Chapter 9

1122 Words
CHAPTER 9 Muntik na... muntik ka na, Larisa. Malakas akong napabuntong hininga habang hawak-hawak ko ang dibdib. Mabilis ang pagtíbok ng puso ko dahil sa kaninang pagkumpronta ko kay Haris. Inis na inis pa ako sa sarili at bakit ba ako masyadong nagpapadala. Bakit ba ako apektado? Kung magsinungaling man siya, siguro ay para iyon sa kabutihan ko. Higit din sa lahat, sino ba ako para magalit o para magreklamo? Hindi ba't kumpara sa aming dalawa, ako iyong malaki ang atraso sa kaniya? Nangangatal ang labi ko sa sobrang kaba ko. Hindi iyon maalis sa isipan ko kaya buong oras sa klase ay tahimik ako. May recitation na naganap ngunit hindi ako nagtataas ng kamay. Kapag natatawag naman ako ay hindi ko nasasagot ang iba. May ilang quiz din na hindi ko na-perfect ang score, ganoon pa man ay ako pa rin naman iyong pinakamataas. Iyon nga lang ay hindi ako satisfied. Hindi ako natutuwa na iyon lang ang natamasa ko, na iyon lang ang naging score at performance ko. Simula nang mag-rank one ang pangalan ko sa buong batch ko ay mas lalo akong naging grade conscious. Hindi pwede na ngayon pa ako magkakaganito kung kailan ay malapit na ang Midterm exam. Nasapo ko ang ulo habang paulit-ulit na binabasa ang makapal na librong nahiram ko sa Library. Nasa room lang ako, hindi na ako lumabas para kumain. Ako lang ang naiwan doon kaya naging payapa ang paligid ko. Tumawag kanina si Haris para ayain akong kumain sa labas, pero tumanggi ako at sinabi kong magre-review ako. Wala na siyang nagawa. Kaya alam ko na kasama nito ang mga kaibigan niyang lalaki. Si Alice naman ay hindi pumasok sa morning classes namin. Wala siya sa dalawang subject at kung nasaan siya ay hindi ko alam. Pero paniguradong nag-cut class na naman iyon at tumambay sa malapit na bilyaran. Kung hindi ay baka maagang naglaklak ng alak sa Bottle Ground. Hindi na talaga nadala. Ayokong maawa sa kaniya, pero iyong konsensya ko ay masyado akong inuudyok. Ni hindi ko namalayang nasa harapan na niya ako at iniaabot sa kaniya ang notes ko. "Wala ka kanina sa una at pangalawang subject natin. Kaya hiramin mo na muna itong notes ko... ginandahan ko na rin ang sulat," sambit ko na sa kahihiyan ay halos hindi ko na rin iyon marinig sa sobrang hina. Nangunot ang noo ni Alice. Mayamaya nang mapairap niya, kasabay nang pagngisi niya matapos niyang hablutin sa akin ang mga notes ko. Ang itsura ni Alice ay natural nang mukhang mataray. Sa pag-arko pa lang ng kilay niya ay manliliit ka na. Mayroon siyang slanted or almond shaped eyes. Sa madaling salita ay fox eyes, na sa tuwing ngumingisi siya ay lalo iyong naniningkit. Ang ilong at labi ay parehong manipis, bagay lang sa maliit niyang mukha. Sa kulay din ng buhok niya ay mas lalo siyang kapansin-pansin. Tunay nga na maganda si Alice. Kung magugustuhan lang niyang sumali sa mga beauty pageant, walang duda na siya ang kokoronahan. "Mabuti at nagkusa ka na ring bumalik sa kung saan ka talaga nababagay," palatak ni Alice habang nakangisi siyang nakadungaw sa akin. "Ang pagsilbihan ako." Sa narinig ay dagling bumagsak ang panga ko. Napakurap-kurap na lamang ako nang makailang beses akong napaatras dahil sa malakas niyang pagbangga sa balikat ko. Dere-deretso siyang naglakad palayo. Samantala ay tinanaw ko naman ang papalayong pigura niya hanggang sa tuluyan siyang maglaho. Kalaunan nang pagak akong matawa. Grabe talaga, pati yata si Satanas ay yuyuko sa sobrang sama ng ugali niya. Umimpis ang labi ko sa sobrang pagpipigil sa sarili. Gusto kong bawiin ang pagiging mabuti at mabait ko sa kaniya, pero alam ko na kabayaran lang itong ginagawa ko dahil sa kasinungalingang ginagawa ko. Hindi nagtagal nang magpasya akong maglakad. Nang tingnan pa ang cellphone ko ay tadtad iyon ng missed call ni Haris. Mapait akong napangiti. Habang naglalakad pa ay natigilan ako nang makita sina Haris at Alice sa kabilang hallway. "Leave Anthony alone, Aliyah! Hindi ko gusto na pati si Anthony ay naiimpluwensyahan mo! Umuwi ka na ngayon din dahil magre-review pa tayo!" sigaw ni Haris na halos umalingawngaw iyon sa kabuuan ng palapag kung saan kami naroon. Kaagad akong nalingunan ni Alice mula sa likuran ni Haris. Naiinis siyang napasinghap. Kasunod nang marahas niyang pagtulak sa dibdib ni Haris na nananatiling umuusok sa galit. Base sa pagkakarinig ko, boyfriend ni Alice si Anthony na kaklase ni Haris. Hindi naman na bago iyon kay Alice, gayong ilan na rin sa mga kaklase ni Haris ang naging boyfriend niya. Nasa mababang year man din o senior namin ay pinapatulan niya. Kahit nga sa kabilang University ay may ilan na siyang naging boyfriend. Kaya bakit big deal ito kay Haris? "Ayan! Magsama kayo ng girlfriend mong isa ring pakialamera!" bulyaw ni Alice, nakakuha siya ng pagkakataong makatakas kay Haris nang malingunan ako nito. Mabilis kong sinipat ng tingin si Alice kung saan pa ay halos tumagos sa katawan ko ang talim ng paninitig niya. Namumula ang parehong mata nito sa sobrang galit. Nilampasan niya ako kaya kaagad na nalipat ang atensyon ko kay Haris. Nakaharap na siya ngayon sa akin. Saglit ko siyang tinitigan. Pilit kong hinuhulaan ang sagot sa kaninang tanong ko— anong mayroon, Haris? Big deal ba sa 'yo ito dahil ayaw mong mapahamak ang kaibigan mong si Anthony? O sa katotohanang step-sister mo si Alice? O dahil ba naaawa ka lang sa kaniya? O baka rin utos sa 'yo ng Mommy Alicia niya na bantayan at alagaan mo siya? Alin doon sa nabanggit? Para naman kahit papaano ay maintindihan ko rin. Mariin akong napalunok. Iyong tipong ang daming tanong sa utak ko ngunit hindi ko magawang magtanong sa kaniya dahil pinakahuli; ayokong may malaman na magiging rason para masaktan ako. "Larisa..." pukaw ni Haris bago dahan-dahan na lumapit sa gawi ko. Kinuha niya ang kamay kong nanlalamig, saka naman ako nagbaba ng tingin doon. Pinilit kong lunukin ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko. Mayamaya nang tingalain ko siya, ngumiti ako. "Uuwi ka na ba?" maang kong tanong. Tumango si Haris. "Yup. Ihahatid kita." Iginiya ako ni Haris at isinama sa paglalakad niya. Medyo nauuna siya kaya kitang-kita ko ang mga kamay naming magkasalikop. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting nalusaw nang unti-unti rin akong bumitaw. Napahinto si Haris at mabilis akong nilingon. "Bakit, Larisa?" "Sorry... kung nasigawan kita kaninang umaga. Sorry, Haris." Mahina siyang natawa. "It's okay, Larisa. Pasensya na rin at hindi ko na nasabi sa 'yo. Ako ang may mali kaya hindi mo kailangang mag-sorry, hmm?" nang-aamo niyang banggit, hinila pa niya ako para yakapin. "It's fine... I love you." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Sa buhay ko, si Haris Abraham Martin lang yata ang naging tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD