"Alam mo naman siguro na mahal pa rin ni Prince si Shenna diba? Wala siyang balak magmahal ng iba, si Shenna lang." masungit na sabi ni Kyla sakin.
"Pinatawag ka namin dito, hindi para takutin ka. Pinatawag ka namin dito dahil kapag pinagpatuloy mo pa yung nararamdaman mo kay Prince, masasaktan ka lang." sabi naman ni Lion.
Napatungo ako. Alam ko naman eh, alam ko namang hindi ako mamahalin ni Prince. Alam ko ring si Shenna lang ang mahal niya. Ginagawa ko naman ang makakaya ko para iwasan si Prince, pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko kaya.
"A-Alam ko ang gusto niyong sabihin at naiintindihan ko. Sorry." tanging nasabi ko na lang sa kanila.
"Sarahlyn..." natigilan ako nang tawagin ako ni Bullet.
Ano na naman bang kailangan nito?
Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas sa office ni Lion.
"A-Ano na naman bang kailangan mo?!" sabi ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya.
Pumasok kami sa elevator. May pinindot siya ro'n at muli akong hinarap.
"Anong kailangan mo?!" naiinis na tanong ko.
Napapitlag ako nang ilapat niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko. Halos maduling ako nang ilapit niya ang mukha sa mukha ko.
"Kailan mo balak tantanan sina Prince at Shenna?" tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"Wala kang pakialam, wag mo kong pakialaman!" sinubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas.
"I can make your life a fvcking living hell Sarahlyn, you know that right?" mapanganib na sabi nito.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko dapat ipahalata sa kanya na takot ako.
"Bakit ba lagi kang ganyan sakin Bullet?! Oo sige na, sinira ko na ang relasyon nina Prince at Shenna! Pero ano bang pakialam mo do'n?! Tatay ka ba nila?!" pinilit ko siyang itulak.
Napangisi siya at sumandal saka tumitig sakin.
"I fvcking hate you." sabi niya habang nakatitig sakin.
"I hate you too Mr. Farenn!" naiinis na sabi ko.
Hindi kami nagkasundo ni Bullet ni minsan. Wala siyang ginawa kundi sirain ang araw ko simula ng dumating ako sa buhay nila.
May mga pagkakataon na napunta pa siya sa ospital na pinagtatrabahuhan ko para lang inisin ako.
Siya ang may-ari ng ospital kung saan ako nagtatrabaho bilang nurse. Sa totoo lang gusto ko ng magresign, kaso hindi ako makakahanap ng ospital na katulad ng sa ospital ni Bullet kaya pinagt-tiyagaan ko na lang.
"Umalis ka diyan! Lalabas na ko." sabi ko at pilit siyang tinutulak.
Napangisi siya at nauna ng lumabas ng elevator.
"See you at the hospital Nurse Sarah." tila nang aasar na sabi niya at umalis na.
Naikuyom ko ang mga kamao ko.
Siya talaga ang pinakanakakainis na taong nakilala ko. Siya lang ang may kakayahang inisin ako sa simpleng salita niya lang.
Nakakainis ka talaga Bullet Andrei Farenn!
***
"Masakit?" tanong ni Kira habang ginagamot ang napaso kong kamay.
"Okay lang, pero medyo masakit." nakangiwing sabi ko.
Nagalit kasi yung isang pasyente kanina. Hinagis niya ang pagkain niya at tumapon sa kamay ko yung mainit na pagkain.
"Sa totoo lang kawawa rin yung pasyenteng 'yon, walang pamilya na bumibisita sa kanya." sabi ko at hinawakan ang kamay kong nabalutan na ng benda.
Mahirap ang trabaho ng mga doktor at nurse. May mga pagkakataon na masaya dahil may nagamot ka o may nailigtas na buhay pero may mga pagkakataon na nakakalungkot.
Minsan may mga pasyente talagang nakakaawa, may hindi nasustentuhan, may hindi na dinadalaw ng pamilya nila.
At ang mas masakit ay ang mga pumapanaw na pasyente. Kahit hindi namin sila kaano-ano o lubusang kilala, nalulungkot kami kapag hindi nila kinakaya ang sakit o kaya naman pumapanaw.
"Mukhang pupunta na naman yata si Mr. Farenn." kinikilig na sabi ng isang kasamahan ko na nurse rin.
Napairap ako. Siguradong mang-iinis na naman ang bwisit na 'yon.
"Alam mo Sarah, feeling ko talaga type ka ni Sir Bullet." nasamid ako sa sinabi ni Kira.
Napatingin sakin ang mga nurse at nanunuksong tiningnan ako.
"Ano ba kayo? Pano niyo naman nasabi yan?" uminom na lang ako ng tubig.
Nakainis talaga ang Bullet na 'yon, nai-issue tuloy kami eh!
"Simula ng magtrabaho ka dito sa ospital, araw araw ng napunta si Sir Bullet dito. Workaholic si Sir Bullet kaya nakakapagtaka na may time pa siya na pumunta dito. Alam mo bang 'king of overtime' si Sir Bullet?" sabi naman ni Jiah.
"Siya ang may-ari ng ospital na 'to kaya gusto niya lang puntahan." pagpapalusot ko.
"Hindi lang ang ospital na 'to ang pag-aari ni Sir Bullet. Nag-number two siya sa pinakamayang tao sa Asya pangalawa kay Ice Prince Farthon. Bakit itong ospital lang ang binibisita niya?" napakamot ako sa batok ko sa sinabi ng isang nurse.
"At saka lagi ka rin niyang hinahanap at nakikipag usap sayo in private. Anong ibig sabihin no'n?" panggagatong pa ni Kira.
Napabuntong hininga ako. Hindi ako pwedeng magsalita. Alangan namang sabihin ko na wala kaming ibang ginagawa ni Bullet kundi magbangayan at inisin ang isa't isa.
"Ayaw mo ba kay Sir Bullet? Gwapo, matalino, sobrang yaman, at yummy pa yung katawan. Nakita niyo ba siya sa magazine ng Danger Zone? Topless siya!" kinikilig na sabi ni Kath.
"Hindi ko type ang mga kagaya ni Sir Bullet, masyadong siyang perfect para sakin." sabi ko at pilit na ngumiti, gusto ko na talagang masuka sa sinasabi ko ngayon.
Perfect my ass!
"Saka baka hindi niyo alam, may fiancé na si Sir Bullet." napasinghap sila sa sinabi ko.
"Seryoso? Bakit hindi namin alam 'yon?" tila hindi makapaniwalang sabi nila.
"Ano naman kung may fiancé siya, hindi pa naman sila kasal. May pag-asa ka pa Sarah." pangungulit ni Kira sakin.
Napailing na lang ako. Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon.
"Nandyan na si Sir Bullet!" natigilan kami nang pumasok si Nurse Diane.
"Sarah, pinapatawag ka nga pala ulit ni Sir Bullet. Sa VIP room ulit." tinukso na naman ako ng mga kasamahan ko.
Pilit na ngumiti na lang ako. Mapapatay ko na talaga ang Bullet na 'yon!
***
"Ano na naman ba Bullet?! Pwede ba kahit isang araw lang tantanan mo ko!"
Iyon agad ang bungad ko sa kanya pagpasok ko ng VIP room. Nakakapikon na talaga siya.
Kung hindi lang kasalanan ang pumatay malamang matagal na siyang patay!
"Where's your manners? I came here as a patient, and as the owner of the hospital." mayabang na sabi nito habang prenteng nakaupo sa sofa.
Huminga ako ng malalim. Magtimpi ka Sarah, magtimpi ka.
"Kung pasyente ka hindi ka dapat dito nagpunta, dapat sa mental hospital!" nakakapikon talaga!
Bumaba ang tingin niya sa kamay kong may benda. Napakunot ang noo niya.
"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong niya.
Itinago ko na lang ang kamay ko at napaiwas ng tingin sa kanya.
"Wala, napaso lang."
"Hindi nag-iingat." narinig kong bulong niya. Napataas ang isang kilay ko.
"Nag-aalala ka ba?" masungit na tanong ko.
"Just shut the fvck up Sarahlyn, I'm tired. I want to get some rest." sabi nito at nagtungo sa kama.
"Gusto mo pa lang magpahinga eh, bakit pinatawag mo pa ko?! May saltik ka talaga!"
Hinubad niya ang coat niya at niluwagan ang neck tie niya. Humiga siya sa kama at ginawang unang ang mga bisig niya.
"I need you here Sarahlyn, baka pumasok yung ibang nurse at pikutin ako. Ikaw lang ang kilala kong hindi ako pipikutin. Diba?" tanong niya at tinitigan ako.
Napairap ako sa sinabi niya.
"Huh! Hinding hindi ko gagawin 'yon kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo!" padabog na umupo ako sa sofa malapit sa kama niya.
"I know, that's why you're here." sabi niya at pinikit ang mga mata.
"Bakit ba kasi dito ka pa nagpapahinga? Ang lakas din ng tama mo." sabi ko na lang.
Hindi na siya sumagot. Nanatili siyang nakapikit, mabigat na rin ang paghinga niya.
Ang bilis niyang makatulog ah.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagod. Ang yaman na niya kasi, nagpapayaman pa lalo.
Kinapa ko ang noo niya, may sinat pala siya. May sinat na nga, nagawa pang mang-asar. Ang tindi rin talaga nito.
Kumuha ako nang malinis na towel at binanlian 'yon ng tubig. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ng dahan dahan ang mukha niya pagkatapos ay inilapat ko sa noo niya ang towel.
Napatitig ako sa mukha niya. Totoo ang sinasabi ng mga tao, gwapo nga talaga siya.
"Kung hindi ko minahal si Prince, magkaibigan kaya tayo ngayon?" mahinang tanong ko habang nakatitig sa mukha niya.
Kusang gumalaw ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Napalunok ako, ano ba 'tong ginagawa ko?
Aalisin ko na sana ang kamay ko kaso agad niyang nahawakan 'yon.
"B-Bullet..."
Idinilat niya ang mga mata niya at tumingin sakin habang hawak ang kamay ko. Napalunok ako.
Napasinghap ako nang hilahin niya ko pahiga sa kama at agad na pumatong sakin.
"B-Bullet." ang lapit lapit na ng mukha niya sakin.
"Mukhang mas delikado ako sayo kaysa sa ibang nurse." nakangising sabi niya.
"A-Ano kasi---" bakit ako nauutal? Sarah, si Bullet lang yan. Wag kang kabahan!
"Kung hindi mo minahal si Prince, siguradong higit pa tayo sa magkaibigan." seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Natigilan ako sa sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin do'n?
***
"Ito tanong, mahal mo pa ba si Prince?" tanong ni Rayah habang seryosong nakatingin sakin.
Best friend ko si Rayah, parehas kaming nurse sa ospital ni Dragon.
"O-Oo?" sabi ko at uminom ng juice.
"Eh bakit patanong?" nakataas kilay na tanong niya habang nakain ng pizza.
Nagkakalat na naman siya sa unit ko. Nakakaloka.
"B-Basta mahal ko pa si Prince." nakatungong sabi ko.
"Weh? Iniisip mo lang yata na si Prince pa rin ang mahal mo eh. Baka may iba ka ng gusto." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Imposible 'yon! Wala akong gusto kay Bullet!" sabi ko habang umiiling pa.
Naningkit ang mga mata niya. Napaiwas ako ng tingin.
"Wala akong naaalala na may binanggit akong Bullet." natigilan ako sa sinabi niya.
Napukpok ko ang sarili kong ulo. Bakit sa lahat ng lalaki si Bullet pa ang binanggit ko?!
"Aminin mo sakin, may gusto kana kay Bullet noh?" tanong nito at lumapit sakin. Pilit na tumawa ako.
"A-Ano kaba? Imposible yan, gaya ng lagi kong sinasabi, hinding hindi ako magkakagusto sa kanya kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo."
Napaiwas ako ng tingin kay Rayah, yung tingin niya sakin, nang-aasar.
"Pero minsan, naiisip ko na may kakaiba diyan kay Bullet eh." natigilan ako sa sinabi ni Rayah.
"What do you mean?"
"Kahit bet ko siya para sayo, minsan kinakabahan ako sa kanya eh. Parang medyo mapanganib ang lalaking 'yon kumpara sa ibang members ng Danger Zone." sabi niya at inubos ang huling slice ng pizza.
"Kung ano anong naiisip mo." natatawang sabi ko.
Minsan weird talaga si Bullet pero ewan ko ba, normal lang naman siya para sakin.
Natigilan kami nang magring ang phone ko. Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello Kira."
"Sarah! Pumunta ka dito sa ospital!" halata ang pagkataranta sa boses niya.
"B-Bakit? Anong nangyari?!" kinakabahang tanong ko. Napatingin rin sakin si Rayah.
"Natataranta na kaming lahat dito, n-naaksidente si Sir Bullet!"
Hindi ko na alam, hindi dapat ako nag-aalala ngayon, wala dapat akong pakialam sa lalaking 'yon pero natagpuan ko na lang ang sarili ko papuntang ospital.
***
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakahiga siya. May benda sa ulo nita at maputla rin siya.
"Ang tanga mo talaga." sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Gumising ka dyan, magbabangayan pa tayo." sabi ko at napaiwas ng tingin.
Natigilan ako nang mapansing gumalaw ang daliri niya.
"B-Bullet."
Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napangiti ako nang ibinaling niya sakin ang tingin niya.
"A-Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?"
Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sakin.
Bakit ganyan siya makatitig sakin?
***
"He's now okay. Minor injury lang ang natamo niya, but we're still waiting for the results of some of his tests." napakunot ang noo ko sa sinabi ng doktor.
Anong sinasabi niya?
"Bakit naman kasi tatanga tanga magdrive si Bullet?" sabi ni Lion.
"Babatukan ko talaga siya paggising niya." sabi ni Kyla na halata ring nag-aalala.
Nandito ang Danger Zone kasama ang nanay at fiancé ni Bullet.
Lumabas na si Dr. Sanchez. Agad akong lumabas at sinundan siya.
"Dr. Sanchez!"
Agad siyang napalingon sakin.
"Bakit kayo nagsinungaling sa kanila?" natigilan siya sa tanong ko.
Hinila niya ko sa isang sulok.
"Bakit ka nagsinungaling? Hindi lang minor injuries ang natamo ni Mr. Farenn. Na-damage ang utak niya. At bakit hindi mo rin sinabi na inoperahan siya?!"
Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Wag kang maingay nurse Sarah, kung ayaw mong mawalan ng trabaho." mariing sabi niya. Naningkit ang mga mata ko.
"Sabihin mo muna kung bakit ka nagsinungaling sa kanila. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kapag nagising si Mr. Farenn! Mahahalata rin nila na may mali, mahahalata rin nila na hindi lang minor injuries ang natamo ni Mr. Farenn. Baka paggising niya wala na siya sa tamang pag-iisip, pwede rin siyang magka-amnesia. Naapektuhan ang utak niya sa aksidente!" mariin pero mahinang sabi ko.
"Si Mrs. Farenn ang may gusto na ilihim ang sitwasyon ni Sir Bullet. Gusto niyang ilihim na malala ang naging aksidente ng anak niya." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit gagawin 'yon ng nanay ni Mr. Farenn?" tanong ko.
"Kapag kumalat ang tungkol dito, baka ang pinsan na ni Sir Bullet ang mamahala sa lahat ng pinaghirapan niya, mawawalan ng tiwala ang shareholders kay Mr. Farenn. Naiintindihan mo na ba ngayon? Kaya tumahimik ka kung ayaw mong mapag-initan ka." sabi ni Dr. Sanchez at agad na ring umalis.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa upuan.
Mas hindi maganda ang mangyayari kung magkakaroon ng problema sa pag-iisip si Bullet. Paano nila pagtatakpan 'yon?
"Sarah!" natigilan ako nang tawagin ako ni Gun, kaibigan ni Bullet.
"B-Bakit?"
"Hinahanap ka ni Bullet." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A-Ako?" tanong ko at tinuro pa ang sarili ko.
"Ikaw nga. By the way, be careful. May amnesia siya." masungit na sabi nito.
May amnesia si Bullet? Sabi na nga ba mangyayari 'to eh.
Tumayo na lang ako at pinuntahan si Bullet.
"B-Bakit? Anong problema?"
Natigilan ako nang lumapit sakin si Bullet at niyakap ako. Halata rin ang pagkagulat sa mukha nila.
"Iwan niyo kami." seryosong sabi ni Bullet sa kanila.
Napagdesisyonan na rin nilang lumabas kahit na mukhang nag-aalangan sila.
"B-Bitawan mo nga ako." kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.
Huminga siya ng malalim at napalunok. Saglit siyang napahawak sa ulo niya.
"Y-You're weird. Alam mo bang g-galit na galit ka sakin bago ka mawalan ng ala-ala!" galit na sabi ko sa kanya.
Sumandal lang siya at kalmadong nakatitig sakin. Para akong nalulunod sa mga titig niya. Hindi ko na namalayan na napakapit na pala ako sa pader dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Ano bang ginagawa sakin ni Bullet? Ginugulo niya ang sistema ko.
"Ano naman? Kasalanan mo 'to dahil ang magandang mukha mo ang bumungad sakin paggising ko. You're mine now." prenteng sabi nito.
Hanep! Kahit may amnesia, napakabossy niya pa rin. Parang gusto kong iuntog ulit ang ulo niya.
"May fiancé ka at mahal na mahal niyo ang isa't isa! Alam mo bang two years na kayo?! Sasayangin mo lang ang relasyon niyo at magpapadala ka sa amnesia mo!"
"Wala akong pakialam, hindi ko naman siya naaalala eh, so I don't give a fvck." naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit?! Hindi mo rin naman ako kilala eh! Alam mo bang sumingit ako sa buhay nina Prince at Shenna?! Ako ang dahilan kaya hindi pa rin sila nagkakabalikan hanggang ngayon! Dahil mahal ko si Prince!" halos hingalin ako. Hindi ako palasigaw, ngayon lang ako sumigaw ng ganito.
Ngumisi lang siya at umalis sa pagkakaupo sa kama. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin. Napalunok naman ako at patuloy sa pag-atras. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.
Itinuon niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Konti na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin, halos maamoy ko na rin ang mabangong hininga niya. Napapikit ako ng mariin at pilit siyang itinulak palayo sakin pero para siyang pader, masyado siyang malakas.
"Wala akong pakialam kay Shenna, kay Prince o kung kanino man. Wala rin akong pakialam kung anong ginawa mo sa kanila. Basta akin ka lang, akin ka Sarah." seryosong sabi nito. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Napasinghap ako ng hawakan niya ko sa baba at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.
"Bigyan mo ko ng isang buwan, o kahit ilang linggo lang." nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Tingnan lang natin kung si Prince pa rin ang mahal mo pagkatapos ng isang buwan."
Hindi lang siya nagka-amnesia, nabaliw rin siya!