"Magdate tayo." sabi niya at niyakap ako sa baywang. Hinarap ko siya at niyakap siya sa batok. Napangiti siya at dinampian ako ng banayad na halik sa labi. "Hindi ka ba busy? Lagi na lang tayo nagd-date. Dito na lang tayo sa unit mo." sabi ko. Natigilan siya at napangisi. Kakaiba ang titig niya sakin, parang gusto niya na naman. "Gusto mo dito na lang tayo sa unit? Pwede naman." nakangising sabi niya. Hinampas ko ang dibdib niya. "Tigilan mo ko, mamanyakin mo na naman ako." sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Napatitig ako sa mga mata niya. Ang tagal na nung huli kong nakita ang abo niyang mga mata. "Bullet." napalingon siya sakin. "Hmm?" tanong niya. "Pwede mo bang tanggalin yung contact lens mo? Namimiss ko na yung gray eyes mo." nakangiting sabi ko sa kanya. "Hmm..