Chapter 7

1110 Words
CHAPTER 7 Sa kusina mula sa bahay ay doon na ako nakapag-review para sa nalalapit naming exam. Gusto ko pa sana sa library para marami akong mapagkukuhanang ideas, pero nagpumilit si Haris na maaga siyang uuwi kaya sumabay na ako. Aniya ay hindi pa maayos ang kwarto niya, o kahit ang tagpo nila roon ni Alice sa bahay. Nakwento niya sa akin iyong mga nangyari kahapon, na nilagnat daw si Alice sa ilang araw niyang walang sapat na tulog at pagpapalipas ng gutom. Kaya rin siya absent kanina sa klase, hindi lang din alam kung kaya na niyang pumasok bukas. Kaya naman ay ibinigay ko na rin ang iba ko pang notes dito. Para habang nasa bahay siya at nagpapahinga ay nagagawa na rin niyang mag-review. Sana nga lang ay magustuhan niyang mag-review. Alam ko na matigas ang ulo niya, pero sana ay may awa pa rin si Alice sa magiging grades niya. Sana ay mabigyan niya ng importansya ang pag-aaral. Alam ko na maraming pera ang pamilya ni Alice. Sa yaman nila ay pwede siyang mag-aral kahit kailan niya gusto, pero hindi ba't nakakapanghinayang naman iyong taon na ginugol niya sa school? Pumapasok siya para lang sa wala, parang kabute na lulubog-lilitaw. Naaawa lang din ako sa Mommy niya. Alam ko na gusto ring mapabuti ng Mommy niya si Alice ngunit sadyang matigas ang ulo nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, kapagkuwan ay napabuntong hininga. "Nagre-review ka?" Mula sa pagkakayuko ko ay dahan-dahan kong tiningala ang bagong pasok sa kusina na si Sebastian— Daddy Sebastian. Tipid akong ngumiti. Hindi ko inakala na kaya ko siyang tawagin ng gano'n. Parang hindi akma dahil mahirap naman kami kung tutuusin. Sinundan ko ng tingin ang marahang paglalakad ni Daddy Seb hanggang sa malapitan niya ako. Dinungaw niya ang kung ano mang binabasa ko. Nagkalat lahat ng notes at gamit ko sa lamesa. Paano at papalit-palit ako ng reviewer. Hindi ko magawang mag-concentrate at kapag wala talagang pumapasok sa utak ko ay ibang subject muna ang pinagtutuunan ko ng pansin. Pero ganoon pa rin, kaya heto at sumasakit lang ang ulo ko. "Saan ka nahihirapan? Pwede kitang turuan," ani Daddy Seb dahilan para magliwanag ang mukha ko sa galak. "Talaga?" bulalas ko na kaagad niyang tinanguan habang nangingiti. "Yup, alam mo bang magaling ako sa Business Math? Kaya kitang tulungan sa finance, accounting, and economics." "Ah, kaya pala kahit papaano ay may alam din si Alice sa Math," mahinang usal ko. Hindi naman ganoon kawalang alam si Alice sa klase. Tamad lang siyang mag-aral kaya nasasabihan siya ng iba na bobo. Pero napansin ko na magaling nga siya pagdating sa Business Mathematics. Alin man doon, Algebra, Calculus, optimization techniques, or economic applications of Algebra and Calculus. May pinagmanahan kasi. Pareho kami ng kursong kinuha; Bachelor of Science in Business Administration. Pareho rin ng subject at magkaklase sa tatlong taong dumaan. Si Haris naman ay Mass Communication ang kurso. Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga alam bakit itong kurso ang kinuha ko. Inisip ko noon na gusto ko lang naman ang maka-graduate ng college at ang Business Administration ang isa sa pinakamadali ayon sa survey na napanood ko online. Ito rin marahil ang kursong gusto sa kaniya ng Daddy niya. Kaya noong naghiwalay ang magulang niya ay nagrebelde siya bilang kapalit. Si Alice, kahit papaano rin ay may mamanahing kumpanya mula man sa Daddy o Mommy niya. Mayaman ang pamilyang Ventura, kahit nga siguro humilata lang si Daddy Sebastian at walang gawin ay gumagalaw pa rin ang pera niya, patuloy na lumalago dahil shareholder siya sa ilang kumpanya rito sa Pilipinas. Tunay nga na isa siyang ganap at magaling na Businessman. Tama lang din kung sa kaniya ako magpapaturo. Umusog ako ng kaunti para bigyan ng espasyo si Daddy Seb sa pahabang silya. Marahan naman siyang naupo sa tabi ko. Saglit niyang tiningnan isa-isa ang mga nire-review ko, kaya may pagkakataon na mapagmasdan ko siya. Pareho kaming nakaupo pero kitang-kita mula sa balikat namin ang malaking pagkakaiba ng mga height namin. Matikas ang katawan ni Daddy Seb, maganda rin ang balat at sobrang kinis. Hindi talaga halata na nasa forty na siya. Kung titingnan ay para lang siyang nasa middle 30s, kung mag-aayos pa siguro siya ay baka mas mukha pa siyang batang tingnan kaysa sa akin. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Naabutan ako ni Daddy Seb sa ganoong lagay nang lingunin niya ako mula sa leeg at balikat niya. Kaagad na natigil ang ngiti ko at unti-unting naging hilaw. Natawa siya ngunit hindi na rin nagsalita. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga notes ko. Napanguso naman ako, dahan-dahan pang napabuga sa hangin at parang takot ako na maistorbo siya ng paghinga ko. "So let's start with finance," panimula niya at saka pa inusog ang notes sa harapan ko bago ako dinungaw. "You know what finance is?" "Finance is the study and discipline of money, currency and capital assets," dere-deretsong sagot ko na ikinangiti niya. "Other than that, business finance is the cornerstone of every organization which means corpus of funds and credit employed in a business." Tumango-tango ako habang walang imik na nakikinig kay Daddy Seb. Magaling siyang magturo, masarap sa tainga ang boses niya at mahaba rin ang pasensya. Kaya kahit panay ang bato ko ng tanong ay nakangiti pa rin siyang sasagot. Wala si Mama ngayon at mamayang alas singko pa ang uwi niya. May trabaho kasi ito sa isang Restaurant bilang waitress. Kaya kahit papaano ay nakatulong ang pagiging tahimik ng paligid para makapag-concentrate ako sa pakikinig kay Daddy Seb. "To understand what business finance is, we must know that business finance includes activities concerning the acquisition and conservation of capital funds for meeting an organization’s financial needs and objectives," dagdag niya. "And there are different types of business finance; fixed capital, working capital, diversification, and technology upgrading," segunda ko na labis niyang ikinatuwa. "Magaling ka, Larisa. Hindi ka gano'n kahirap na turuan, natural nga na matalino ka," nasisiyahan niyang pahayag, kalaunan ay saglit na bumakas ang lungkot sa kaniyang mukha. "Si Alice kasi ay ang dami pang pasikut-sikot. Mahirap turuan ang batang 'yon at sobrang tigas ng ulo, pero masaya ako ngayon na malamang nag-aaral siya nang mabuti... kahit wala ako." Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko sa huli niyang tinuran. Kagustuhan ko sanang bawiin ang sinabi kong iyon sa kaniya, pero hindi ko na nagawa dahil nag-umpisa na siya ulit na magturo. Deretso siyang nagsasalita ngunit ni isa ay wala akong marinig. Mayamaya nang hawakan ko ang braso niya, rason para saglit siyang matigilan. Muli niya akong nilingon. "Hinahanap ka ni Alice. Sobra ka na niyang nami-miss. Sorry at nagsinungaling ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD