Chapter 3

2971 Words
Nagising ako nang maramdaman kong may nahaplos sa buhok ko. “Hmm.” sabi ko na lang at niyakap pa lalo ang unan ko. Bakit parang ang tigas naman ng unan ko? Ang laki pa. Natigilan ako nang maramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Niyakap ako ng unan ko?! Agad kong idinilat ang mga mata ko. Gano'n na lang ang gulat ko nang gwapong mukha ni Bullet ang bumungad sakin. Agad akong bumangon ng kama at lumayo sa kanya. Napangisi lang siya. “Bakit ganyan ang mukha mo? Parang kanina lang sarap na sarap ka habang yakap yakap ako.” Agad akong kumuha ng unan at binato siya sa mukha. Hinayupak na lalaki 'to! Napatitig siya sakin, ang seryoso pa ng mukha niya. Anong problema nito? “Kanina pa kita gustong gisingin.” seryosong sabi niya. Napakunot ang noo ko. “Bakit?” tanong ko. Natigilan kaming pareho nang tumunog ang tiyan niya. “M-Marunong kaba magluto?” tanong niya at napaiwas ng tingin. Nagpigil ako ng tawa. Gutom na pala si Mr. Farenn. “Halika, magluluto ako.” sabi ko at lumabas ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto. Magpiprito na lang ako para mabilis, mukhang gutom na gutom na si boss. Umupo si Bullet sa upuan malapit sa pwesto ko. “Bakit hindi kana lang um-order? Hinintay mo pa talaga akong gumising.” sabi ko habang nagpiprito ng ulam niya. “Ayokong umorder, gusto ko luto mo lang ang kainin.” sabi nito at tiningnan ang cellphone niya. Napairap na lang ako. Napakaarte naman ng lalaking 'to. Kumuha ako ng plato at nilagyan yun ng kanin. Inilagay ko na ang ulam sa plato. Kumuha rin ako ng kutsara't tinidor. Pinaghain ko pa talaga ang lalaking 'to. Akala ko ba private nurse niya ko, bakit parang katulong naman ang ganap ko? “Kumain kana.” inilagay ko na sa tapat niya ang pagkain. Ipinaghanda ko rin siya ng basong my tubig. Umupo na ko sa tapat niya at pinanood siyang kumain. Ang gwapo niya pa rin kahit simpleng pambahay lang ang suot niya. Mukha siyang normal na tao, kapag naka business attire siya mukha siyang supladong mayaman. Natigilan siya nang tumunog ang phone niya. Tumigil siya sa pagkain at agad niyang sinagot ang tawag. “Ahh, you're Ms. Santos. Ikaw yung secretary ko diba?” sabi niya sa kausap niya sa phone. Mukhang ayos rin na nagka-amnesia siya, hindi na niya ko inaaway at hindi na siya bossy sa--- “I want everything fixed after a week, i-send mo sakin ang mga dapat kong pag-aralan. Shareholders, investors, and such, kailangan ko silang makilala. Ayusin mo rin ang opisina ko, ayoko ng magulo. Kausapin mo sina Mr. Farthon, I kinda need their help, ayusin mo ang pagm-meetingan namin. Bantayan mo rin ang bawat galaw ng Tito ko, sabi ni Mom kalaban ko siya. Siguraduhin mo na wala siyang kalat na ginagawa sa kompanya ko. Ayusin mo na ang mga files na kailangan ko, i-send mo sakin as soon as possible.” seryosong sabi nito sa kausap. Napalunok ako, binabawi ko na, bossy pa rin siya. Sobra. Naawa tuloy ako sa secretary niya. Ipinagpatuloy na niya ang pagkain. “Grabe, ang lakas mo rin. Paano mo mapag-aaralan ang normal mong ginagawa sa trabaho mo sa loob lang ng isang linggo? Saka hindi lang basta isang kompanya ang hawak mo, milyon milyong mga empleyado ang nagtatrabaho sayo sa iba't ibang panig ng mundo.” napapailing na sabi ko. Tumigil siya sa pagkain at tinitigan ako. Napakunot ang noo ko. Bakit ganyan siya makatitig? Natigilan ako nang bigla siyang napangisi. “Pustahan tayo.” sabi niya habang nakatitig sakin. “Pustahan?” tanong ko. “Kapag hindi ko nakayang pag-aralan ang lahat ng 'yon sa loob ng isang linggo, lulubayan na kita.” nabuhayan ako ng dugo sa sinabi niya. “Talaga?!” tanong ko. Tumango siya. “Pero, kapag ako ang nanalo. Magd-date tayo ng limang beses.” nakangising sabi niya. Napalunok ako. Limang beses? “Sige! Walang bawian ha.” sabi ko. Ngumiti siya at nakipagkamay sakin. Imposibleng magawa niya 'yon. Alam kong mananalo ako dito. *** Tinakpan ko ang ulam pagkatapos kong magluto. Magt-tanghalian na, bakit hindi pa nalabas si Bullet sa library? Agad akong nagtungo sa library. Oo, may library sa unit ni Bullet. Naabutan ko siyang tutok na tutok sa laptop niya. Tambak din ang mga papeles sa table niya. Napakamot ako sa pisngi ko. “Kakain na Bullet, mamaya na yan. Baka lamunin ka na ng mga yan.” nakapamaywang na sabi ko. “Later, I'll just finish this.” seryosong sabi nito. Napatango na lang ako. “Okay, basta wag kang magpapalipas ng gutom.” Natigilan ako nang may naalala ako. “Nga pala Bullet, pupunta lang kami ni Rayah sa mall.” pagpapaalam ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. Agad siyang tumingin sakin. “Saang mall?” tanong niya. “Basta, bakit ba kailangan mo pang alamin? Tss.” lumabas na ko ng library. Dumiretso na ko sa kwarto ko para mag-ayos. Namiss kong makipagbonding kay Rayah. Madalang na kami makapag-gala. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag. “Ang tagal mo naman Sarah. Nandito na ko sa tapat ng condominium.” “Sige, pababa na ko.” binaba ko na ang tawag. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Simple lang ang ayos ko pero maganda pa rin ako. Agad na kong lumabas ng unit. Baka naiinis na si Rayah. Agad na kong sumakay sa elevator. Natigilan ako nang mapansin kong may gwapong lalaki sa elevator. “Ikaw si nurse Sarah diba?” natigilan ako at napalingon sa lalaki. “Oo, bakit?” bakit kilala ako ng poging 'to? “So ikaw pala yung private nurse ni Mr. Farenn?” napatango ako. “Oo. Paano mo nalaman yan?” nakakunot noong tanong ko. “Sa top floor ka nanggaling, si Mr. Farenn lang ang nakatira sa top floor. By the way, I'm Doctor Denver Curran.” sabi niya at inilahad ang kanyang kamay. Nakipagkamay ako sa kanya. “Ahh, ikaw pala yung bagong doktor sa ospital ni Sir Bullet. Eh bakit hindi ka pa bumaba sa top floor?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. “Wala lang, gusto ko lang makipagkwetuhan sayo saglit.” nakangiting sabi niya. Tumigil na ang elevator sa ground floor. Agad akong bumaba. “Sige Doc, mauna na ko. Puntahan mo na si Sir Bullet.” Nginitian niya ko bago tuluyang nagsara ang elevator. Agad na kong lumabas ng condominium. Nasaan na si Rayah? Umalis na ba 'yon? Natigilan ako nang makarnig ako ng busina. “Hoy babae!” napalingon ako sa tumawag sakin. Agad kong pinuntahan si Rayah sa kotse niya. Nagdala pala ng kotse ang bruhang 'to. Agad akong sumakay sa kotse niya. “Bakit ang tagal mo?! Nakakainis ka.” sabi niya at pinaandar na ang kotse. “Nakasabay ko kasi sa elevator si Doc Denver.” sabi ko habang inaayos ang buhok ko. “Talaga?! Grabe ang swerte mo naman, ang gwapo gwapo niya. Alam mo bang crush ko siya?” kinikilig na sabi niya. “Gwapo, pero mukhang playboy.” sabi ko habang napapailing. “Grabe, ang judgemental mo ha.” sabi niya. “Nga pala, kamusta naman ang pagiging private nurse ni Sir Bullet?” tanong niya. “Ayos lang, hindi naman niya ko kinukulit eh. Busy siya.” “Aysus, bakit? Gusto mo kulitin ka niya?” nang-aasar na tanong niya. Hinampas ko siya ng sling bag ko, pero mahina lang. “Anong sinasabi mo diyan?” sabi ko at binaling na lang ang tingin sa bintana. “Ikaw talaga masyadong obvious, defensive ka pag dating kay boss pogi.” napapailing na sabi niya. “Ewan ko sayo.” nakasimangot na sabi ko. Nag-park na siya sa car park ng mall. Napasimangot ako nang mapansin ko kung kaninong mall ang pinuntahan namin. “Bakit nandito na naman tayo sa teritoryo ni Bullet?” nakapamaywang na tanong ko. Inirapan niya lang ako. “Ano ka ba? Baka nga yung lupang inaapakan natin eh siya rin ang may-ari. Alam mo namang hindi ordinaryong tao si boss pogi.” sabi niya. Sabagay, totoo naman 'yon. “Halika na! Namiss ko ng maggala sa mall.” hinawakan ako ni Rayah sa braso at hinila papasok sa mall. *** “Kain tayo sa labas!” pagyaya ni Rayah. Hinampas ko ang braso niya. “Grabe, hindi ka ba talaga nabubusog?” kanina pa kami kain ng kain eh. “Namiss ko kumain ng fishball.” nakangusong sabi niya. “Sige na nga, namiss ko din kumain ng fishball.” sabi ko na lang. Lumabas na kami ng mall at bumili ng fishball sa may malapit. “Grabe, namiss ko kumain ng fishball.” sabi niya at bumili na naman ng fishball kay manong. Napasinghap ako nang may matalim na bagay na dumiin sa baywang ko. “Oh my God.” bulong ni Rayah. “L-Lumayo ka Rayah.” sabi ko. “S-Sarah...” “Akin na ang wallet at cellphone mo.” sabi ng lalaki sa likod ko. Nakita kong pasimpleng kinukuha ni Rayah ang phone niya. Tumango ako. “Wag niyong subukan na tumawag ng pulis. Tutuluyan ko 'to.” itinutok nung lalaki ang kutsilya sa pisngi ko. Napalunok ako at napapikit ng mariin. Walang nakakapansin samin, si manong lang na nagtitinda ng fishball na nanginginig rin sa takot. Bakit naman sa ganitong sitwasyon pa ko mamamatay? Hindi pa nga ako nakakapag asawa eh, at ayoko ring mamatay na vir--- “Ahh!” napabitaw sakin ang holdaper. “Damn you!” pinaulanan niya ng suntok ang lalaki. Napunta samin ang atensyon ng mga tao. Agad na kinuha ni Rayah ang phone niya at tumawag ng pulis. Natigilan ako nang mapansin kong pamilyar ang likod ng lalaking sumusuntok sa holdaper. “Bullet?!” Puro dugo na ang mukha ng holdaper. Baka mapatay siya ni Bullet! “Bullet! Tama na yan! Dadating na ang mga pulis!” pinilit ko siyang hilahin. Hindi niya ko pinapansin, tuloy pa rin siya sa pagbugbog sa holdaper. “Bullet! Sabing tama na eh!” natigilan siya. Buong lakas ko siyang hinila patayo. “Rayah, dumiretso kana sa car park. Susunod ako mamaya.” sabi ko. Hinila ko si Bullet palayo sa lugar na 'yon. Napunta kami sa pwestong malayo sa mga tao. “Ano kaba?! Bakit mo binugbog ng gano'n yung tao?! Pano kung mapatay mo 'yon?! Nag-iisip kaba?!” naiinis na sabi ko sa kanya. Napaiwas lang siya ng tingin sakin. “Tinutukan ka niya ng kutsilyo.” para na siyang maamong tuta ngayon. “Saka teka nga, bakit ka nandito?! Nagkataon lang?!” sarkastikong sabi ko. Napalunok siya at napaiwas ng tingin. “I'm just worried, kaya sinundan ko kayo.” Napahilot ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. “Sinundan mo kami?! Bakit mo ginawa 'yon?!” naiinis talaga ako. “Ayokong mapahamak ka, yung nangyari kanina sa---” “Sa totoo lang Mr. Farenn, hindi ko alam kung sa holdaper ba ako dapat matakot o sayo!” natigilan siya sa sinabi ko. “Sarah---” “Anong gusto mo?! Magpasalamat ako sayo? Edi salamat, salamat sa pagsunod mo samin at naligtas ako!” hindi ko na makontrol ang emosyon ko. “Sarah, hindi ganon---” “Pwede ba tantanan mo na ko! Nakakainis kana!” Natahimik siya. Hindi siya nagsasalita, nakatungo lang siya. “Ikaw pinaka nakakainis na tao sa buhay ko.” Pagkasabi ko no'n, walang lingon akong umalis at iniwan siya. *** “Takot na takot talaga ako kanina, buti na lang dumating si Sir Bullet.” sabi ni Rayah at umupo sa tabi ko. Nandito ako sa bahay nina Rayah ngayon. Ayokong pumunta sa unit ni Bullet, maiinis lang ako. “Wag mong banggitin ang pangalan na 'yon.” nakasimangot na sabi ko. “Galit ka kay Sir Bullet? Niligtas ka na nga niya eh.” sabi ni Rayah. Napairap ako. “Alam mo bang sinusundan niya pala tayo kanina?! Grabe!” kinuha ko ang baso at agad na ininom ang tubig. “Wow! Ang sweet naman ni---” tiningnan ko siya ng masama. “Anong sweet ka diyan?! Nakakainis kamo.” napailing siya sa sinabi ko. “Alam mo, kung hindi ka niya sinundan, baka patay kana ngayon.” sabi niya at inirapan ako. “Kahit na! Nakakainis siya! Mas nakakatakot pa siya sa holdaper kanina sa totoo lang! Sana tantanan na niya ko.” naiinis na sabi ko. “Wait, don't tell me sinabi mo yan sa kanya?” gulat na tanong niya. Hindi aka nagsalita at napaiwas lang ng tingin. “My goodness Sarahlyn. Wala ka bang puso?” tila hindi makapaniwalang sabi niya. “Bakit?! Ano namang masama kung sinabi ko ang mga 'yon?” hinila niya ang buhok ko. “Aray!” “Boba ka! Imbis na magpasalamat ka sa tao, sinabihan mo pa ng masasakit na salita. Ang tindi mo rin naman Sarahlyn Mendez. Gusto kitang sabunutan ng isang oras! Nakakagigil ka!” binitawan niya ang buhok ko. “Ano ba?! Ang sakit ah!” naiinis na sabi ko. “Tanga! Mas masakit yung nararamdaman ngayon ni Sir Bullet! Isipin mo 'yon, talagang binugbog niya yung punyetang holdaper na 'yon para sayo! Niligtas ka niya gaga! Tapos ano?! Ni hindi ka man lang nagpasalamat! Saka ano naman kung sinundan ka niya?! May ginawa ba siyang masama sayo?! Wala naman ah, niligtas ka pa nga niya eh! Wala ka talagang utak! Bakit ba kita naging kaibigan?!” naiinis na sabi niya. Natigilan ako nang maalala ko ang mga nasabi ko sa kanya kanina. Masakit nga ang mga nasabi ko. Niligtas na nga ako nung tao, sinabihan ko pa ng mga masasakit na salita. “D-Dapat ba magsorry ako sa kanya?” tanong ko at napalunok. “Dapat lang bessy! Mag thank you kana rin, mahiya hiya ka naman. Babatukan kita eh!” *** Tahimik na pumasok ako sa unit ni Bullet. Napalunok ako. Mukhang dapat na nga akong magsorry kay Bullet. Pumasok ako sa kwarto ko at hinubad ang sapatos ko. Nanghihinang umupo ako sa kama. Saan ako kukuha ng lakas ng loob magsorry sa kanya matapos kong sigaw sigawan siya kanina? Hinagis ko na lang ang sling bag ko sa kama at kumuha ng pantulog saka dumiretso sa banyo para magshower. Puro si Bullet ang natakbo sa isip ko. Naalala ko yung hitsura niya kanina nung sinigaw sigawan ko siya. Mas nakakakonsensya. Agad akong lumabas ng kwarto pagkabihis ko. Dumiretso ako sa kusina. Natigilan ako nang maabutan ko si Bullet na nainom ng tubig. Agad akong napaiwas ng tingin. Magsosorry na ba ako? “Sorry.” natigilan ako nang magsalita si Bullet. Bakit siya nagsosorry sakin? “I'm sorry for following wherever you go like a fvcking creepy stalker.” natigilan ako sa sinabi niya. “Bullet...” “Hindi ko na uulitin 'yon.” walang emosyon na sabi niya at hinugasan ang ginamit niyang baso. “You can also quit being my private nurse if you want to. I'm sorry for everything.” Para akong naubusan ng boses. Hindi ako makapagsalita. Natulala na lang ako nang makaalis na siya. Mukhang tama si Rayah... Ang tanga ko nga talaga. *** “B-Bakit kailangan akong sumama do'n?” tanong ko kay Lion. “Kailangan mong sumama, pampagana ka ni Bullet.” sabi nito sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako. “Mali ka, ayaw akong makita ni Bullet.” sabi ko habang nagpapagulong gulong sa kama. “Sus, pakipot lang 'yon si amnesia boy. Sumama kana.” pamimilit pa niya. “Ayoko nga, aalis na rin ako dito sa unit niya bukas.” sabi ko at umupo. “Hay. Bahala na nga.” bakit ba problemado siya? “Kami ng bahala sayo, pupunta ka pa rin sa ayaw at gusto mo.” sabi ni Lion at basta binaba ang tawag. Bakit ba nakakalimutan ko lagi na Danger Zone pala ang mga 'to, lagi nilang nakukuha kung anong gusto nila. Napabuntong hininga na lang ako at nag-ayos. Mukhang pipilitin nga talaga ako nina Lion na sumama. Bakit ba kasi kailangan ko pang pumunta sa board meeting na 'yon? Ano bang ganap ko don? Natigilan ako nang tumawag na naman si Lion nang makapagbihis na ko. “Bakit na naman?” tanong ko. “Nakahanda kana ba? Susunduin kana namin.” napabuntong hininga ako. “Oo na.” *** Patingin tingin ako sa paligid. Kahit ilang beses na kong nakapunta sa kompanya ni Bullet, hindi pa rin ako masanay sanay sa lai at ganda ng building na 'to. “Uy Sarah, baka maligaw ka.” hinawakan ako ni Shenna sa braso. “Bakit ba kasi kailangang kasama pa ko dito?” nakasimangot na tanong ko. “Syempre. Napag-aralan maigi ni Bullet ang mga dapat niyang pag-aralan sa loob lang ng isang linggo. Kaso, kailangan ka pa rin niyang masilayan, pampatanggal kaba.” sabi ni Kyla at hinawakan ako sa kabilang braso ko. Agad na binuksan ni Prince ang meeting room. Nandoon na ang mga tao, pero wala pa si Bullet. Umupo kaming tatlo nina Shenna at Kyla sa gilid. “Nandito na si Mr. Farenn.” anunsyo ng babae na sa tingin ko ay secretary ni Bullet. Natahimik ang lahat sa pagpasok ni Bullet sa meeting room. Napalunok ako at napatingin sa kanya. Nakasuot siya ng business attire, mukha na naman siyang supladong mayaman. “Good afternoon everyone.” seryosong sabi ni Bullet. Natigilan ako nang mapalingon siya sa pwesto ko. Nginitian ko siya. Halatang natigilan siya. Napatikhim na lang siya at napaiwas ng tingin sakin. “Mr. Farenn, I think you already knew the purpose of this meeting.” sabi ng isang lalaki. Napalingon sa kanya si Bullet at napangisi. “Of course I know Mr. Cabrero.” tumayo si Bullet sa kinauupuan niya. “Nag-aalala kami sa kalusugan mo. May kumakalat na usapin na may amnesia ka. Totoo ba 'yon?” Hindi sumagot si Bullet. Napatingin siya sa nagtanong. “Of course, it's true.” nakangising sabi ni Bullet. Kumalat ang bulungan sa meeting room. Napalunok ako. Bakit siya umamin? “Nasisiraan na ba ng bait si Bullet?” bulong ni Shark. “Trust him, that man is quite dangerous.” malamig na sabi ni Prince habang nakatingin kay Bullet. “Mr. Farenn, how will you handle the whole empire? May amnesia ka.” “Of course, you'll doubt my ability to handle my empire. I understand that...” sabi ni Bullet. “By the way, I already handled the BAF project a while ago. Naasikaso ko na rin ang naluluging branch sa Italy kahapon. I already negotiated with the Aldrev clan, they are willing to help us in our next project.” natahimik silang lahat. “Napapa-payag niya si Mr. Aldrev? Grabe, halimaw pa rin si Bullet kahit may amnesia.” bulong ni Lion. “Tsk tsk tsk, pinabayaan niyo lang lahat 'yon habang wala ako. I'm really disappointed.” napapailing na sabi ni Bullet. “I took care of it, all of it. Alone.” nakangising sabi ni Bullet. “Kaya niyo bang gawin 'yon?” tanong niya. Tahimik lang sila, halatang napahiya talaga sila. “I'm still a genius, that's a relief right?” tila nang aasar pa na sabi ni Bullet. Napapitlag kami nang malakas na hinampas ni Bullet ang table. “At akala niyo ba hindi ko alam ang kagaguhan na ginagawa ng iba sa inyo?” ramdam na ramdam ang tensyon dito sa loob. “Sinasabi ko sa inyo, don't mess with me. I'm Bullet Andrei Farenn, I can bring you all down with just a snap of a fvcking finger.” mapanganib na sabi nito. “That's all.” Dire diretso siyang lumabas ng meeting room. Para namang nakahinga ng maluwag ang mga tao sa loob ng meeting room. “Damn, he still scares the hell out of me.” “Halimaw pa rin talaga ang taong 'yon.” “Mamamatay yata ako sa sakit ng puso.” Hindi ko na pinansin ang mga bulungan. Agad akong lumabas ng meeting room at sinundan si Bullet. “Bullet!” pagtawag ko sa kanya. Napatigil si Bullet sa paglalakad. Agad ko siyang nilapitan. “Bullet, s-sorry sa mga nasabi ko nung nakaraang araw. Sa totoo lang nagpapasalamat talaga ako na sinundan mo ko at nailigtas. S-Sorry sa mga nasabi ko, sorry tala---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “I won.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ha?” naitanong ko na lang. “May pustahan tayo diba?” natigilan ako. Y-Yung pustahan? Naalala niya pa 'yon? “Limang date, diba?” nakangiting sabi niya. Mukhang pinapatawad na niya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD