Chapter 5

2340 Words
Kumapit siya sa batok ko at mas pinalalim ang paghalik sakin. Hindi ko alam gagawin ko, itutulak ko ba siya? Pero bakit parang ayaw ng katawan ko na itulak siya. Nawala na yata ako sa katinuan dahil sa banayad na halik niya. Napakapit na lang ako sa matipunong balikat niya at tinugon ang halik niya. Agad kong pinulupot ang mga hita ko sa bewang niya nang maramdaman kong iniangat niya ko. Walang kahirap hirap na umupo siya sa couch kasama ako habang patuloy akong hinahalikan. Nakakandong ako ngayon paharap sa kanya habang nakakapit ako sa balikat niya. “You taste so fvcking good Sarah.” tila paos na sabi nito sa pagitan ng halik niya. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya nang bumaba sa panga ko ang halik niya, hanggang bumaba na sa leeg ko ang mainit na halik niya. “Bullet...” kailangan ko na siyang pigilan. Baka kung saan pa mapunta 'to. Bumaba ang malaking kamay niya sa hita ko at marahang hinahaplos 'yon. Napalunok ako at napapikit. Ang init ng halik at kamay niya. “Bullet, t-tama na...” mahinang usal ko habang patuloy niyang hinahalikan ang leeg ko. Napasinghap ako nang maramdaman kong marahan niyang dinidilaan ang leeg ko. “Bullet, b-bakit mo ko dinidilaan?” tanong ko at bahagya siyang tinulak pero hindi siya nagpatinag. “Damn.” sabi niya habang patuloy na hinahalikan saka dinidilaan ang leeg ko. Nanghihina na ako. Ni wala nga akong lakas na itulak siya. Napapikit ako habang patuloy si Bullet sa ginagawa. “T-Tama na Bullet, please.” sabi ko haabang pilit siyang tinutulak. “One minute.” bulong nito at muli akong hinalikan sa labi. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga dahil sa intensidad ng halik niya. Hinihingal na sumandal ako sa balikat niya nang tumigil na siya. Akala ko mamamatay ako dahil paghalik niya sakin. Yumakap siya sa baywang ko at dinampian ng halik ang buhok ko. “Ang sarap mong dilaan.” napasinghap ako sa bulong niya. Hinampas ko ang dibdib niya. Tumunghay ako at tinitigan siya sa mga mata niya. “Diba may amnesia ka? B-Bakit gano'n ka humalik?” napangisi siya sa tanong ko. “I think having an amnesia did not affect my kissing skills.” hinampas ko siya sa balikat niya. “Employee mo ko, h-hindi mo dapat ako hinahalikan.” naaktungong sabi ko. Hinawakan niya ko sa baba at iniangat ang mukha ko. “I don't consider you as my employee.” napasimangot ako sa sinabi niya. “Edi friends! Magkaibigan tayo.” sabi ko at alanganing napangiti. “I don't lick my friends.” napasinghap ako sa sinabi niya. “B-Basta! Teka nga, bakit ba naka-kandong pa rin ako sayo?!” agad akong umalis sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa umbok sa--- bakit maumbok 'yon?! Napatingin si Bullet sa tinitingnan ko, napangisi siya at nag-angat ng tingin sakin. “Tsk tsk tsk, ginalit mo siya.” nakangising sabi niya. “Ang bastos mo!” sabi ko at binato siya ng unan. “Kung hindi mo ko pinigilan kanina, baka nasa kwarto na tayo ngayon. Nakapatong na ko sayo at---” agad kong tinakpan ang bibig niya. “Babatukan kita Bullet.” sabi ko at tiningnan siya ng masama. Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Napasinghap ako nang dampian niya ng halik ang labi ko. “Nawiwili kana!” sabi ko at siniko ang abs niya. “May date ulit tayo bukas.” natigilan ako sa sinabi niya. “Date ulit? Hindi ka ba busy?” sabi ko at lumayo ng konti sa kanya saka niyapos ang unan. “Hindi naman masyado, basta ako na ang in charge bukas.” sabi niya at kinindatan ako. Naningkit ang mga mata ko. “Ako dapat ang laging in charge sa mga date natin.” sabi ko at nginitian siya ng matamis. “Pinagbigyan lang kita kanina Ms. Mendez, hindi na pwede sa susunod.” pinitik niya ang noo ko. “Ang daya.” nakasimangot na sabi ko. Pinagpatuloy na niya ng paggupit sa mga mukha ni Prince sa magazine, napahilot na lang ako sa sentido ko. Kanina kung makahalik siya, para siyang matured na lalaki. Ngayon naman, para siyang immature na teenager. “Para kang baliw.” sabi ko na lang at binuksan ang tv. Pasimple ko siyang tiningnan. Seryosong seryoso siya habang ginugupit yung magazine. Kinuha ko mula sa kanya ang magazine. “Tama na nga yan! Para kang ewan, ang nipis na ng magazine oh.” tiningnan niya ko ng masama. “Bakit? Gusto mong titigan si Prince?” seryosong tanong niya. Inabot ko na sa kanya ang magazine. “Oh ayan, ubusin mo na. Baliw ka talaga.” sabi ko na lang. Ipinagpatuloy naman ng loko loko ang paggugupit. Ano bang trip ng lalaking 'to? “Gusto ko ako lang ang makikita mo sa magazine na 'to.” sabi niya at inabot sakin ang magazine. Grabe, ang nipis na ng magazine dahil sa pinaggagagawa ng lalaking 'to. “Ipagluto mo ko, nagugutom ako.” sabi ni Bullet at hinila ako papalapit sa kanya. Hinampas ko ang balikat niya. “Marunong ka naman magluto eh.” sabi ko at sinimangutan lang siya. “Ipagluto mo na ko.” sabi niya at dinampian ng halik ang leeg ko. Agad ko siyang tinulak. “Baka dilaan mo na naman ang leeg ko!”  napangisi lang siya sa sinabi ko. “Ipagluto mo na kasi ako para hindi na kita dilaan.” napasimangot ako sa sinabi niya. “Manyakis ka.” bulong ko. Natawa siya sa sinabi ko. Tumayo siya at hinila ako papuntang kusina. Ano bang trip ng lalaking 'to at gusto niyang ipagluto ko siya? Kumuha ako ng mailuluto sa ref. Hindi naman ako magaling magluto, marunong lang kaya ewan ko ba kung bakit gustong gusto ni Bullet ang luto ko kahit minsan prito lang. Nagsimula na kong maghiwa ng mga kakailanganin ko. Napapitlag ako nang maramdaman kong niyakap ako ni Bullet mula sa likod. “Bullet hindi ako matatapos agad dito.” sabi ko sa kanya. Hinalik-halikan niya ang leeg ko pababa sa balikat ko. “Bullet, h-hindi ako makapagconcentrate.” sabi ko at napabitaw sa hawak kong kutsilyo. Napasinghap ako nang paharapin niya ko sa kanya. “Ah!” impit na napasigaw ako nang marahas niyang hawiin ang mga hinihiwa ko pati ang kutsilyo. Bumagsak lahat 'to sa sahig. “Bullet---ah!” Walang kahirap hirap na binuhat niya ko at iniupo sa may table. Napasinghap ako nang siilin niya ng halik ang labi ko. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya. “A-Akala ko ba gutom ka.” mahinang usal ko sa pagitan ng paghalik niya. “I'm hungry, and I want to eat you.” tila paos na sabi niya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay niya na pumapasok sa loob ng damit ko. “Bullet...” ayan na naman siya. “Hindi mo na mahal si Prince?” tanong niya nang bumaba sa leeg ko ang mainit na halik niya. “O-Oo.” tila wala sa sariling sabi ko at napakapit sa batok niya. “Akin ka lang.” sabi niya at marahang hinahaplos ang tiyan ko. “Oo...” nawawala na yata ako sa sarili. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang kamay niyang umaakyat sa dibdib ko. “Bullet...” nanghihina ang mga tuhod ko. Ni hindi ko siya mapigilan. “Tama. Akin ka lang.” sabi niya at tinitigan ako sa mga mata. Napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko namumula na ang magkabilang pisngi ko. “Wala ng bawian yan Sarah.” *** “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Saglit niya kong nilingon at kinindatan ako. Binuksan ko ang radyo sa kotse niya. Saan ba kasi kami pupunta? “Kapag sinabi ko sayo, it will ruin the surprise.” napairap ako sa sinabi niya. “Surprise surprise pa.” sabi ko na lang at sinuntok ang braso niya. “Malapit na tayo.” sabi na lang nito. “Siguraduhin mo lang, naiinip na ko.” sabi ko na lang at tumingin sa mga nadadaanan namin. Makalipas ang ilang minuto, tunigil kami sa isang malaking bahay, sa tingin ko nga ay mansyon 'to. “Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya. Hindi niya ko sinagot, bumaba lang siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Namamanghang napatingin ako sa mansyon. Ang ganda, sobra. “Naghanap ako ng mga properties ko na may magagandang tanawin.” nakapamulsang sabi niya. “Teka, anong laman ng basket na yan?” tanong ko at itinuro ang basket na hawak niya. Hinawakan niya lang ako sa kamay at hinila ako papasok sa mansyon. “Sir Bullet, napadalaw ka.” nakangiting bati ng isang may edad ng babae. “Gusto ko siyang ipasyal dito.” sabi ni Bullet at binalingan ako ng tingin. “Sige, maiwan ko na kayo. Tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo.” sabi ng babae. “Sige.” tipid na sagot ni Bullet at hinawakan ako sa kamay. “Sino siya?” bulong ko kay Bullet nang makaalis na ang babae. “I don't know, sinasakyan ko lang siya.” sabi na lang ni Bullet. Kung saan saan ako natingin. Kung mas maganda sa labas ng mansyon na 'to, di hamak na mas maganda sa loob. “D-Dito talaga tayo magd-date?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang weird naman niya. Hindi siya sumagot. Tumigil kami sa tapat ng malaking pinto. Agad kaming pinagbuksan ng guard. Napanganga na lang ako sa nasisilayan ng mga mata ko ngayon. Bakit may bukirin dito? May mga taong nagsasaka, may magagandang bulaklak at halaman sa paligid. May mga puno na may mga prutas. May mga kalabaw, baka, kabayo, mga manok, at kung ano ano pa. Para akong nasa farmville! Sobrang ganda dito, mas gusto ko pa rito kaysa sa mga mall. Sariwa pa ang hangin. “Based on your reaction, you like this kind of places.” napalingon ako kay Bullet. “Bullet, sobrang ganda dito.” parang gusto ko ng tumira dito. Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. Nagtungo kami sa may puno ng mangga. Nilapag niya ang basket, kinuha niya ro'n ang tela at inilatag 'yon. “Umupo ka.” sabi niya. Umupo ako at muling binalingan ng tingin ang paligid. Busy pa ko sa pagtingin sa mga kabayo nang biglang may bumagsak na mangga malapit sa pwesto ko. Agad akong napatingala. “Gusto mo ng mangga?!” sigaw ni Bullet mula sa itaas ng puno. Napasinghap ako at agad na tumayo. “Bumaba ka diyan! Baka kung ano pang mangyari sayo?!” sigaw ko sa kanya. Walang kahirap hirap na bumaba siya ng puno. Inabot niya sakin ang manggang nakuha niya. “May lahi ka bang unggoy?” naiinis na sabi ko at hinablot ang mangga mula sa kanya. Paborito ko 'to. Nilagay ko sa basket ang dalawang mangga. Muli akong napatingin sa mga kabayo. “Bullet, gusto kong sumakay sa kabayo.” nakangusong sabi ko. “Marunong ka ba?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi rin ako marunong eh.” tila nahihiyang sabi niya at napakamot sa batok niya. Ang cute niya. “Magpaturo tayo kay kuya.” sabi ko at itinuro ang lalaking nakasakay sa kabayo mula sa di kalayuan. Hindi ko na siya hinintay makasagot agad na kong tumakbo papalapit sa kabayong kulay brown. Agad namang sumunod sakin si Bullet. “Sir Bullet, ikaw pala.” bumaba ang lalaki sa kabayo at binati si Bullet. Tinanguan lang siya ni Bullet. “Kuya, pwede pong magpaturong sumakay sa kabayo?” tanong ko kay kuya. “Nako Miss, kay Sir Bullet kana lang magpaturo. Siya ang pinakamagaling mangabayo na nakilala ko.” nakangiting sabi ni kuya. Napatingin ako kay Bullet. Napakibit balikat siya. “I don't know, I can't remember anything about riding a horse.” seryosong sabi ni Bullet. “Sige na, turuan mo na ko.” hinawakan ko ang braso niya. Napabuntong hininga na lang si Bullet. “Anong pangalan niya?” tanong ni Bullet sa lalaki. “Hindi mo siya naaalala? Si Barian ang kabayong 'to, siya ang pinakapaborito mo. Kapag nagwawala siya, banggitin mo lang ang pangalan niya, kakalma na siya. Boses mo lang ang kilala ni Barian.” sabi ni kuya. “Okay.” sabi na lang ni Bullet. “Sige Sir Bullet, maiwan ko na kayo.” sabi ni kuya at umalis na. Walang kahirap hirap na sumakay sa kabayo si Bullet. Inilahad niya ang kamay niya sakin. Napalunok ako. “Baka malaglag tayo.” kinakabahang sabi ko. “Akala ko ba gusto mong sumakay ng kabayo?” masungit na tanong niya. “Oo nga, eh diba wala ka namang maalala sa mga kabayo?” nag-aalangan talaga ako. “Alam ko na ang pangalan niya, just trust me. Okay?” napatango na lang ako at hinawakan ang kamay niya. Agad niya kong nahila at naisakay sa kabayo. Nasa likod ko siya habang nakahawak siya sa may parang lubid. “Kinakabahan talaga ako Bullet.” sabi ko at humawak rin sa lubid. “Calm down baby, just trust me.” bulong nito sa tainga ko. Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa boses niya. Napasinghap ako nang naglalakad na ang kabayo. Dahan dahan lang ang paglalakad niya, medyo kumalma na ko. “Ho!” sigaw ni Bullet at parang hinampas ang lubid na hawak namin. Napasinghap ako nang bumilis ang takbo ng kabayo. “Bullet! Bakit ang bilis?!” napasigaw na ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Bullet dahil sa reaction ko. Ipinulupot niya ang isang braso sa baywang ko. “Bullet! Bullet!” parang nagwawala na ang kabayo. Pakiramdam ko malalaglag na kami sa sobrang likot ng kabayo. Nagulat yata siya sa pagsigaw ko. Humigpit ang kapit ko sa matipunong braso ni Bullet na nakayakap sa tiyan ko. “Barian! Shh! Barian!” tila pagpapaamo ni Bullet sa kabayo. Natigilan ako nang kumalma ang kabayo. Tila nakahinga naman ako ng maluwag. “Wag ka kasing kabahan. Nararamdaman yata ni Barian na kinakabahan ka.” natatawang sabi ni Bullet. “Pinatakbo mo kasi siya ng mabilis eh. Nakakatakot kaya.” nakasimangot na sabi ko. Kalmado ng naglalakad si Barian. Si Bullet naman ay nakahawak pa rin sa baywang ko. “Saan tayo dadalhin ni Barian?” tanong ko sa kanya. “Secret.” bulong niya. Makalipas ang ilang minuto. Pinatigil niya si Barian. Bumaba na kami ng kabayo. Itinali niya sa may isang puno si Barian. “Nasaan tayo?” tanong ko habang patingin tingin sa paligid. Marami raming puno dito pero hindi naman nakakatakot tingnan kagaya ng mga nasa palabas. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pababa sa may lugar na walang masyadong puno. “Wow!” Agad akong bumitaw sa kamay ni Bullet at nagpunta sa magandang batis. “May batis dito Bullet!” tuwang tuwa na sabi ko at nilublob ang paa ko do'n. Ang lamig ng tubig at ang linis pa. Sa sobrang tuwa ko, agad akong lumublob sa tubig. “Sarah, basa kana!” agad na lumapit sakin si Bullet. Winisikan ko siya ng tubig. Nakakatuwa, ang saya dito! “Wala kang extrang damit.” masungit na sabi niya. Inirapan ko lang siya. “Ano naman? Halika dito!” pagyayaya ko sa kanya. “Magkakasakit ka!” panenermon pa niya. Nilublob ko ang katawan ko sa tubig. Grabe, ang linis ng tubig. Akala ko sa probinsya lang meron nito. “Hayaan mo siya! Minsan lang 'to.” sabi ko at napapikit pa habang dinadama ang malamig na tubig. Nagulat ako nang may matipunong braso na yumakap sa baywang ko. “Ang tigas talaga ng ulo mo.” sabi ni Bullet at kinurot ang pisngi ko. Nginitian ko lang siya ng matamis. Yumakap ako sa batok niya. Tinitigan niya ko sa mga mata ko. “Ang lamig ng tubig noh?” nakangiting tanong ko sa kanya. Napangiti siya habang nakatitig pa rin sakin. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Mahal kita.” natigilan ako sa sinabi niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa batok niya pero agad niyang hinapit ang baywang ko papalapit sa kanya. “Mahal kita Sarah.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD