"Hello babe." napairap ako nang tumabi sakin si Eron at inakbayan ako. "Pag nakita ka ni Bullet, bugbog na naman abot mo." sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pagbabasa. "You fvcker!" Napabuntong hininga na lang ako nang wala na si Eron sa tabi ko, ayun, sinuntok na siya ni Bullet. "Akala mo magpapatalo ako ah!" gumanti rin naman si Eron ng suntok. Napahilot na lang ako sa sentido ko. Maloloka ako sa dalawang 'to, para akong nag-aalaga ng mga nakababatang kapatid. "Pagbubuhulin ko na kayong dalawa eh! Ang sakit niyo sa ulo!" sabi ko at pinukpok silang dalawa ng libro. Agad na lumapit sakin si Bullet at niyakap ako. "Wag na wag mong hahawakan ang girlfriend ko, papatayin na talaga kita eh." parang bata na sabi ni Bullet. "Lagi kong nahahawakan si babe Sarah, lalo na kapag wala ka.