OLIVIA PIPER ROBLES
Isang linggo ang itinagal ng search party ngunit hindi na nahanap ang bata. Nawalan na rin ng pag-asa ang pamilya ko na makita siya. Kasama ako na nagtirik ng kandila para sa ikakapayapa ng kaluluwa nito.
Hindi ako nakokosensya sa kung ano man ang nangyari sa kanya. Pinagtawanan at tinawag niya ako na bobo— hinding-hindi ko iyon mapapatawad.
Upang mawala na siya sa isip ng pamilya ko ay pinakita ko na kila Mama at Papa ang taglay kong husay sa academics. Hanggang sa hindi nalang sa academics ako nag-e-excel— I started playing chess, playing archery, and composing music.
Sa edad na fifteen ay naka-graduate na ako ng kolehiyo ngunit hindi ko pa alam ang gagawin ko. Uhaw pa ako sa kaalaman. I want to explore everything. Kumuha ako ng political science, IT-related courses, business courses, and ang huli... journalism.
Sa huli kong kuro nakilala si Vivian at Maan ngunit sa dalawa ay si Vivian ang mas naka-close ko. She's like a carefree person— always on the go. Hindi siya takot na ipakita sa iba ang emosyon.
Madali ring basahin kung ano ang iniisip nito kaya alam ko kung kailan siya nagsisinungaling. During masters ko ay nakilala ang lalaki na minahal ko— si Joaquin.
"Will you marry me, Olivia Piper Robles?"
Napahawak ako sa aking labi dahil sa gulat. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumango. "Yes, baby."
Hinalikan nito ang aking pisngi. "We'll make lots of babies, my love. I love you."
Natunaw ang aking ngiti nang marinig iyon ngunit hindi nito iyon nakita dahil nakayakap pa rin ako sa kanya. Ayaw ko man sa narinig ay ayaw kong sirain ang gabi na ito para sa aming dalawa.
Binalita ko kay Vivian at pagpo-propose ni Joaquin.
"Oh?! May nagtiyaga sa iyo?"
"Of course! Isang kindat ko lang, laglag ang brief niya," pilit kong biro.
Kumunot ang noo nito. "Teka, wala ka namang jowa, ah! Pinagchi-chismisan ka nga ng mga tao sa kabilang area kasi sa sobrang narcistic mo raw ay sarili mo na ang pakakasalan mo."
"Sino ang nagkalat niyan?! Dudugo ang ilong niya sa akin!" saad ko at itinaas ang isang kamao.
Sumakay na kami ng elevator. Niyakap nito ang braso ko. "Pero, thankful ako kasi nakita mo na ang lalaki na nakapagpasaya sa iyo. Dapat makatanggap ako ng invitation, ah."
"Oo naman. Ikaw pa ba ang mawala?"
"Dapat may shanghai, ah."
"Oo, pati menudo."
Umupo na ako sa area ko at si Vivian naman ay nakipag-meeting. Tumingin ako sa paligid upang masiguro na wala masyadong tao bago ko buksan ang aking laptop. Pagkatapos ay sinimulan ko na pasukin ang system ng company ni Joaquin.
Bawal lumalabas na pahina ay binabasa ko. All of them. Financial statements, bonds, project completions, status reports— everything.
With all the data I've gathered, I've finally known the reason why he proposed. He's bankrupt.
"Olivia!"
Mabilis kong sinara ang laptop at inayos ang aking salamin. "Vivi?"
"Kanina pa kita tinatawag, girl. Ano ba ang ginagawa mo?"
"N-Nagse-search ng mga gagastusin sa kasal."
"My God, kaka-propose lang sa iyo ng jowa mo. Kalma ka lang."
"Ano ba ang kailangan mo, be?"
Huminga ng malalim si Vivian. Tumalikod ito sa mesa ko at umupo roon. "Samahan mo ako sa mission ko, Oli. Tingin ko ay kailangan ko ng back-up plan para rito."
"Ako ang back-up plan mo?"
"Oli, malaking scoop ito. Kapag na-cover natin iyon, pwedeng dalawang buwan pa tayo mag-off."
"Ano ba ang scoop?"
Hinila niya ako papunta sa loob ng meeting room. There, she discussed the confidential details with me. Sounds like mission impossible but this woman has a solid plan.
"Okay, I'm in."
Nagliwanag ang mukha nito. "Really?"
"Yes."
"There's a chance that this will fail."
Binalikan ko ang blueprint ng lugar na nai-print na niya. "The key in this mission is to know where the exit routes, Vivi. If the fire exits are blocked, we can't climb the chiller vents— it can't support our weight. So, we have to go to rooftop and use the external stairs."
"Sounds like a plan."
Tumango ito at inilahat ang kamay sa akin. I shook her hand and smiled.
"We can get through this."
Naghiwalay na kami ni Vivian upang paghandaan ang misyon. Habang nagbibihis ako ng uniporme na binigay niya ay nag-ring ang cellphone ko.
It's my fiancé.
"Hello, baby?"
"Aghh... uhmm..."
Kumunot ang noo ko dahil puro ungol ng babae lang ang aking narinig. Hindi ako umimik at pinindot ang loudspeaker at binuhay ang recorder.
"Are you really going to marry her, Joaquin?" malambing na sambit ng babae.
"We'll take her money then leave this city, sweetheart."
"Really?" she purred.
"Yes... now, move your hips, please. I want to come inside you."
Umangat ang isang gilid ng aking labi. Saan kaya magandang gamitin ang recorded audio na ito? Should I play this on our engagement party? Hm, I'll think about that later. Napuno ng ungol ang boses ng kabilang linya habang ako ay nagpatuloy lang sa pagbibihis.
Humarap ako sa salamin. The black leather pants hugged my thighs, and the dark vest followed the curve of my waist. Dang, I look good.
"He's asleep, Miss Olivia," saad ng babae sa kabilang linya.
"Thank you for your services," sagot ko bago putulin ang tawag.
Go to hell, Joaquin. Kung akala mo na mababang klase ng pader ang binagga mo ay doon ka nagkakamali.
Tinago ko ang cellphone sa loob ng aking bra at ang na-set-up na camera at tinago sa gitna ng necktie. Ginamit ko ang sasakyan na heavy-tinted para makapunta sa lugar na paggaganapan ng underground bidding.
Lumabas ako ng sasakyan at pumila kasama ng iba pang crew. Halos nasa dulo ako at nakita ko si Vivian na nakapasok sa loob.
Hindi ako kinakabahan dahil alam kong makakapasok ako ng walang kahirap-hirap. I bought the slot of one of the waitresses and got her badge and identity.
Tiningnan ng security ang peke kong ID at tumingin sa akin habang ang ibang kasamahan nito ay kinakapkapan ako. Binalik niya sa akin ang ID ko at pinapasok na ako sa loob.
Kunwari ay hindi ko narinig ang pagsigaw ng supervisor kay Vivian at inilipat siya sa ibang booth. Tiningnan ko ang bawat mukha ng nagtatrabaho roon at pati na rin ang ayos ng lugar.
May guwardiya na nagbabantay sa lahat ng exit. Tumingala ako at napansin na nakasarado ang lahat ng vents. Ang salamin ng bawat booth ay one-way mirror. Mas marami ang guwardiya sa itaas na booth.
Pumasok ako sa comfort room para tingnan kung tama ang kutob ko na may bintana roon. Ngunit bago ko pa iyon maisara ang pinto ay may paa na pumigil doon at ang huli ko nalang na naalala ay may itim na tela siya na itinakip sa aking ulo.