Chapter 24

1105 Words
CHAPTER 24 Dumating ang araw ng exam. Sa totoo lang ay hindi ako confident, sa dami ng problemang kinaharap ko nitong mga nakaraang araw ay hindi ako masyadong nakapag-review. Pinanghahawakan ko lang ngayon iyong stock knowledge ko. Halos hindi ako makausap sa loob ng apat na araw na exam namin, kahit sa bahay. Sa school ay palagi akong mag-isa. Pinagtitripan pa rin ako nina Mildred, pero nagagawa ko namang makatakas. Hanggang sa ilabas din ang results ng Midterm exam. Nasa booklet iyon kung saan kami mismong nagsagot. Katatapos lang mag-check at kaniya-kaniya ring tingin ng mga score sa booklet. Kaagad na bumagsak ang balikat ko. Hindi na ako nag-expect ng perfect score, pero kahit sana ay mataas na marka na lang. Pero laking gulat ko nang makitang isang numero na lang ang pagitan ay kamuntikan na akong bumagsak— pasang-awa! "Ilan ka, Larisa?" pukaw ni Dina na siyang katabi ko sa upuan. Mabilis kong itinago ang mga booklet ko bago pa man niya makita. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko, maging ang pamamasa ng mga mata ko. Napakurap-kurap ako at pinilit ang sarili na ngumiti. "A—ayos lang." Nanginig ang labi ko. "Ayos lang? You mean, hindi ikaw ang highest score sa klase natin?" Hindi ko alam kung sino ang nakakuha ng highest, wala akong pakialam. "Wow, si Alice ang pinakamataas ang score?" sigaw ng isa naming kaklase, sa narinig ay napatingin ako sa gawi ni Alice. Madali siyang pinalibutan at iba't-ibang puri ang natanggap niya. Maliit ang naging ngiti niya. Napasinghap ako at nag-iwas ng tingin. Dagli pang nangunot ang noo ko. Si Alice ang highest score? Papaano nangyari? Alam ko na pwede siyang mag-review, pero hindi ko inakala na kaya niyang gawin ito. Natulala ako sa kawalan. Ilang beses kong kinukwestiyon ang sarili kung saan ba ako nagkulang sa pagre-review. Halos manginig ang kalamnan ko at literal ding hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naroon na iyong inggit kay Alice, pagkadismaya para sa sarili at galit sa lahat ng taong nanakit sa akin. Nang hindi makayanan ang mga naririnig at sa tindi ng emosyong lumulukob sa akin ay wala sa sariling tumayo ako. Dali-dali akong lumabas ng room at patakbong tinahak ang kahabaan ng hallway sa building namin. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero dinala ako ng mga paa ko sa palagi kong tambayan, sa Library. Mabuti sa sobrang abala ng mga estudyante ay walang naiwang tao roon, bukod pa sa mga Librarian. Deretso akong pumasok at pumwesto sa pinakadulo, para rin itago ang sarili. Hindi ko balak na mag-aral dito, bagkus ay yumuko ako sa lamesa at ginawang unan ang mga kamay. Doon ko pinakawalan ang mga luha kong ayaw talagang magpaawat. Sa totoo lang ay wala namang nakakaiyak kung makakuha ka ng pasang-awa na marka, pero sa katotohanang sa akin iyon manggagaling ay sadyang nakakadismaya. Sa katulad kong grade conscious ay hindi iyon katanggap-tanggap. Dumagdag pa sa sama ng loob ko iyong nangyari sa amin ni Haris, pati iyong pinagdaraanan ngayon ni Mama. Hindi ko na alam, litung-lito na ako sa mga problema ko at hindi ko na rin mawari kung ano pa ang uunahin ko sa kanila. Ang bigat sa dibdib, parang pasan-pasan ko iyong mundo sa dami ng iniisip ko. Pakiramdam ko pa ay hindi ko na kayang ibalik iyong dating Larisa. Sa isang iglap, ang daming nawala sa akin. "Hey!" Dinig kong boses ngunit hindi ko pinansin, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabing upuan ko. Hindi ko man din lingunin ay si Alice ito. Anong ginagawa niya rito? Pagtatawanan ba niya ako? Ipapamukha ba niyang sa wakas ay natalo rin niya ako? "Are you okay?" malamyos niyang tanong dahilan para saglit matigil ang pagluha ko. "I don't know how to comfort, but let me know how I can help you." Sa kabila ng masamang ugali na mayroon si Alice, hindi pa rin talaga mawawala sa kaniya iyong kabutihan sa puso niya— katulad ng kaniyang ama. Gaano man siguro niya pigilan ang sarili, kumakawala pa rin sa kaniya ang konsensya niya. Mula pa sa sinabi niya, kahit papaano ay nalaman kong may isang tao pa rin ang handang umalo sa akin. Nariyan pa rin siya para damayan at samahan ako, pero alam ko na hindi ito pwedeng mangyari. "Iwan mo na lang ako, Alice," pahayag ko, bukod sa gusto kong mapag-isa ay gusto kong ilayo ang sarili ko sa kaniya. Hindi kami pwedeng maging magkalapit. Hindi niya ako pwedeng pagkatiwalaan at ayokong dumating sa puntong mamahalin niya ako bilang kaibigan. Dahil alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Alam ko rin na darating iyong araw na malalaman niya ang totoo. At kapag nangyari 'yon, panibagong sakit na naman ang mararamdaman niya, panibagong galit ulit at pagkamuhi sa akin ang dadanasin niya. Ayokong mangyari 'yon, kaya kagustuhan kong panatilihin ang galit niya sa akin. Mas gusto ko na galit siya sa akin para hindi na rin mahirap sa akin iyong nangyayari. Mas lalo akong napahagulhol. Isama pa pala itong problema ko kay Alice sa mga iniisip ko. Nakakatawa na animo'y isinumpa ako. Kulang pa 'to, alam ko rin sa sarili ko na hindi pa ito iyong sukdulan. "Hayaan mo muna ako rito," pinal kong saad, narinig ko ang pagbuntong hininga ni Alice. Kalaunan nang wala rin siyang magawa at dahan-dahan na tumayo. Rinig ko ang mahihinang yabag niya palayo. Hindi ko na siya tiningnan pa at muling napaiyak sa kawalan. Nasa ganoong posisyon lang ako sa nagdaang minuto. Mayamaya nang may maramdaman akong naupo sa katapat kong upuan. Hindi ito nagsasalita kaya napilitan akong mag-angat ng tingin sa kaniya. Nagsalubong pa ang dalawang kilay ko nang makita si Haris. "Wala rito si Alice, kalalabas lang kanina," maagap kong paliwanag kahit wala pa naman siyang sinasabi. Tumitig siya sa akin. May kung ano siyang kinuha sa kaniyang bulsa, panyo iyon. Nagulat pa ako nang siya na mismo ang magpunas ng luha sa pisngi ko. Kaagad kong iniiwas ang mukha ko sa kaniya. "Take care of yourself, Larisa," masuyong banggit niya, kapagkuwan ay inilapat sa harapan ko ang puting panyo. "Marami akong kasalanan at pagkukulang sa 'yo, pero nagsisisi naman ako. Again, I'm sorry. Mahirap para sa 'yo na mapatawad ako, but that's fine. Take your time." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bumuhos lalo ang mga luha ko. Hindi ito iyong inakala kong magiging closure namin ni Haris. Pero tingin ko ay hindi rin siya matatahimik kapag hindi niya ito ginawa. Malambing siyang ngumiti sa akin, ang mga mata ay totoong nagsisisi at puno ng hinagpis. Maging siya ay nahihirapan din, hirap marahil siya dahil naiipit din siya sa sitwasyong pakiusap ko sa kaniya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD