ilayo ang sarili kay Haris. Nakokonsensya man ay nananatiling galit ang kalooban ko. "Nagkausap kayo ng Daddy ni Alice, hindi ba? Tinanggap mo ang offer niya na maging tutor ni Alice?" paratang ko rito— iyon naman ang totoo. "Pero hindi mo sa akin sinabi?" Samantalang inakala ko na ako ang nagtutulak kay Haris para turuan niya si Alice. Akala ko ay dahil sa akin kaya siya sumusunod, may iba pa palang dahilan. Bumakas ang gulat sa mukha ni Haris. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng dalawang kilay niya at ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang natuliro. Humakbang siya palapit sa akin. "How did you know that?" seryoso niyang tanong na kaagad nagpatikom ng bibig ko. Hinawakan pa ni Haris ang isang braso ko, rason para mapakurap-kurap ako. "How did you know, Larisa? May nagsabi sa 'yo? Sino?" sunud-sunod niyang banggit. "Na—narinig ko lang..." Nanginig ang boses ko na halos hindi ko maitago ang kaba. Malakas akong tumikhim at madaling hinila ang kamay sa kaniya. Mariin ko siyang tinitigan. Nang hindi rin makayanan ang naninimbang niyang mga mata ay tinalikuran ko na siya at umalis. "Larisa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD