“Mukhang nasiraan na nga ng bait si Bullet.” napapailing na sabi ni Rayah.
Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa pinagsasabi ni Bullet sakin nung nakaraan.
“Talaga! Grabe, mas gusto ko pa yung Bullet na lagi akong binibwiset.” inisang lagok ko ang alak sa baso.
Nakakastress. Sana makaalala na siya bukas na bukas din.
“Pero nag-aalala ako kapag nagkaalaman na, kapag nalaman nila na may amnesia si Sir Bullet, malamang gagawa ng move ang kabila para mapunta kay Sir Trigger ang lahat ng yaman nila.” natigilan ako sa sinabi ni Rayah.
Si Mr. Trigger Rey Farenn ay ang pinsan ni Bullet, pero wala itong interes sa pagpapatakbo ng buong imperyo ng mga Farenn. May sarili kasi itong negosyo.
Pero ang tatay kasi ni Sir Trigger ay may pagka-ambisyoso. Gusto niyang si Sir Trigger ang magmana ng buong imperyo ng mga Farenn kaya naghahanap siya ng butas para masira si Bullet.
Namatay ang tatay ni Bullet twenty years ago kaya maagang sinanay si Bullet sa pamamalakad ng imperyo nila.
Kaya naiintindihan ko na ang nanay ni Bullet kung bakit gusto niyang ilihim ang sitwasyon ni Bullet sa ngayon, maaari ngang mawala ang lahat ng pinaghirapan ni Bullet na parang bula.
“Kaya ikaw wag kang madaldal, baka mawala na lang lahat ng pinaghirapan ni Bullet.” sabi ko kay Rayah, naningkit ang mga mata niya.
“Alam mo ikaw, hindi ko malaman sayo kung galit kaba kay Sir Bullet o concerned.” sabi ni Rayah at napairap. Napaiwas ako ng tingin.
“S-Syempre, kapag hindi na si Bullet ang namamalakad ng ospital na pinatatrabahuhan natin, b-baka malugi yung ospital. Sino bang pinakamagaling sa business eme na yan sa Danger Zone? D-Diba si Bullet. Saka kapag nalugi yung ospital edi kawawa tayo. Y-Yung ospital ni Bullet ang the best na ospital na napagtrabahuhan natin. D-Diba sayang?!” paliwanag ko.
“Alam mo girl, pagdating kay Sir Bullet sobrang defensive mo. Mag best friend naman tayo eh, maging honest kana lang sakin.” sabi niya at inirapan ako.
“W-Wala nga kasi akong gusto kay Bullet.” pagtanggi ko.
“May sinabi ba ako?” sarkastikong sabi niya.
“Eh 'yon ang pinapahiwatig mo eh!” nakasimangot na sabi ko.
“Bakit? Hindi mo ba talaga siya gusto?” nakataas kilay na sabi niya. Napalunok ako.
“H-Hindi nga.” muli kong ininom ang alak sa baso.
“Hindi mo na kinukwento sakin si Prince, ni hindi mo na nga yata siya iniisip eh. Nakita natin siya kasama si Shenna sa mall kanina pero parang normal lang sayo, ni hindi ko nga nagselos eh. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin no'n?” natigilan ako sa sinabi niya.
Oo nga noh, hindi ako nasaktan nang nakita ko sila ni Shenna na magkasama kanina, binati ko pa nga sila eh. Parang normal na lang, ni hindi ako nakaramdam ng kakaiba nung nakita ko si Prince.
“M-Mukhang hindi ko na nga yata mahal si Prince.” nakatulalang sabi ko.
“Edi maganda! Simula't sapul naman alam nating pareho na wala kang pag-asa kay Prince.” sabi ni Rayah.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nanatili akong nakatulala.
Pa'no nangyaring hindi ko na mahal si Prince? Parang ang bilis naman, college student pa lang ako mahal ko na si Prince, paano nawala ang pagmamahal ko sa kanya ng gano'ng kabilis?
Natigilan ako nang maalala ko si Bullet. Simula ng lagi na kong iniinis ni Bullet, nawala ang atensyon ko kay Prince.
Madalas ko ngang isipin si Bullet nitong mga nakaraan, lagi niya kasi akong iniinis.
Hindi kaya---
Napailing ako at agad na sinampal ang sarili ko.
“Hoy Sarah! Bakit mo sinasampal ang sarili mo? Nabaliw kana rin?!” hindi ko pinansin ang sinabi ni Rayah.
Hindi! Imposible!
Imposibleng may gusto ako kay Bullet, nakakatawa 'yon. Naiinis lang siguro talaga ako sa kanya kaya ko siya naiisip.
Saka imposible ring makamove on ako kay Prince ng dahil sa kanya.
Tama! Imposibleng may gusto ako sa bala na 'yon!
Ikaw bala! Wag mong guluhin ang isip ko! Isa ka lang asungot na bala! (bala as in bullet ✌)
***
“Bakit tulala ka dyan?” tanong ni Kira at tumabi sakin.
“W-Wala, may iniisip lang.” sabi ko habang nakatulala.
“Sino? Si Sir Bullet? Ayiee.” panunukso pa niya.
Agad akong napatayo.
“Wag mong mabanggit banggit ang bala na 'yon! Hindi ko siya iniisip noh?! Sino ba siya?! Asungot na bala lang siya!” natigilan siya sa sinabi ko.
“A-Anong sinasabi mo?” nagtatakang tanong niya. Tila natauhan naman ako. Agad akong umupo at napatikhim.
“A-Ano, wag mo ng pansinin ang sinabi ko.” sabi ko at uminom ng tubig.
Ano ba yan! Nakakainis talaga!
“Nurse Sarah.” napalingon ako sa tumawag sakin.
“Bakit po Doc?” agad akong tumayo at lumapit kay Doc Sanchez.
“Pinapatawag ka sa VIP room ni Mr. Farenn. Pumunta ka kaagad.” sabi nito at agad ring umalis.
Ano na naman bang kailangan ng bala na 'yon?
Napabuntong hininga na lang ako.
“Sige Kira, punta lang akong VIP room.” tumango si Kira at ngumiti.
“Go lang! Kapag kinasal kayo ni Sir Bullet, ninang ako ah!” napailing na lang ako sa kabaliwan niya.
“Baliw.” sabi ko na lang.
Nagpunta na ko sa VIP room. Sana normal na ang pag-iisip ni Bullet, kapag hindi pa baka iuntog ko na talaga ang ulo niya.
Natigilan ako pagpasok ko sa VIP room. Nandoon ang nanay ni Bullet pati ang fiancé niya na si Hannah.
“Bullet, bumalik kana sa katinuan mo! Mapapabayaan mo ang BRF empire! Ilang taon ang iginugol mo para mapalago 'yon!” panenermon ni Mrs. Farenn kay Bullet.
Nakapikit lang si Bullet habang nakasandal sa headboard ng kama niya.
“Hindi kita kilala, paano ako makakasiguradong ikaw nga ang nanay ko?” tila walang pakialam na sabi ni Bullet.
“Really Bullet?! Pinakitaan na kita ng mga dokumento diba?! Magpakaayos kana, kailangan mo ng makaalala!” nanghihinang napaupo si Mrs. Farenn sa sofa at napahilot sa sentido niya.
“Fine. Give me a fvcking week, pag-aaralan ko ang tungkol pamamalakad ng imperyong sinasabi mo.” natigilan ako sa sinabi ni Bullet.
“Are you serious Bullet? Aabutin ka ng ilang taon bago mapag-aralan ang pamamalakad mo sa BRF empire.” tila hindi rin makapaniwala ang fiancé niya na si Hannah.
“I know, that's why this is a challenge to me. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kaya kong pag-aralan ang lahat ng 'yon sa loob lang ng isang linggo.” idinilat niya ang mga mata niya. Ibinaling niya ang tingin niya sakin, agad akong napaiwas ng tingin.
“Sa isang kondisyon...” sabi ni Bullet habang nakatitig pa rin sakin.
Napatingin sakin si Mrs. Farenn at Hannah. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-angat ng isang kilay ni Hannah.
“I want her to be my private nurse.” sabi ni Bullet at itinuro ako.
Ano?! Seryoso ba siya?!
“What the hell are you saying Bullet?” naiinis na tanong ni Hannah.
“I said I want her to be my private nurse. Ako lang ang susubaybayan niya hangga't hindi ako nakakaalala.” seryosong sabi nito.
“Pagsisisihan mo 'to pag nakaalala ka!” naiinis na sabi ni Hannah at kinuha ang bag niya.
Napatigil siya at napatingin sakin. Inirapan niya ko at binangga ang balikat ko bago tuluyang lumabas.
“Magpakaayos ka Bullet.” sabi Mrs. Farenn at agad ring lumabas.
Napatingin ako kay Bullet. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ano bang problema mo Bullet?” nakapamaywang na tanong ko.
Hindi siya sumagot, prenteng nakaupo lang siya sa kama.
“You're now my private nurse. It's exciting right?” nakangising tanong nito.
Naiinis na lumapit ako sa kanya.
“Pwede ba? Tigilan mo ko sa mga pantitrip mo! Nananahimik akong nagtatrabaho, lubayan mo na ko.” huminga ako ng malalim. Baka masapak ko lang ang lalaking 'to.
Hindi siya nagsalita. Napahawak siya sa ulo niya.
“Damn this head.” nakangiwing sabi niya.
Agad akong lumapit sa kanya.
“B-Bakit? Masakit ang ulo mo? Gusto mong tawagin ko ang doktor?” nag-aalalang tanong ko.
“Hindi, medyo sumakit lang.” pumikit siya at napalunok.
“Umayos ka, ihihiga kita.”
Inalalayan ko siyang humiga at kinumutan.
“Pindutin mo lang 'to kung may kailangan ka o may masakit sayo ha?” sabi ko at tinuro ang pindutan malapit sa pwesto niya. Tumango lang siya.
“Sige, mauna na ko.”
Aalis na sana ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ko paupo sa tabi niya.
“Dito ka muna.” sabi niya habang nakapikit.
Hindi na lang ako nagsalita, umupo na lang ako sa tabi niya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Ang laki ng kamay niya, sakop na sakop nito ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko tinatanggal ang kamay niya, ngayon lang ako hinawakan ni Bullet sa kamay ng ganito.
Napatingin ako sa kanya na natutulog. Ang putla niya, hindi ako sanay na ganito siyang kaputla. Pero kahit gano'n, hindi nabawasan ang kagwapuhan niya.
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Ano bang nangyayari sakin?
Napatingin ako sa kilay niya, ang kapal ng kilay niya na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya. Inangat ko ang isang kamay ko na hindi hawak ni Bullet. Marahan kong hinaplos ang kilay niya.
Napasinghap ako nang idilat niya ang mga mata niya. Agad kong inalis ang kamay ko sa kilay niya.
Kinuha niya ang isang kamay ko at ibinalik 'yon sa kilay niya.
“Ituloy mo lang, nakakaantok.” sabi niya at bahagyang ngumiti.
Hindi ko alam kung bakit, pero bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ngiti niya.
***
“Wow, kabaliwan 'yon.” napapailing na sa bi ni Rayah. Napatango ako.
“Kabaliwan talaga.” sabi ko at napahilot sa sentido ko.
“Mas naging weird si Sir Bullet nung nagka-amnesia siya. Bakit gusto ka niyang maging private nurse?” natatawang sabi ni Rayah.
“Hindi ko alam, at alam mo ang malala pa niyan. Kailangan kong tumuloy sa unit niya at bantayan siya 24/7!” nakakasira ng ulo.
“Talaga?” gulat na tanong ni Rayah.
“Oo, sabi sakin ni Doc Sanchez kanina. Ewan ko ba kung mabuti 'yon o masama, magiging doble ang sweldo ko habang private nurse ako ni Bullet.” sabi ko at napabuntong hininga.
“Mabuti!” sabi nito.
“Gustong gusto kong tumanggi eh, kaso imposibleng pumayag ang Bullet na 'yon.” namomroblema talaga ako.
“Alam mo ba, ang daming babaeng nangangarap na mapunta sa sitwasyon mo. Bukod sa unit ka niya tutuloy, araw araw mo pang makikita ang kagwapuhan niya, at doble pa ang sweldo mo. Napaulanan ka ng swerte girl.” sabi niya at kinindatan ako.
“Malas 'to para sakin.” sabi ko at napabuntong hininga.
“Bakit naman?” tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.
“M-Magiging honest na ko...” sabi ko at napatungo.
“...hindi maganda ang nararamdaman ko kapag nasa tabi ko si Bullet.” napataas ang kilay niya.
“Pa'nong hindi maganda?” tanong pa niya.
“A-Alam mo na 'yon.” sabi ko na lang. Umiling siya.
“Hindi ko alam. Linawin mo.” nakasimangot na sabi niya.
“B-Basta! Alam mo na yon!” sabi ko at tumayo saka dumiretso sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at umupo sa kama ko.
Kung ano mang nararamdaman ko ngayon, kailangan kong pigilin sa abot ng makakaya ko.
***
“Akin na po ang maleta niyo.” kinuha ng driver ni Bullet ang maleta ko.
“Go Sarah! Kaya mo yan!” pag-cheer ni Kira at ng iba pang nurse sakin.
“Ewan ko sa inyo.” natatawang sabi ko.
Natigilan ako nang lumapit sakin si Bullet.
“Excited kana ba?” bulong ni Bullet sakin. Tiningnan ko siya ng masama.
“Sobrang excited na ko, sa sobrang excited ko gusto ko ng iuntog ang ulo mo.” napangisi na lang siya sa sinabi ko.
Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse. Napairap na lang ako at sumakay.
Bwisit talaga. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Umupo na si Bullet sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. Sinalpak ko lang ang earphone sa tainga ko.
Nagsimula ng umandar ang kotse pagkasakay ng driver.
Natigilan ako nang tanggalin niya ang earphone ko.
“Bakit ba?” pabulong na sabi ko. Baka marinig pa kami nung driver.
Kinabit niya sa tainga niya ang isa. Napakunot ang noo niya.
“Wala namang tugtog eh.” sabi niya at pinitik ang noo ko.
“Aray!” napahawak ako sa noo ko.
“Masakit ba? Ang hina lang no'n eh.” iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya.
Napasinghap ako. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Naka-focus siya sa pagtingin sa noo ko. Ako naman ay nakatitig sa kanya.
Napalunok ako, nagwawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Mas gwapo siya sa malapitan.
Bumaba ang tingin niya sa mga mata ko. Agad akong napaiwas ng tingin.
“H-Hindi naman masakit eh.” sabi ko at pasimpleng hinawakan ang noo ko.
Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Pilit kong binawi mula sa kanya ang kamay ko pero hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.
“Ang sakit ng ulo ko.” napahawak siya sa sentido niya.
“T-Talaga? Bumalik tayo sa ospital.” umiling siya sa sinabi ko.
“I just need to hold your hand.” sabi niya at inangat ang kamay naming magkahawak.
“Baliw ka!” hinampas ko ang braso niya.
Pumikit na lang siya habang hawak pa rin ang kamay ko.
Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang siya.
“Alam mo pag nakaalala kana, pagsisisihan mo 'tong mga ginagawa mo.” nakatungong sabi ko.
“Sa tingin mo?” tanong niya. Tumango ako.
“Oo naman, galit na galit ka kaya sakin.” nakasimangit na sabi ko.
“Hindi mo ba alam yung kasabihan na 'the more you hate, the more you love'?” nakangising sabi niya.
“E-Ewan ko sayo.” sabi ko at napaiwas ng tingin.
“Nandito na po tayo Sir Bullet.” sabi ng driver.
Agad kaming bumaba ng kotse. Kinuha ng driver ang maleta ko.
“Ako na po manong.” kinuha ko ang maleta ko.
“Kami ng bahala. Mauna kana.” sabi ni Bullet.
“Sigurado po kayo Sir? Baka po makalimutan niyo yung---”
“Top floor, room 209, PIN code 120792.” natigilan ang driver.
“Ayos Sir. Mauna na po ako.” agad na sumakay ang driver at umalis na.
“Akin na yan.” kinuha ni Bullet ang maleta ko.
Pumasok na kami sa condominium. Di hamak na mas maganda at mas malaki ang condominium na 'to kaysa sa tinitirhan ko. Sabagay, puro mayayaman ang natuloy dito.
Sumakay na kami ng elevator. Natigilan ako nang muli niyang hawakan ang kamay ko.
“Hoy, abusado ka.” pinilit kong bawiin ang kamay ko mula sa kanya.
“Masakit ang ulo ko.” pag-iinarte nito. Tiningnan ko siya ng masama.
“Eh kung batukan kaya kita.” sabi ko na lang.
Bumukas na ang elevator. Agad kaming lumabas. Room 209 agad ang bumungad samin.
“Bakit room 209 lang ang nandito sa top floor?” tanong ko sa kanya.
“Sakin yata ang buong floor.” napasinghap ako sa sinabi niya.
Agad na niyang tinipa ang PIN code.
“Tandaan mo ang PIN code, 120792.” tumango ako sa sinabi niya.
“120792.” bulong ko sa isip ko.
Nanlaki ang mga mata ko pagpasok namin sa unit niya.
Grabe, limang beses yata ang laki ng unit niya sa unit ko. Ang ganda pa sa loob, sobra.
“Saan ba ang kwarto ko dito?” tanong niya at napakamot sa batok niya.
“Tutulungan nga kita maghanap.”
Bakit ba kasi ang daming kwarto dito?
“Wait, ito yata ang kwarto mo.” sabi ko at itinuro ang kwartong may nakalagay na ‘Don't fvcking disturb me!’
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Sinundan naman ako ni Bullet.
Napatingin ako sa bedside table. May picture si Bullet do'n.
“Ito nga yata ang kwarto ko.” sabi ni Bullet at umupo sa kama.
Binuksan ko ang malaking cabinet niya. Bumungad sakin ang napakadaming coat at polo. Binuksan ko ang drawer niya at naroon naman ang maraming neck tie na naka rolyo. Sa isang drawer naman ay mga relo na mas mahal pa yata sa unit ko.
“Nakakatakot namang hawakan ang mga 'to. Mas mahal pa yata 'to sa buhay ko.” nakangiwing sabi ko.
Nilingon ko siya. Natigilan ako nang mapansin kong nakapikit na siya. Lumapit ako sa kanya.
“Pumili ka ng kahit anong kwarto dito. Magpahinga kana rin.” sabi niya habang nakapikit.
“S-Sige, magpahinga kana rin.”
Lumabas na ko sa kwarto niya. Napatingin ako sa pintong katabi ng kwarto ni Bullet.
Pumasok ako sa kwartong 'yon. Agad kong nilagay ang maleta ko sa tabi ng kama. Simple lang ang kwartong 'to kumpara sa kwarto ni Bullet. May tv at cabinet dito.
Inayos ko na ang mga damit ko at inilagay 'yon sa drawer.
Lumabas na ko ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Ang daming gamit sa kusina ni Bullet. Ang laki din ng ref niya, sobra.
Binuksan ko ang ref niya. Ang daming pagkain at alak. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang may ice cream akong nakita.
Agad kong kinuha ang ice cream. Kumuha ako ng kutsara at binuksan ang ice cream.
Chocolate ice cream! Favorite namin ni Prince 'to.
Agad kong kinain ang ice cream. Grabe, natanggal yata ang pagod ko dahil sa ice cream na 'to.
Kinuha ko ang ice cream at napatingin sa pinto ng kwarto ni Bullet.
Agad akong nagpunta ro'n. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Nakahiga pa rin si Bullet at natutulog. Mukhang pagod talaga siya.
Nilapag ko ang ice cream sa bedside table. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang kumot sa gilid at kinumutan siya.
Napatitig ako sa mukha niya, inayos ko ang buhok niya na humaharang sa gwapong mukha niya.
Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako pahiga sa tabi niya.
“Lagi mo kong hinahawakan habang natutulog ako.”
Napasinghap ako nang yakapin niya ko ng mahigpit.
“A-Anong ginagawa mo Bullet?” pinilit ko siyang itulak.
“Wag kang makulit, hahalikan kita.” agad akong natigilan sa sinabi niya.
“S-Subukan mo, kakasuhan kita!”
Hindi na lang siya nagsalita at niyakap na lang ako.
“Shut up, let's just sleep.”
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi pwede 'to.
“Anong binubulong bulong mo dyan?” tanong niya.
“Wala! Bitawan mo na nga ako.” pinilit ko siyang itulak.
“Isa, hahalikan talaga kita. Kanina pa kita gustong halikan.” seryosong sabi niya. Sinuntok ko ang dibdib niya.
“Sasapakin kita!” hinawakan niya ang kamay ko.
“Let's sleep.” seryosong sabi niya at muli akong niyakap.
Hindi ko alam kung anong meron sa boses boses niya.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap din sa kanya.