Chapter 4

2611 Words
“P-Pinapatawad mo na ko?” tanong ko kay Bullet. Hindi siya nasagot, patuloy lang siya sa pagkain ng niluto ko para sa kanya. Napasimangot ako. “Ah! Ang cool mo kanina, grabe. Akala ko maiihi na sila dahil boss na boss ang dating mo.” pang-uuto ko pa sa kanya pero wala pa rin. Kinuha ko ang plato niya. “Wag kang kumain, ako ang nagluto nito. Ayaw mo kong kausapin ha.” sabi ko at inirapan siya. Napabuntong hininga siya at sumandal sa upuan. “Ikaw ang nagluto, pero pagkain ko yan.” masungit na sabi niya at kinuha sakin ang plato. Napaismid na lang ako. “Akala ko ba pinapatawad mo na ko?! Eh bakit hindi mo naman ako pinapansin?” nakasimangot na tanong ko. “Sabi ko, magd-date tayo, pero hindi ko sinabing napatawad na kita.” sabi niya at uminom ng tubig. “Eh ano bang pinagkaiba no'n? Ang halay naman kung magd-date tayo tapos galit ka pa sakin. Anong klaseng date 'yun?” tanong ko. Natigilan ako nang mapansin kong nagpipigil siya ng tawa. Napakunot ang noo ko. Anong tinatawa tawa nito?! “Mas nagiging cute ka, hindi kana suplada.” napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. “A-Anong hindi suplada?! Suplada pa rin ako noh! Pero kailangan kong maging mabait sayo kasi boss kita. Tss, assuming ka.” sabi ko at agad na uminom ng tubig. “You know what Sarah, masyado kang pa-fall.” natigilan ako sa sinabi niya. “Pa-fall ka diyan, ano ako? Teenager? Saka saan mo naman naririnig yang mga ganyang salita?” nakataas kilay na tanong ko. “Kay Lion.” sabi niya. Napakamot ako sa batok ko. Si Lion talaga ang pinakabaliw sa Danger Zone. “Teka...” natigilan siya sa sinabi ko. “...pinapatawad mo na ko noh?” tanong ko sa kanya. Napatikhim siya. “Sinong nagsabi sayo?” tumayo siya at nilagay sa sink ang plato at basong ginamit niya. Naningkit ang mga mata ko. “Ah gano'n? Edi okay, aalis na ko dito sa unit mo bukas na bukas rin, at wala na ring limang date na magaganap. At baka magresign na rin---” “Pinapatawad na kita.” agad niyang sagot at hinarap ako. Napangiti ako. Akala mo ha. “Okay, very good my patient!” sabi ko at tinapik ang balikat niya. Dumiretso na ko sa living room para manood ng tv, agad naman siyang sumunod sakin habang bitbit ang laptop niya. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang laptop. “I need to finish this, we have a date tomorrow.” natigilan ako sa sinabi niya. “Date? Bukas agad?” tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Of course, pero dahil may kasalanan ka sakin. Madadagdagan 'yon ng tatlong date.” nagulat ako sa sinabi niya. “At bakit naman?!” nakataas kilay na tanong ko. “Para mapatawad na talaga kita ng tuluyan.” napakamot ako sa batok ko. “Pero sisiguraduhin ko na sa unang date pa lang natin, mai-in love kana sakin agad.” sabi nito at kinidatan ako. Inapakan ko ang paa niya. “Nakakainis ka! Bwisit na bala.” natigilan siya sa sinabi ko. “Bala?” natatawang tanong niya. “Oo! Bala as in bullet. Ang engot mo naman.” nakasimangot na sabi ko at inirapan siya. Natawa naman siya sa sinabi ko. “That's cool, parang endearment lang.” nakangiting sabi niya. “Hoy, hindi endearment 'yon!” nakakainis talaga 'to. Nanahimik na lang ako at nanood ng tv. Siya naman nagfocus na sa ginagawa niya. Pasimple akong napatingin sa kanya. Bakit kahit nakaside view ang gwapo niya pa rin niya? “Alam mo, ibang iba ka na ngayon.” wala sa sariling sabi ko habang nakatitig sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sakin. “Bakit?” tanong niya. “Alam mo ba? Sobrang yabang mo, halos ipagduldulan mo na sakin na ikaw ang may ari ng ospital na pinagtatrabahuhan ko. Araw araw mo pa kong pinapatawag para laitin, asarin at sirain ang araw ko.” nakasimangot na sabi ko. Sumandal siya at tiningnan ako. “Sige, magkwento ka pa.” nakangiting sabi niya. Napatikhim ako. “Galit na galit ka sakin kasi mahal ko si Prince, sinisira ko ang relasyon nila ni Shenna. Kaya may part sakin na naiintindihan kita, pero minsan nakakainis ka talaga eh. Bakit ba inis na inis ka sakin ng mga panahong 'yon? Kung makaasta ka no'n parang ikaw si Shenna.” nakasimangot na sabi ko. “As in lagi mo kong binubwiset, hindi na nga kita maintindihan eh.” sabi ko habang nakayakap sa unan. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sakin na para bang aliw na aliw siya sa kinukwento ko. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko. “Yung dating Bullet, pangit ang technique niya.” napapailing na sabi niya. Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Base sa kwento mo, mukhang may gusto na ko sayo bago pa ko magka-amnesia.” seryosong sabi niya. “Ano? Nagpapatawa ka ba?” natatawang sabi ko. Yung dating Bullet na walang amnesia, may gusto sakin? Nakakatawa 'yon. “Hindi mo ba nahahalata? Tss, hindi ako makapaniwalang gano'n ang technique na ginagawa ko.” nakangiwing sabi niya. “Wala ka ngang gusto sakin no'n, imposible tala---” “Don't worry, hindi ko gagayahin ang technique ng Bullet na 'yon. I have my own ways to make you mine.” nakangiting sabi niya. Kung ano mang ways ang sinasabi niya, hindi dapat ako mahulog do'n dahil anytime pwede siyang makaalala, at makalimutan ang mga alaala naming dalawa. *** “Dito tayo magd-date?” tanong niya. Tumango ako. “Oo, diba ako ang pipili ng lugar kung saan tayo magd-date?” nakataas kilay na tanong ko. Napakamot na lang siya sa kilay niya. “Wala tayong privacy dito.” sabi niya. Nasa mall kasi kami ngayon, halatang ayaw niya sa mataong lugar. “Sa mall lagi nagsisimula ang date Bullet.” sabi ko habang iniisip kung saan muna kami pupunta. “Kailan pa?” narinig kong bulong niya. Siniko ko ang abs niya. “Wag ka na ngang magreklamo diyan.” sabi ko at inirapan siya. Hinawakan ko siya sa braso at hinila siya papasok sa isang fast food chain. “Kailangan muna nating kumain para may energy tayo.” nakangiting sabi ko sa kanya. “Bakit kailangan pa natin ng energy?” masungit na tanong niya. “Wag ka na ngang maarte diyan, masarap ang pagkain dito.” “But unhealthy.” dugtong niya. “Kumain ka rin naman ng ganito paminsan minsan.” sabi ko at pinaupo siya sa isang upuan. “Hintayin mo ko, oorder lang ako. Okay?” tumango na lang siya. Um-order na ko ng makakain namin. Buti na lang hindi masyadong marami ang tao. Bumalik na ko sa pwesto namin. Nakaupo lang si Bullet habang may kinakalikot sa phone niya. “Dadating na yung order natin maya maya.” nakangiting sabi ko. “Whatever.” sabi na lang niya. “Akin muna 'tong card mo. Dapat ikaw ang nagastos sa date natin.” sabi ko at nilagay ang card niya sa wallet ko. “Bahala ka, gusto mo sayo na yan.” seryosong sabi niya habang nakatingin sa phone niya. “Baliw ka, 951 thousand ang laman ng card na 'yon noh.” bulong ko sa kanya. “Yan ang nag iisa kong card na thousand ang laman, yung iba million na at billio---” tinakpan ko ang bibig niya. “Ano ka ba? Wag kang maingay, baka may magkainteres na nakawan ka.” bulong ko sa kanya. “Gusto mo ba yung black card ko na lang?” tanong pa niya. Sinipa ko ang paa niya. “Mas lalong hindi noh.” sabi ko. Pero lumapit ako sa kanya at bumulong. “Pero seryoso, may black card ka talaga?” tanong ko sa kanya. Seryosong tiningnan niya lang ako. Napatikhim ako at medyo lumayo na sa kanya. Bakit pa ba ako nagtatanong? Malamang meron, pati ang Danger Zone. “Sir, Ma'am here's your order.” sabi ng waiter at inilagay na ang mga inorder namin. Umalis na rin agad ang waiter pagkabigay samin ng order namin. Napakunot ang noo ni Bullet at kinuha ang fried chicken saka tinitigan. “Ilang kilong harina ang nilagay dito?” masungit na tanong niya. Inapakan ko ang paa niya. “Wag kang maarte diyan bala, tikman mo muna.” sabi ko at inirapan siya. Kahit nag-aalangan ay tinikman niya ang fried chicken. “It's not bad as I thought.” sabi na lang niya. “Sabi ko sayo eh.” sabi ko at nagsimula ng kumain. “What the fvck? Coke ba talaga 'to? Bakit ang tamis?” masungit na tanong niya. “Bakit ba? Masarap naman eh. Ang arte mo talaga.” nakasimangot na sabi ko. Natapos kaming kumain, pero panay ang reklamo niya sakin sa bawat pagkain. Sa fried chicken, sa coke, sa kanin, sa French fries, sa burger. Pero panay kain naman siya. Praning rin eh. “Puro ka reklamo, naubos mo naman.” sabi ko at sinuntok ang braso niya. “Syempre, ikaw ang kasama ko kumain.” sabi na lang niya. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin 'yon sa braso niya. Napakunot ang noo ko. “Tingnan mo sila. Nakakapit siya sa braso ng boyfriend niya.” sabi niya at tinuro ang couple na di kalayuan sa pwesto namin. Napaismid ako. “Hindi naman kita boyfriend eh. Baliw ka.” sabi ko at inirapan siya. Nilagay niya pa rin ang mga kamay ko sa braso niya. Grabe, ang tangkad niya. “Kumapit ka sa braso ko.” seryosong sabi niya. Napalunok ako at kumapit na lang sa braso niya. Grabe ang tigas ng braso niya. Alam ko namang maganda na talaga ang katawan niya, yummy talaga siya gaya ng sabi ng mga nurse sa ospital. Napailing ako, ano ba 'tong mga iniisip ko? “What the hell is this?” tanong niya habang hawak ang magazine na nakita niya. “Wow. Pinakakaguluhan ang magazine ng Danger Zone ah.” sabi ko. Ang dami kasing bumibili ng magazine nila. Hindi nagsasalita si Bullet. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatitig sa hitsura niya sa magazine. “Damn it, bakit ang hitsura ko?” tila naiiritang tanong niya. “Bakit? Ayos lang naman ah.” sabi ko at kinuha mula sa kanya ang magazine. “Bilhin natin.” nakangiting sabi ko. “No way.” masungit na sabi niya. “Sige na, ang gwapo mo nga eh. Nakatopless ka pa.” sabi ko habang nakatitig sa picture niya. Hinila ko siya papuntang cashier at binayaran ang magazine. Silang Danger Zone ang nasa front cover ng magazine. “Yehey.” sabi ko habang yakap yakap ang magazine nila. Si Bullet naman ay hindi maipinta ang mukha. “Bakit ka ba nakasimangot diyan? Ang gwapo mo talaga dito promise.” sabi ko habang nakayakap sa braso niya. “Hindi 'yon.” natigilan ako at nilingon siya. “Eh bakit?” tanong ko. “W-Wala.” sabi na lang niya at napaiwas ng tingin. Naningkit ang mga mata ko. Bahala siya diyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Prince at Shenna na papalapit sa pwesto namim. Hala! Anong gagawin ko?! Agad akong nagtago sa likod ni Bullet. Bakit ba bigla na lang nasulpot ang dalawang 'to? “Nandito pala kayo ni Sarah.” narinig kong sabi ni Shenna. “Masyado kang halata.” bulong ni Bullet sakin. Napasimangot na lang ako at umalis sa pagkakatago sa likod niya. “H-Hello sa inyo.” sabi ko sa kanila. “May date kayo?” nang-aasar na tanong ni Shenna saka bumaba ang tingin sa kamay kong nakakapit sa braso ni Bullet. Agad akong bumitaw. “A-Ano, date lang 'to sa pagitan ng nurse at ng pasyente niya.” pagdadahilan ko. “May gano'n ba?” panggagatong pa ni Prince. Napasinghap ako nang akbayan ako ni Bullet. “Syempre walang gano'n, nahihiya lang talaga si Sarah.” sabi ni Bullet. Siniko ko ang abs niya. “By the way, date niyo rin ngayon Shane?” tanong ni Bullet kay Shenna. Kinurot ko siya. “Shenna, hindi Shane. Baliw ka.” pasimpleng bulong ko sa kanya. “Oh sorry Sheena.” Napahilot ako sa sentido ko. “Shenna, She-nna.” mariing bulong ko sa kanya. Natigilan kami nang matawa si Shenna. “Ang cute niyong dalawa. Sa kanya kana lang Sarah, wag mo ng agawin ang Ice ko.” sabi nito sakin. “Hoy pandak, sayong sayo na yang yelo mo.” pang-aasar ko sa kanya. Hindi ko na mahal si Prince, sigurado ako ro'n. “Makapandak ka naman sakin.” nakangusong sabi niya. Bakit ba ang cute cute ng pandak na 'to? Hindi naman siya pandak, sadyang hindi lang siya matangkad. “We'll go ahead, good luck Bullet.” sabi ni Prince at tinapik sa balikat si Bullet. Tila nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na sila. “Grabe, kinabahan ako do'n.” sabi ko at napabuntong hininga. Napatingin ako sa kanya nang mapansin kong tahimik siya. “Huy, anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya. “Unuwi na tayo. I'm tired.” malamig na sabi niya at naglakad na. Agad akong sumunod sa kanya at hindi na lang rin nagsalita. Galit na naman ba siya? *** Tahimik kaming parehas nang makarating kami sa unit niya. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung bakit siya nagagalit sakin. Tahimik na umupo na lang ako sa couch at siya naman ay duniretso na sa kwarto niya. Napapitlag ako nang padabog niyang isara ang pinto. Galit nga siya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at binuksan na lang ang tv. Bakit ba siya nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Binuklat ko ang magazine na binili ko. Galit ba siya dahil sa magazine na 'to? Bakit naman? Sabi ko na nga na gwapo siya dito eh. Naiinis na pinatay ko na lang ang tv at humiga sa couch. Bakit ba kasi siya nagagalit? Hindi na naman ako makakatulog nito. Natigilan ako nang maalala ko ang card niya. Agad kong kinuha 'yon sa wallet ko. Tumayo ako at nagpunta sa kwarto niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. “Bullet...” Hindi niya ko binalingan ng tingin. Nasa laptop lang siya nakatingin. Napatikhim ako. “Ito yung card mo.” lumapit ako sa kanya at inilapag ang card sa table niya. “Galit ka ba sakin?” tanong ko sa kanya. “I'm busy, let's talk about it later.” sabi na lang niya habang may tinitipa sa laptop niya. “O-Okay.” sabi ko at agad na lumabas ng kwarto niya. Pumunta ako sa kwarto ko at padabog na hinagis ang sling bag ko sa kama. Nakakainis ang Bullet na 'yon. Saka ano naman kung galit siya?! Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Rayah. “Bakit na naman loka?” tanong niya sa kabilang linya. ”Nakakainis kasi ang Bullet na 'yon.” nakasimangot na sabi ko. “Bakit? Anong problema kay Sir Bullet?” tanong niya. “Ang ayos ayos pa ng usapan namin kagabi. Mabait naman siya kanina. Tapos bigla na lang siyang nagalit.” naiinis na sabi ko. “Ano ano bang nangyari bago siya magalit?” tanong niya. Tamang tama, expert si Rayah sa mga ganito. “Una, binili ko yung magazine ng Danger Zone. Sabi ko na nga na ang gwapo niya, nagalit pa rin siya. Ang gulo niya diba?” “Magazine ng Danger Zone, meaning to say, kasama rin si Sir Prince sa magazine?” tanong niya. “Siyempre. Oh anong kaso kung nandoon si Prince?” nakataas kilay na tanong ko. “Tapos anong nangyari?” tanong pa niya. “Nakita namin sina Shenna at Prince sa mall tapos nagtago ako sa likod niya. Syempre ang awkward no'n para sakin kaya sinabi ko na date lang 'yon sa pagitan ng nurse at ng pasyente niya. Baka makarating pa kay Hannah eh.” nakatungong sabi ko. “Ahh. Nagegets ko na ang sitwasyon niyo. Ipapaliwanag ko ha...” “Okay, ipaliwanag mo.” sabi ko at nagfocus sa sasabihin niya. “Kaya siya nainis do'n sa magazine ay dahil nandoon si Sir Prince. Iniisip niya na binili mo 'yon dahil kay Sir Prince. At nung nakita niyo sina Sir Prince na nahiya ka at na-awkward-an, iniisip ni Sir Bullet na kaya ka nagkaganon dahil mahal mo pa si Sir Prince. Hindi galit si Sir Bullet, nagseselos siya.” sabi nito. Natigilan ako. Kaya siya nagkakaganon, dahil nagseselos siya?! “Bakit siya nagseselos? Eh hindi ko na nga mahal si Prince.” sabi ko pa. “Talagang magseselos siya noh, hindi naman niya alam na hindi mo na mahal si Sir Prince eh.” Oo nga noh, hindi nga pala niya alam. Grabe naman kasi siya eh. “Salamat Rayah. Kakausapin ko muna ang Bullet na 'yon.” agad kong binaba ang tawag. Lumabas ako ng kwarto ko. Natigilan ako nang maabutan ko si Bullet na ginugupit gupit ang magazine. “Hoy! Anong ginagawa mo?” tanong ko at lumapit sa kanya. “Tinatanggal ko ang pagmumukha ni Prince sa magazine na 'to.” sabi niya habang seryosong ginugupit ang mga pahina na may litrato ni Prince. Hindi ko alam kung bakit imbis na mainis, natawa pa ko sa ginagawa niya. Natigilan siya at nakakunot noong tumingin sakin. “What are you laughing at?” masungit na tanong niya. “Ikaw kasi, para kang ewan.” natatawang sabi ko. “Saka para sabihin ko sayo, hindi ko na mahal si Prince. Ang OA mo ha.” sabi ko at sinipa ang binti niya. Natigilan siya at napatingin sakin. Binitawan niya ang gunting at magazine saka tumayo at tinitigan ako sa mga mata. “Totoo ba yan?” seryosong tanong niya. Tumango ako. “Oo nga, feeling ko nga matagal na kong walang nararamdaman sa kanya. Iniisip ko lang siguro na meron kasi---” Natigilan ako nang hilahin niya ko papalapit sa kanya. Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya. “That's good to hear.” seryosong sabi niya habang hinaplos ang pisngi ko. Napasinghap naman ako nang siilin niya ng malalim na halik ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD