Tahimik kaming dalawa ni Bullet sa kotse. Hanggang ngayon paulit ulit na nagp-play sa isip ko ang mga sinabi niya. “Mahal kita Sarah.” “Mahal kita Sarah.” “Mahal kita Sarah.” Napasabunot ako sa buhok ko. Ayaw umalis ng sinabi niya sa isip ko! “Nababaliw kana ba Sarah?” nakakunot noong tanong ni Bullet. Tiningnan ko siya ng masama. “Kasalanan mo 'to eh!” naiinis na sabi ko at inirapan siya. “Why is it my fault? Ang sabi ko lang, mahal kita Sarah.” parang wala lang na sabi niya. Sinuntok ko ang braso niya. “Tutal may amnesia ka, ito ipapaliwanag ko sayo ha. Hindi ka pwedeng basta basta na lang magsabi ng ‘mahal kita’ hindi maganda 'yon. Sinasabi lang ang mga salitang 'yon kapag talagang mahal---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “Of course I know that. I have amnesia, but I'm