OLIVIA PIPER ROBLES
Nakaupo ako sa isang kahoy na upuan. Nakatali ang aking kamay sa likuran at ang mga binti ko ay nasa mga paa ng upuan. Nakapiring ang mga mata ko kaya't naging matalas ang aking pandinig. Pinakikiramdaman ko ang aking paligid.
Tumuwid ang aking likod nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tatlong iba't-ibang yapak ang aking narinig.
"Bakit niyo ako dinala rito? Wala naman akong ginawang mali sa trabaho ko para gawin niyo ito sa akin."
"Olivia Piper Robles."
Nanigas ako nang marinig ang malalim ngunit malamig na boses na iyon. Hindi ko iyon kilala. Ngayon ko lang narinig ang boses nito.
"Twenty-eight years old. One and only daughter of the business moguls— Alvario and Alicia Robles."
"Hindi ako ang nagmamay-ari ng pangalan na iyan. Ang pangalan ko ay— "
"You started college at a very young age— graduated as summa c*m laude in civil engineering, business management, journalism, and a master's degree in political science. In addition to that, you 're a bronze medalist of 2009 Olympics."
Hindi ako umimik.
"Aren't you quite an achiever, Miss Robles." I felt his knee grazed my right thigh. He placed his arm at the back of my chair. I could feel him breathing against me, smell the cigar smoke and cologne that clung to him. "And yet, you still continue to seek the places where you don't belong."
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin."
"Hmm, you don't know?" he asked, his voice deep and slow. "Then, you have gained all these achievements because of your parent's influence and money, huh? What a bad, bad girl."
Mariin kong pinagdikit ang mga labi dahil sa sobrang inis. Gustong-gusto ko ng magsalita ngunit mas mapapahamak ako sa gagawin ko.
But they already know you, Olivia! Come on, headbutt the man!
Napakislot ako nang muling tumunog ang pinto. "Manager, ayaw po magpa-istorbo ni Counselor."
They call him 'Manager'?
"Bakit?"
"May babae po sa loob ng booth niya, hindi namin kilala."
Mahinang napamura ang lalaki na tinawag nila na Manager. "That stupid brat can't keep it in his pants."
"Ano po ang gagawin natin sa babae na iyan?"
I heard him sighed. "Let's keep this a secret. We will let the woman go. The Supreme already went home and we're all doomed if the SIC find out what happened today."
"Pero, Manager—"
"Are you questioning my decisions?"
"N-No, M-Manager."
"Good." Muli kong narinig ang mga yabag na papalapit sa akin. "Listen, Olivia Piper Robles, we will confiscate your phone, recorders, and cameras. If you ever tell anyone about this place, we will haunt you down and butcher you until no one can recognize you."
Napalunok ako sa mga banta nito. Kahit naman mataas ang tingin ko sa aking sarili ay alam ko pa rin kung gaano kadelikado ang tinatapakan ko ngayon. Aminin ko man o hindi, malaking tao ang tinangka naming banggain ni Vivian ngayong gabi.
"Pwede... pwede ko bang makuha kahit ang sim card ko?"
"Give me a reason," he demanded, ice in his voice.
"Mayroong sentimental value iyon sa akin. Iyon na ang numero ko simula noong nagkaroon ako ng cellphone. I believe that it's my lucky item."
"Alright."
Hindi na nito dinugtungan ang sinabi. Namayani ang katahimikan sa loob ng silid at hindi ko alam kung may kasama pa ako sa loob. Tinangka ko nga kalasin ang posas sa kamay ngunit napapangiwi ako dahil kumakagat ang metal sa aking balat.
"I'm still watching you."
Napatuwid ako ng upo at tinigil ang ginagawa.
"Who are you?"
F-ck, Olivia, that's a stupid question! Bakit naman sasabihin sa iyo ng tao ang pangalan niya pagkatapos niyang bigyan ka ng death threats?
I hear heavy footsteps coming to me. The tip of his nose brushed over the curve of my jaw, causing my breath to catch, and then his head dipped closer to my ear.
"I am the monster you created."