CHAPTER 07

1925 Words
CHAPTER 07 THIRD PERSON's POV Umupo na nga si Tracy sa kaniyang bangko sa harap ng hapag-kainan. Hindi nakaligtas sa kaniyang mata ang pag ngiti ng kaniyang mga magulang na halos abot-tenga kaya naman hindi niya maiwasan na mapa ismid. ‘Good mood ba sila dahil may bisita?’ Na itanong na lang niya sa sarili niya at muling napa- rolled eyes. Lalo na ngang nadagdagan ang pagka- badtrip niya nang biglang dumating na ang lalaking kinaiinisan niya kung saan umupo ito sa upuan ng Ate Andrea niya which is sa harapan niya. “Pwede bang sa sala ka na lang kumain? Talagang umupo ka pa sa harapan ko huh? Nakaka walang gana yang pagmumukha mo eh,”wika ni Tracy at hindi niya itinago sa kaniyang mga magulang ang inis na nararamdaman para dito. “Ano ba naman yang sinasabi mo sa kaibigan mo Anak.”Saway agad sa kaniya ng kanyang Ina at hinawakan pa ang kamay nito. “Ma! I told you, hindi ko siya kaibigan! Jeez!”Madiin na pag angal niya. “Oh edi mas maganda 'yun. Kung hindi mo siya kaibigan, baka mas bagay kung maging mag boyfriend-girlfriend kayong dalaw—“ “DAD!”Mabilis na saway naman ni Tracy para putulin na mula sa pagsasalita ang kaniyang Ama. Hindi niya kasi gusto ang mga naririnig niya ngayon. “Tito naman,”wika naman ni Arrow na sinundan ng isang simpleng pagtawa. “Oh eh bakit? Boto naman ako sayo,"wika pa ng matandang lalaki. Mabilis naman na ibinagsak ni Tracy ang kaniyang isang kamay sa lamesa kaya nakuha niya ang atensyon ng kaniyang magulang pati na rin ang atensyon ni Arrow. “Isa pang salita niyo— talagang aalis na ako dito.”Seryoso at madiin na wika ni Tracy. Awtomatikong itinikom naman ng matandang lalaki ang labi niya dahil napansin niya ang pagiging seryoso ng kaniyang anak. Hindi naman maiwasan ni Arrow na titigan lang ang mukha ng dalaga at ganon din ang matandang ina. Dahil nga wala nang nagsalita sa pagitan nilang apat kaya naman si Tracy na ang unang kumibo para kumuha ng kaniyng pagkain na sinundan naman ng matandang babae. “Kamusta naman ang ginagawa mo sa abroad?”Tanong ng matandang lalaki sa kanilang bisita. Sinagot naman ni Arrow ang kaniyang Tito ng may pag galang. “Hmm. Nothing important Tito. Tinutulangan ko lang sina Mom and Dad sa small business nila do'n. At saka, pinursue ko rin po ang photographing na gusto ko na noon pa man.”Magalang na wika ni Arrow. Arrow Stanford is a go lucky person. Hindi niya masyadong sineseryoso ang buhay niya kaya naman sa edad na 26 ay ine-enjoy niya lang ang mga ginagawa niya. He loves to travel and photographing. Minsan kino-compete na rin ang kaniyang mga piece sa iba't ibang bansa at nananalo naman siya. Hindi naman siya pine-preassure ng kaniyang mga magulang tungkol sa pagiging unemployed niya sa edad niya dahil kahit papaano ay malaki naman ang kinikita ng maliit na business ng kaniyang magulang para sa kanilang tatlo. Lalo na at iisang anak lang naman siya ng mga Stanford. Kumikita rin siya ng malaki sa photographing niya kaya wala siyang balak na maghanap ng regular na trabaho. Mas gusto niya kasing gawin yung mga bagay na gusto niya at mahal niya. Masaya lang siyang gawin ang mga bagay na alam niyang nagpapa saya talaga sa kaniya. 'Yun din ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Pilipinas makalipas ang ilang taon niyang pananatili sa ibang bansa. “Ganon ba. Eh hanggang kailan mo naman balak na manatili dito sa Pilipinas?”Tanong pa ng matandang lalaki. Kahit naman ayaw makinig ni Tracy sa usapan ng mga lalaki sa hapag-kainan ay wala siyang magagawa. Ang tangi niya lang magagawa ay ang mag madali nang kumain para maka alis na siya. Hindi naman agad nakasagot si Arrow sa itinanong sa kaniya ng Tito niya. Napa ngiti lang siya ng simple at tumigil muna sa pagkain para batuhan nang tingin ang matandang lalaki. “Hmm I dont know yet Tito. Naka depende po 'yun sa dahilan kung bakit ako bumalik. I think, I will just give a shot this time.”Mahinang sagot niya pero nanatili pa rin ang ngiti sa kaniyang labi bago muling nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman maiwasan ni Tracy na mapa nguso sa kaniyang narinig. ‘Give a shot daw? Bumalik siya dito sa Pilipinas para sa shot-shot na sinasabi niya? Wala bang ganon sa ibang bansa. Tsk. Pa-bibo talaga.’ Na sambit pa ng dalaga sa kanyang sarili. Pinagpatuloy na lang ulit ni Tracy ang pagkain niya ng mabilis. Ang akala niya ay walang nakakahalata sa ginagawa niyang pagmamadali dahil medyo naka lean down siya sa lamesa ngunit ang hindi niya alam ay nakatingin sa kaniya si Arrow. “Ehemm, may lakad ka ba at mukhang nagmamadali ka?”Tanong ni Arrow. Awtomatikong napatigil si Tracy mula sa pagsubo niya nang marinig na naman nito ang boses ni Arrow. Dahan-dahan niyang binitawan ang kutsara niya na may lamang pagkain para batuhan niya ang binata nang tingin. Nang magtama ang mga mata nila ay bigla niyang nginitian ng simple ang binata pero peke lang 'yun. Dahil ang totoo ay deep inside -- kumukulo na ang dugo niya para sa lalaki. “May lakad kami ni Peach, pupunta kami sa hmmm-MALL.”Sagot niya habang diretso lang na nakatingin kay Arrow. “Pero hindi ka pa pwedeng umalis.”Biglang sagot ng kaniyang Dad kaya ito naman ang binatuhan niya nang tingin. Hindi niya maiwasan na mapakunot ng noo dahil sa kaniyang narinig. “Mukhang hindi tayo nagkaintindihan sa sinabi mo sa akin kagabi Dad. You just confiscated my black card but it doesn’t mean that I’m grounded to leave the house and meet my friend Peach and ofcourse... to meet my girls.”Tracy said referring to her college bestfriends. Naramdaman naman ng dalaga na hinawakan ng kaniyang Ina ang kamay niya at alam niyang pinapakalma siya nito at pinipigilan na sumagot sa Ama. “I know, hindi naman kita pinagbabawalan na umalis ng bahay at pumunta kina Peach o di kaya naman ay makipagkita sa iba mo pang mga kaibigan—ang sinasabi ko lang sayo ay hindi ka PA pwedeng umalis.”Mahinahon na wika ng matandang lalaki at inemphasize pa niya ang salitang ‘PA’ dahil 'yun naman talaga ang ibig niyang sabihin. Mukhang naguguluhan pa rin si Tracy kaya nag patuloy na ulit sa pagsasalita si Mr. Villa Luz. “Kailangan mo pa kasing tulungan si Arrow na magbaba ng mga gamit niya para dalhin sa guest room natin.”-Mr. Villa Luz. Napalaki ang mata ng dalaga sa kaniyang narinig. Mabilis niyang binatuhan nang tingin si Arrow pero agad din niya yung ibinalik sa kaniyang Ama. “W-what do you mean Dad?”she asked in disbelief. May isang bagay na ang tumatakbo sa isip ni Tracy pero ayaw 'yun tanggapin ng utak niya hanggat hindi nakukumpirma 'yon ng kaniyang Ama. “Your sister insisted na dito na lang mag-stay si Arrow habang nasa Pilipinas siya. Kesa naman ang mag-stay siya sa mga hotel di ba? Arrow is a part of our family kaya naman asdfghjk—“ Hindi na binigyan pa ni Tracy nang pansin ang mga huling sinasabi ni Mr. Villa Luz dahil para sa kaniya ay sapat na ang mga una niyang narinig para maramdaman ang unti-unting pag bagsak ng mundo niya. Para sa kaniya ay ang malas malas niya talaga simula nang dumating si Arrow. Sigurado siyang bilang na ang masasayang araw niya kapag tumira ang binata sa bahay nila kaya naman she’s eager to complain on that. Tsaka pakiramdam niya ay mas malalang parusa pa ang pagtira ni Arrow sa bahay nila kesa ang pagkuha ng ama niya sa black card niya. “Hindi ako titira sa bahay na toh kapag nandito siya.”Panlalaban na sagot ni Tracy sa kaniyang Ama na parang sinasabi niya na she's dead serious. “Ahh. Ehh saan ka naman titira?”Tanong ni Mr. Villa Luz sa kaniya anak na parang wala lang ang sinabi ng dalaga. Nakaramdam naman ng inis si Tracy sa itinanong ng Dad niya dahil parang okay lang talaga dito na umalis siya ng bahay. “So, siya na ang anak mo ngayon Dad at hindi na ako.”May pagka sarkastiko na wika niya sa Ama niya at pinagtaasan niya pa ito ng kilay. Napatawa naman ang Ama niya dahil sa sinabi ni Tracy. “Alam ko naman na wala kang ibang matitirhan kapag umalis ka dito kaya wala akong dapat na alalahanin kung saan ka pupunta. Kaya tulungan mo muna si Arrow sa mga gamit niya bago ka umalis huh.”Nakangiting wika pa ng matandang lalaki na parang nang aasar pa sa anak. "Excuse me, marami akong kaibigan. Kay Laurelle, o di kaya kay Amethyst at meron pa-- si Zianna at Margarreth. Marami akong pwedeng tirahin. Dare me Dad."May pagmamalaki na wika pa ni Tracy tungkol sa kaniyang mga kaibigan na pwede niyang pagtirahan. "Hmmm. Sige, tawagan mo sila isa-isa at kapag merong pumayag na sa kanila ka tumira -- edi papayagan kita na umalis dito sa bahay. Pero hangga't nandito ka pa, tulungan mo muna si Arrow sa mga gamit niya huh, "wika pa ng matandang lalaki at pinagpatuloy niya na ang pagkain niya. Sasagot na naman sana ulit si Tracy pero nagsalita na si Arrow. “Ohh. Narinig mo ang sinabi ni Tito huh, tutulungan mo daw ako hanggat hindi ka pa umaalis dito sa bahay niyo.”Pang iinis na wika rin ni Arrow sa dalaga kaya binatuhan siya nito nang matalim na tingin. Dahil sa sobrang inis ay tuluyan na ngang tumayo si Tracy sa kaniyang inuupuan. “Tawagin niyo na lang ako sa kwarto ko kapag tapos na kayo diyan, tatawagan ko lang ang mga kaibigan ko para MAKAALIS AKO DITO!”Madiin pero walang emosyon na wika ni Tracy. Hindi niya na nga hinintay pa ang isasagot sa kaniya ng mga ito at tuluyan nang umalis ng dining area saka padabog pa na umakyat ng hagdan. Lihim naman na napangiti lang si Arrow sa ikinilos ni Tracy at saka nagpatuloy na ulit sa pagkain. “Pasensya ka na sa anak ko huh.”Malambing na wika ng matandang babae sa binata. Napatawa naman ng mahina si Arrow at nagsalita. “Wala 'yun Tita, sanay na sanay na ako sa kasungitan ng anak niyo lalo na nung highschool pa kami.”Nakangiting sagot ni Arrow dito at biglang naalala niya ang mga nakaraan nila ni Tracy kahit na hindi naman talaga 'yun magandang alaala para sa kanilang dalawa. "Pero wait Tito-- totoo ba na papayagan mo siya? "Tanong pa ng binata out of curiosity. Napatawa naman ang matandang lalaki with matching pagtaas baba ng mga balikat nito. "Hayy nako Arrow. Kilala ko ang mga kaibigan ni Tracy kaya sigurado ako na wala siyang matutuluyan sa mga 'yun. "Wika ng matanda na para bang siguradong sigurado siya. Hindi na lang nagsalita pa si Arrow dahil hindi niya naman kilala ang mga pangalan na binanggit ng dalaga dahil tanging si Peach lang ang kilala niya. Si Peach kasi ang kaibigan ni Tracy nu'ng highschool at kilala niya ito sapagkat same sila ng school na pinasukan. Samantalang, ang mga bagong pangalan naman na binanggit ng dalaga ay ang mga kaibigan ni Tracy nu'ng college na hindi niya na inabutan dahil sa ibang bansa na nga siya nag-aral ng kolehiyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD