Chapter 19

1118 Words
CHAPTER 19 Usap-usapan pa rin sa school ang pagkakaroon ko ng Sugar Daddy. Iyon yata ang bumubuhay sa mga estudyanteng narito at kahit harap-harapan ay dinig na dinig ko iyon. Tila pa nagbalik ako sa dati kung saan ay target ako ng mga bully. Sa isang iglap, iyong pinaghirapan kong reputasyon ay unti-unting nagiba. Hindi ko na sana iyon papansinin, lalo at ilang araw na lang ay Midterm exam na namin ngunit sobra na— hindi ko na kinakaya. "Ilabas mo na kasi ang Sugar Daddy mo, Larisa! Pakilala mo kami," ani Mildred na siyang humarang na naman sa daanan ko. Ilang araw na nila akong pinagtitripan, pero sa tuwing kasama ko naman si Haris ay para silang mga Santo sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung alam na rin ba ito ni Haris ngunit wala naman akong naririnig sa kaniya. "Baka yumaman din kami." Malakas na humalakhak ang isang babae, Abby yata ang pangalan. "I mean, baka mas lalo pa kaming yumaman kaya sige na..." Marahas akong bumuntong hininga. "Tigilan niyo na ako. Wala kayong mapapala sa akin." "Matapang ka na, ah?!" Humarang si Alex, ang lalaking kaibigan nila. Nagawa pa niyang hablutin ang uniporme ko mula sa aking balikat dahilan para magkalasan ang ilang butones nito. Literal na lumuwa ang dalawang mata ko. Malakas na tumawa si Alex at kitang-kita ko pa ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko, partikular sa nakalantad kong dibdib. Mabilis ko siyang naitulak. Tangkang tatakbo ako palayo nang hilain naman ni Mildred ang buhok ko. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na ito, wala pang anu-ano nang lalo niyang kinalas ang mga butones ng uniporme ko gamit ang dalawa niyang mga kamay. Nagtawanan silang tatlo. Halos marindi ang tainga ko sa paulit-ulit nilang pagtawa. Pinalibutan nila ako. Sa sobrang aga ko ay kami pa lang ang tao rito sa Quadrangle kaya wala rin akong mahingian ng tulong. Yakap-yakap ko ang dibdib ko. Gustung-gusto ko nang umiyak, pero kailan man ay wala pang nagpaiyak sa isang Larisa Belleza Gracia bukod kay Haris. Wala pa kahit isa sa school na 'to ang nagpaiyak sa akin, kahit si Alice. "Patingin nga ng katawan mo, Larisa, para malaman namin kung gaano nasasarapan sa 'yo ang Sugar Daddy mo," nang-aasar na saad ni Abby dahilan para lingunin ko ito. Tila may kung anong pumutok na ugat sa ulo ko at biglang nandilim ang paningin ko. Mabilis pa sa kidlat na nahatak ko ang buhok ni Abby at kinaladkad ko siya. Ngunit naging maagap din ang dalawa niyang kaibigan. Tuluyang napunit ang uniporme ko kaya lumantad na ang likuran ko. Hila-hila na ngayon ni Mildred ang buhok ko, halos kuyurin nila akong tatlo. Sa sitwasyong iyon ay hindi ko malaman kung paano ko sila nagawang takasan. Nakatakbo ako habang wala na halos akong pang-itaas. Kahit nakalayo na ako ay dinig ko pa rin ang malalakas na tawanan nina Mildred, Abby at Alex. Tila ba sinadya nila akong pakawalan para patakbuhin ng nakahubad sa Quadrangle. Dumeretso ako sa locker room. Kamuntikan pa akong mapaluhod sa sobrang panghihina. Nanginginig ang buong katawan ko, maging ang kalamnan ko sa tindi ng galit ko. Naghalu-halo na ang emosyon ko at hindi ko na alam kung paano ko pa iyon nagagawang kontrolin. Ni hindi ko magawang umiyak para sa sarili ko, para sa kinahinatnan ko. Parang walang nangyari noong humarap ako sa maliit na salamin mula sa loob ng locker. Dahan-dahan kong sinusuklay ang buhok ko habang kitang-kita ko ang ilang kalmot at sugat sa pisngi ko. Sa kadahilanang wala na akong maisuot na uniporme ay ginamit ko iyong extra t'shirt ko na matagal nang nakaimbak dito sa locker ko. "Totoo ba ang naririnig ko, Larisa? Hmm?" masuyong tanong ni Haris na siya ngayong gumagamot sa mga sugat ko sa pisngi. Nandito kami sa Library. Tapos na ang klase at oras na ng uwian kaya hindi na rin gaano ang tao mula rito sa loob. Sadyang nagpaiwan lang din kami dahil sa gusto ni Haris na mag-usap kami. "Na may Sugar Daddy ka?" dugtong niya. Umiling ako. "Hindi ko siya Sugar Daddy, Haris. Ki—kinakasama siya ni Mama. Madalas niya akong ihatid dito sa school. Paminsan-minsan ay sinusundo rin..." Saglit na natigilan si Haris at dinungaw ako. "You mean, step-father mo?" Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. "Oo. Ganoon na nga." "Bakit hindi mo linawin sa kanila ang totoo?" nalilitong sambit ni Haris. "Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanila, Haris, o kahit ang ikwento ang buhay ko sa ibang tao." Bumuntong hininga si Haris. "I understand, Larisa. Pero baka lalo silang lumala." "Ayos lang. Wala akong pakialam." Maang na napatitig sa akin si Haris. Lumayo na rin ako sa kaniya at mukhang tapos naman na siyang maggamot. Inayos ko na ang bag ko, gusto na ring umuwi. "Larisa... can I meet him?" untag ni Haris, rason para mapahinto ako sa tangkang pagtayo. "Iyong step-father mo, pwede ko ba siyang makilala? O kahit makita lang?" "Para saan?" mabilis kong palatak. "Well, ahm, just to make sure—" "To make sure, ano? Hindi ka naniniwala sa sinabi ko, Haris? Na iniisip mong baka nga Sugar Daddy ko iyon?" Nagulat si Haris sa biglang pagsabog ng emosyon ko. Nanlaki ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Malakas akong bumuntong hininga. "Ipapakilala ko rin siya sa 'yo, pero hindi muna sa ngayon. Marami pa akong problema." Tuluyan ko na siyang tinalikuran at dere-deretsong naglakad palabas ng school. Hindi ako nagpasundo kay Daddy Seb dahil may iba akong pupuntahan. Matapos kong sumakay ng jeep ay nagpababa ako sa Restaurant na siyang halos bumuhay sa akin simula noong ipanganak ako. "Nandiyan po ang Mama ko?" tanong ko sa isang waitress nang hindi ko mahagilap si Mama sa loob ng Restaurant. "Uy, ikaw pala iyan, Larisa. Pero naku! Lumabas na si Marisa, ah? Kanina pa at baka nasa bahay niyo na iyon." Nangunot ang noo ko. "Madalas ba siyang mag-overtime hanggang gabi?" "Huh? Hindi naman, Larisa. Mas nauuna pa ngang mag-out sa akin si Marisa. Ang sabi pa niya ay dumadaan pa raw kasi siya sa Hospital," pahayag nito. Dumoble ang gitla sa noo ko. "Saang Hospital?" "Diyan! Diyan lang, oh! Sa may tawid." Itinuro pa nito ang may kataasang Hospital na hindi kalayuan dito sa Restaurant. "Sige po, maraming salamat." Mabilis akong tumalikod. Hawak-hawak ang sling ng shoulder bag ko ay pigil-pigil ko ang hininga ko nang tingalain ko ang Hospital. Akmang tatawid na ako nang magsalita ulit ang waitress na katrabaho ni Mama. "Ang hula pa nga namin dito ay baka may malubhang sakit 'yang si Marisa. Riyan yata siya nagpapa-check up, o nagpapareseta ng gamot sa Doctor. Naku, Larisa! Ipagamot mo na kaagad ang Mama mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD