OLIVIA PIPER ROBLES
Nakasakay kami sa bagong bili na sasakyan ni Papa— it's a Mercedes Benz Burgano. Suot ko ang damit na dinisenyo ng isa sa mga amiga ni Mama. It's a burgundy-color off shoulder velvet tight dress. I crossed my legs and look outside the moving car.
Magkaharap ang kinauupuan ko kila Mama at Papa at napapansin na kanina pa sila nagbibigay ng mahahalagang tingin. May pagkakataon din na kinukurot na siya ng Mama para lang makuha ang atensyon nito.
"Just say it," malamig kong saad.
"Nasabi sa akin ng Mama mo na naghiwalay na kayo ni Joaquin?"
Nagbuntong-hininga ako at sumandal. Binaling ko sa kanila ang tingin at napansin ang sabay nilang pagkislot. Upang pagaanin ang sitwasyon ay nginitian ko sila.
"He's cheating on me," saad ko kahit alam ko na ako ang nag-push sa kanya na mag-cheat.
"I... I didn't know that."
"Of course, 'pa. Hindi mo naman siya palaging kasama. I know he's cheating on me bago pa niya ako yayain na magpakasal."
Nagsalubong ang kilay ng aking ama. "Ganoon katagal ka na niyang niloloko?! Pero bakit tinanggap mo pa rin ang alok niyang kasal? Ganoon ba kalalim ang pagmamahal mo sa kanya kaya kahit niloloko ka na ay nagbubulag-bulagan ka pa rin?"
"Alvario, calm down. Pagsalitain mo ang anak natin."
"I don't love him. I thought I do but I really don't. I never did."
"Why? You've been in a relationship with him since college, sweetheart. Paano ako maniniwala na hindi mo siya minahal?" tanong ni Mama.
"For stress release, I think. I care about my health— so it's much better to only have one partner that time."
Napanganga ang dalawa. Sinubukan ni Papa na magsalita ngunit nauutal ito. Shocking, isn't?
"Olivia, is this true?!" saad ni Mama nang makabawi.
"Oh, don't worry. He never got me pregnant."
"Olivia!" Papa voice thundered.
Nagkibit-balikat ako. "We no longer live in the 80's, 'pa. I drop Joaquin because I'm no longer satisfied with his performance. Sayang naman ang binabayad niyo sa kanya kung hindi niya nagagampanan ng tama ang tungkulin niya, hindi ba?"
Nawalan sila ng imik. Hindi nila inasahan na malalaman ko ang lahat ng ginagawa nila sa oras na nakatalikod na ako. Inuulan si Joaquin ng pera at suporta mula sa aking mga magulang para lang manatili ito sa aking tabi.
They think that I'm in his control. Akala nila ay sa oras na lumalim ang nararamdaman ko kay Joaquin ay makokontrol na nila ang bawat desisyon ko. Marami na silang ginawa upang malagyan ako ng tali ngunit sila ang napaglalaruan ko sa huli.
My parents love me— that's how they want people to see. But in reality, they are only using me for their own gain. Akala ba nila ay hindi ko alam na wala ang pangalan ko sa will and testament nila? Na sa oras na mawala sila sa mundo ay mapupunta ang lahat ng yaman sa foundation at orphanage.
Huminto ang sasakyan sa harap ng building at unang lumabas si Mama at Papa. Sumunod ako sa kanila. Binati ko ang ilang bisita at mga TV personalities na nakakasalubong.
Sumakay kami sa elevator at halos mangawit ako sa kakangiti. Hindi ko alam kung ilang tao ang nag-introduce sa akin ng mga anak nila.
"Olivia, sana ay makarating ka rin sa charity auction namin," saad ng business partner ni Mama— si Tita Miriam. "We have rare paintings and vintage bags that I think you would like."
"Of course, just send me an invitation, Tita Miriam. Also, how's Tita Ivy? I heard she's having a hard time."
"She's getting better," simpleng saad niya.
Bumukas ang elevator at lumabas na kami. Humiwalay ako sa kanila dahil sumama ako sa mga escort upang puntahan ang silid na kinaroroonan ng Queen's stone.
Dalawang lalaki ang naglalakad sa harapan ko at dalawa naman sa aking likuran. Lahat sila ay nakasuot ng itim na suit at shirt.
Pinihit ng isa ang doorknob at bumukas ang pinto. Pumasok ako sa silid at narinig ko ang paglapat ng pinto sa hamba. Isang lalaki na nakaitim na suit at shirt ang humarap sa akin.
His square-shaped face and angular jaw line gave him a striking personality. He looked authoritative, arresting and dangerous, too. He had an unforgettable face that would surely linger on my mind.
His arms were long. His frame was wider than the average. He must be over six feet tall.
His lush lips held a cruel curve and a wicked scar that curved from his brow down his cheek. The scar only added to the dangerous appeal.
"Miss Olivia Piper Robles."
I flinched.
That voice.
Oh, God. I can never forget that deep manly voice.
His gaze dropped on my exposed knees and slowly worked its way up my body. The appreciation in his eyes seemed to honor the woman inside rather than objectifying my body.
"Miss Robles."
"You..."
"I'm sure you can recognize my voice. You have an eidetic memory."
"No..."
Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako makakilos— tila napako ako sa aking kinatatayuan.
"Ano ang hindi tama sa sinabi ko?" His lips curved in a playful smile. "That you can recognize my voice? Or that you have an eidetic memory?"
What's happening to me? Ano ang ginagawa niya sa akin?
Ngayong malapit na siya sa akin— I can smell the familiar scent of his cologne. Bakit kailangan ko pa na magpuyat kung siya naman pala ang kusang haharap sa akin?
Lumunok ako. I raised my chin and fight his blazing gaze. Nilapat ko ang palad sa kanyang matigas na dibdib at tinulak ito.
"You're standing too close to me. Know your place, servant."
"Servant," ulit niya sa salitang aking sinabi habang hindi nawawala ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
Hinawakan niya ang isang kamay ko na nakalapat sa katawan niya at yumuko ito ng kaunti. Dumaiti sa likod ng aking palad ang mainit at malambot niyang labi.
Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Pinigilan ko na mapasinghap at pinanatili ang blangkong ekspresyon.
"Captivating brown eyes and dark soul. They must be terrified of you."
"Be careful of your words. The devil has a pretty face."
"She sure has."