Chapter 23

1087 Words
CHAPTER 23 Nakasuot lang ako ng skinny jeans at fitted na t'shirt, terno sa flat sandals ko. Simple lang naman ako palaging manamit. Ayoko ng magara at masyadong mamahalin, pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin. Kahit papaano naman din ay nadadala ko ang mga mumurahing damit. Kitang-kita sa katawan ko ang kurba dahil hapit na hapit sa akin ang t'shirt ko. Iyon nga lang, hindi kalakihan ang dibdib ko. Napanguso ako sa kawalan, kapagkuwan ay bumaba rin mula sa passenger's seat. Medyo malayo ang Mall na sinasabi ni Daddy Seb at dumayo pa kami ng Makati. Aniya ay nandito raw ang mga paborito niyang store at dito rin siya madalas na mamili. Nilingon ko si Daddy Seb na saktong kabababa lang ng kaniyang pickup. Isinarado nito ang pinto sa driver's seat. Mabilis akong hinanap ng mga mata niya bago siya ngumiti. Sumilay din ang maliit na ngiti sa labi ko at saka siya hinintay na makalapit sa tabi ko. Muli niya akong inakbayan at isinama sa kaniyang paglalakad. Samantala ay gulat na gulat pa rin ang pagkatao ko sa ganitong gestures niya. Hindi lang ako makapaniwala na ganito na kami ka-close. Bumuntong hininga ako. Bawat hakbang ni Daddy Seb ay sinusundan ko lang. Una niyang pinasukan ay ang store ng mga branded clothes. Halos hindi ko iyon mahawakan at takot na magusot iyon. Narinig ko ang mumunting paghalakhak ni Daddy Seb sa gilid ko. "Pwede kang magsukat, Belle. Kapag may napili ka ay bibilhin natin." "Huh? Hindi po! Para na lang kay Mama," agap ko pero umiling siya. "Hindi, Belle, okay lang sa akin kahit na ilan ang kunin mong damit. Don't worry about the bill, ako na ang bahala." Mataman niya akong tinitigan. Hawak pa niya ang magkabilaan kong balikat kung saan ay nakatingala ako sa kaniya. Napakurap-kurap ako at nagkamot ng batok. "Nakakahiya," natatawa kong banggit. "It's okay. You don't have to," masuyong pahayag niya at nginitian ako. Muli akong napakurap. Bakit ba sa tuwing ngumingiti si Daddy Seb ay parang napakagaan ng mundo sa kaniya? Wala ba siyang problemang dinadala? Higit sa lahat, bakit parang iba ang epekto sa akin? Bukod sa nakakagaan din ng loob, para pa akong hinahabol ng mga kabayo at bumibilis ang pagtíbok ng puso ko. Alam ko na kagagaling ko lang ng break up at masama ito— hindi ito nararapat. Mabilis kong ipinilig ang ulo at nag-iwas ng tingin. Hindi ako sumagot bagkus ay tumango lang ako kay Daddy Seb bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Tumalikod ako sa kaniya upang magtingin-tingin ng mga damit sa mga naka-display. Lahat ay maganda, lahat din ay mahal. Pero dahil pinaunlakan naman ako ni Daddy Seb ay pumili na rin ako ng para sa akin. Pinili ko lang iyong mas mura sa lahat ng mga mahal dito. Sinukat ko rin ang iba. "That's nice, Belle!" ani Daddy Seb nang lumabas ako sa fitting room na suot ang isang silk dress na kulay pula. Napatingin ako sa malaking salamin. Mas kitang-kita ang hubog ng katawan ko. May ibubuga rin naman ako, pero hindi ako sanay. Para pa akong piki kung maglakad. Nakanguso ako nang humarap ako sa kaniya. "Kunin na rin namin 'yan," dugtong ni Daddy Seb sa babaeng uma-attend sa amin habang nananatili ang atensyon sa akin. "Sige po." Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong umiling ngunit huli na ang lahat, hindi mababali ng kung anong pag-ayaw ko oras na nakapagdesisyon na si Daddy Seb. Napabuntong hininga ako. Bumalik ako sa fitting room at hinubad ang dress. Hindi na ulit ako nagsukat pa. Lumabas na rin kami sa boutique na iyon. Marami pa kaming pinasukang store, lahat iyon ay hindi pinalampas ni Daddy Seb at palagi siyang may bitbit na paperbag sa tuwing lalabas kami. "Ang dami na nito, Daddy Seb. Baka malula si Mama," bulalas ko habang dinudungaw ang mga hawak niyang paperbag. May hawak din naman ako, kaunti lang at iyong kaya ko lang dalhin. Natawa si Daddy Seb. "Iyong iba rito ay para sa 'yo, Belle. Lalo iyong mga school supplies." "Tama na ito, sobra na." Humalakhak siya. "Last na, Belle. Rito tayo." Itinuro nito ang isang shop ng mga mamahaling alahas. Malawak iyon at marami ring tao. Mga mukhang mayayaman pa kaya nahirapan akong makibagay. Ang hirap naman kasing magpanggap. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy Seb para sana hilain na siya palabas. Nalingunan niya ako, saglit siyang nagbaba ng tingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Tila pa may kuryenteng dumapo sa akin at madali rin akong bumitaw. "Ang daming tao," kalaunan ay wika ko. Nakarinig ako nang malakas na tawa ng babae mula sa hindi kalayuan, pero sa dami ng tao ay nahirapan akong hanapin iyon. Para kasing boses ni Alice. Tumingin ako sa likod at hindi na nahanap ang babae. "Tingnan mo ito, Belle," pukaw ni Daddy Seb kaya ibinalik ko ang atensyon sa kaniya, nakatingin siya sa mga nakahilerang kwintas. "Ano sa tingin mo ang magandang disenyo rito na magugustuhan ni Marisa?" Bilang babae, lahat ng design ay maganda. "Iyong pinakasimple." Itinuro ko ang may manipis na chain at may simpleng pendant. "All right. I'll take it," sabi ni Daddy Seb sa babaeng attendant. Ilang minuto pa ang nakalipas. Nakalabas din kami sa wakas at parang ngayon lang yata ako nakahinga nang maayos matapos kong makita ang mga presyo ng mga kwintas na iyon, lalo ang napili ko— ang mahal din pala! "Where do you like to eat, Belle?" "Kahit saan, sa mura lang." "Ah! Let's go to my favorite restaurant," pahayag niya at hinila ang kamay ko. Medyo nauuna siyang maglakad at sinusundan ko lang siya. Nakatanaw lang din ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Malambot ang palad niya, parang kailan man ay hindi nakatikim ng mabigat na trabaho. "Sa VIP room na lang," sambit ni Daddy Seb sa isang waitress nang sabihin niyang wala ng bakanteng lamesa. Mabilis na tumango ang babae bilang sagot, nagningning pa ang mga mata. Isang beses niya akong nilingon at saka pinasadahan ng tingin ang mga pinamili namin. Nangunot ang noo ko. Hindi nakapagtimpi ay pinagtaasan ko siya ng kilay. Kung titingnan siguro ay mukha kaming magkarelasyon ni Daddy Seb. Hindi na kataka-taka na marami ang nagsasabing Sugar Daddy ko siya. Binabaliwa ko lang dahil wala namang katotohanan. Pinapasok na kami sa loob. Maigi kong pinasadahan ng tingin ang paligid, pati rito ay mayayaman ang mga kumakain. Bigla akong nahiya para sa sarili. "Come here, Belle." At si Daddy Seb lang yata ang may kakayahan na ipakilala ako sa ganitong nakakalulang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD