CHAPTER 06

2129 Words
CHAPTER 06 Hindi nag tagal ay nakarating na nga ako sa airport. Hindi naman ako nagmamadali na hanapin siya kaya naman feeling pretty lang ako dito sa entrance at pinapa una kong pumasok 'yung ibang mga tao. HAHAHA. “Kayo na po ang maunang pumasok.”Nakangiti kong wika doon sa isang matandang babae sa pila at ngumiti rin naman siya sa akin pabalik. Ganon lang din ang ginagawa ko sa ibang mga tao kaya naman hindi ko maiwasan na mapa smirk. Isang way kasi toh para matagalan siya sa paghihintay kung nasaan man siya sa loob ng airport. Alam ko naman kasi na nag landing na yung eroplano niya dahil 9:20 na ngayon, ang alam ko kasi ay 9 ang dating niya kaya late na ako ng 20 minutes. Maiksi pa nga 'yun eh dahil kung ako ang papipiliin ay pwede ko pa siyang pag hintayin hanggang isang oras. Hehehe. “Lady guard ka ba dito?”Isang boses ng lalaki ang agad na sumulpot sa may likuran ko kaya naman hindi ko maiwasan na mapalingon agad. Paglingon ko ay agad na napalaki ang mata ko nang makita ko kung sino siya. Siya lang naman si Arrow Stanford na seryoso at diretso lang na nakatingin sa akin. Pero hindi rin naman nagtagal ang pagkabigla na nararamdaman ko dahil pinag taasan ko na siya agad ng kilay. “Hindi. Di mo ba napapansin? Mabait lang talaga ako kaya pinapauna ko yung ibang mga tao,"sabi ko at nag lakad na ako paalis. My gosh! Paano siya naging ganon? I mean, napansin ko na parang nag improved masyado ang kaniyang physical appearance. Ayaw kong aminin na ang gwapo niya... kasi para sa akin ay si Red lang ang gwapo sa paningin ko pero in all fairness— gwapo talaga siya ngayon. Well, gwapo rin naman siya noon pa lang dahil heartthrob siya sa Campus nu'ng highschool kami pero mas lalo lang siyang naging gwapo ngayon. HUT DON'T GET ME WRONG, HINDI KO SIYA TYPE! “Mabait? Alam ko na ang ginagawa mo kaya hindi mo na ako maloloko. Gusto mo talaga akong pag hintayin ng matagal noh.”Rinig kong wika niya sa may likuran ko na para bang obligasyon ko ang ginagawa kong pag sundo sa kaniya. NAKAKAINIS talaga ang lalaking toh. Feeling close! Feeling important! DUH! “Pasalamat ka na lang at sinundo pa kita. Demanding!”Huling sabi ko na lang sa kaniya at hindi ko na siya hinintay pa at lumapit na agad ako sa sasakyan ko tsaka sumakay. Naramdaman ko naman ang ginawa niyang paglalagay ng mga gamit sa likod ng sasakyan at dahil medyo natatagalan na ako kaya sunod-sunod ang ginawa kong pag busina. Dahil sa ginawa ko kaya malakas niyang sinarado ang pintuan sa may likod ng kotse at nakita ko pa sa side mirror ang galit na ekspresyon ng mukha niya. “Ano na naman bang trip 'yun? Hindi ka makapag hintay?”Asar at pikon na pikon na tanong niya sa akin saka pabagsak pa siyang umupo sa may passenger seat. “Oo. Nagmamadali talaga ako dahil may lakad pa ako. Tsk.”Yun na lang ang sinagot ko sa kaniya tsaka tuluyan nang pina andar ang sasakyan. Buti naman at hindi siya nagsasalita dito sa tabi lo kasi wala rin naman akong balak na kausapin pa siya. Sobrang naasar talaga ako! At mas naasar ako sa fact na grabe naman ang naging pag improved ng mukha niya— hindi naman siya ganon dati. I mean, hindi naman malakas ang dating niya dati ehh. Hays. Iba talaga ang nagagawa ng pumupunta sa ibang bansa. Naging mas maputi na siya ngayon at mas matangkad. Bagay na bagay rin ang kulay ng kaniyang buhok na medyo dark brown na kapareho ng kulay ng mata niya. Natural brown ang mata niya na may konting pagka hazel kaya kapag tumitingin siya sa mga babae ay naga-gwapuhan agad sa kaniya. Pero ibahin niyo ako dahil kahit kelan, hindi man lang ako na mesmerized sa mga mata na 'yon. Lalong gumanda rin ang kaniyang pangangatawan at pupusta ako na may abs siya. Malaki rin ang biceps niya kaya gaya nang sinabi ko- malakas ang dating niya ngayon. “Kamusta naman kayo ni Red?”Biglang tanong niya at dahil sa narinig ko kaya hindi ko maiwasan na maitikom ko ang bibig ko at pasimpleng hinigpitan ang kapit sa manibela. Ano bang pakialam niya?! Bakit niya tinatanong sa akin ang tungkol doon? Para namang hindi niya alam. Tsk. Alam kong alam niya ang nangyari sa amin ni Red dahil syempre, bestfriend siya ni Andrea kaya hindi malabong na iku-kwento ni Andrea ang tungkol doon. Siya pa ba? Eh basta tsismis lalo na pagdating sa akin ay alam kong updated siya para lang may maipang- asar sa akin. Ganon ko siya nakilala kaya kahit lumipas ang halos limang taon ay ganon pa rin ang tingin ko sa kaniya. "Hmmm. Wala na ba talaga kayo? "Mahinang tanong niya pa. See? Like what I've said-- alam kong alam niya na ang tungkol doon na pero tinatanong niya pa rin. Bwisit. Hayys. Siguro nagtataka na kayo kung bakit may relasyon pa rin kaming dalawa ni Red kahit galing na mismo sa bibig ni Arrow na wala na talaga kami-- as in hiwalay na. Malalaman niyo rin ang buong kwento sooner or later. “Ano bang pakialam mo?!”Singhal ko sa kaniya. Bigla naman siyang nag-chuckled ng nakaka asar kaya hindi ko maiwasan na batuhan siya nang masamang tingin na ibinalik ko rin naman agad sa kalsada. Ayaw ko pang mamatay lalo na at kasama siya. “At anong tinatawa-tawa mo diyan? Nang aasar ka ba?!”Galit na sabi ko pa sa kaniya. “Baka naman kasi tsismis lang na hiwalay na talaga kayo. But dont tell me na kayo pa rin? Ang tibay rin ni Red noh? Natagalan ka niya?”wika niya na sinundan na naman niya nang nakaka asar na pagtawa niya. Sabi ko na nga ba eh. Eto na naman siya! Binu- bully na naman ako at ginagawang katatawanan tulad lang nang ginagawa niya noon sa akin. Nakaka bwiset talaga siya! Grrrr! Hindi ko na lang siya pinansin kahit na asar na asar na ako sa kaniya at binilisan ko na lang ang pagmamaneho ko para makarating na agad ako sa bahay at nang hindi ko na siya makasama pa. Konting tiis na lang Tracy! Hindi rin naman magtatagal at hindi na magsasalubong pa ang mga landas niyo. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa pero wala pa nga halos tatlong minuto ang nakakalipas nang kausapin na naman niya ako. “By the way, wala pa nga pala akong girlfriend." Mahinang wika niya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo tsaka batuhan siya nang mabilis na tingin. “Pakialam ko sayo.”Sagot ko sa kaniya kasi talagang wala akong pakialam sa kaniya o sa personal na buhay niya lalo na ang status niya ngayon. Napatawa naman siya. “Hahaha. Inunahan lang kita kasi alam ko naman na nahihiya ka lang na mag tanong,”wika niya at tumawa na naman siya nang nakaka inis. “In your dreams! Wag kang assuming diyan Stanford!”Madiin na wika ko at talagang tumataas na ang dugo ko sa ulo ko sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. GRRR! Pabagsak kong isinara ang pinto ng driver’s seat nang makalabas na ako sa kotse ko. Hindi ko na hinintay pa na makalabas din ang mokong na lalaki na 'yun bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Aakyat na sana ako sa kwarto ko para mag palit ng damit ng bigla naman akong sinalubong ni Mommy habang may suot siyang apron. “Oh anak? Bakit naman hindi mo tinulungan si Arrow sa mga bagahe niya?”Tanong ni Mommy sa akin nang matanaw niya sa may labas yung mokong na lalaki. “Hindi nga kami close tsaka—“ “Okay lang po Tita.” Biglang sulpot ni Arrow sa may pinto habang dala niya 'yung isang maliit na bag niya at kung hindi ako nagkakamali— mga personal na gamit niya ang nakalagay doon. Inirapan ko na lang siya kasi nag papa- bibo na naman siya sa Mommy ko. “Mamaya ko na lang po ibababa. Wala pa po akong energy ehh, may pagkain po ba diyan? Namimiss ko na po kasi ang luto niyo eh.”Pag dudugsong na sabi pa niya. Tsk. Pa bibo talaga! “Patay gutom.” Na ibulong ko na lang sa sarili ko at buti na lang at hindi nila narinig 'yun. “Nako, oo naman Ihjo. Talagang nagluto kami ng Tito mo ng madami para makakakain ka rin ng madami.”Magiliw na wika naman ni Mommy. Hayys. “Aakyat na ako sa taas Ma. Enjoy na lang kayo.”Parang walang ganang wika ko tsaka tumakbo na ako paakyat. May sinabi pa nga si Mommy pero hindi ko na lang siya pinansin. Gaya nang sinabi ko ay umuwi lang ako para magpalit kaya naman nang makapag palit na ako nang pang lakad ay lumabas na rin ako ng kwarto ko. Anong akala nila? Porket wala na akong black card ay mag kukulong na lang ako dito sa bahay? NO WAY! Ang dami ko kayang pwedeng mahiraman ng pera. Hahaha. Madami akong kaibigan na mayayaman no. Bumaba na ako sa hagdan at nang lalabas na sana ako ng bahay ng walang paalam ay bigla kong naalala na nasa kotse ko nga pala yung mga gamit ng mokong na 'yun. Ibig sabihin ay aalis ako na dala dala ko yun? What the heck! Mag ta-taxi na nga lang ako! Ang malas ko talaga pag nakakasama ko ang lalaking 'yun. GRR! Nang bubuksan ko na 'yung pinto ay napalaki pa ang mata ko nang mauna yung bumukas kahit na hindi ko pa nahahawakan 'yung doorknob. Pero mas lalong ikinagulat ko ay nang si Daddy 'yun kung saan agad na nagtama ang mga mata namin. May dala siyang mga bottled drinks kaya sure ako na pumunta siya sa convenient store na malapit lang dito sa bahay. “Ohh. At saan ka pupunta?”Tanong ni Dad sa akin. Nang tuluyan na siyang pumasok ay ako naman ang napa atras. Hayys. Malas talaga! Bakit si Dad pa ang bumili ng inumin kung pwede naman niyang ipa utos na lang sa mga katulong— NAHULI TULOY AKO! “Ahh ehh—“ “TITO!” Malakas na tawag ni Arrow kay Dad kaya naman napatingin si Dad sa kaniya. Close na close talaga ang mokong na toh sa family ko--- hayss! “Ako na po diyan,”wika niya at kinuha niya pa ang mga dala- dala ni Dad. “Muntikan na kitang hindi makilala ahh. Mas matangkad ka na sa akin ngayon at mas gwapo pa.”Magiliw na wika rin ni Dad gaya nang pagka giliw ni Mommy kanina. Lihim naman na napa irap ako dahil doon. Gwapo? Hahaha. Wala pa nga sa kalahati ng kagwapuhan ni Red ang Arrow na yan. Tsk. “Haha si Tito talaga. Tara na po at kakain na, naghanda na po kami ni Tita sa lamesa,”wika ni Arrow at inakit niya na si Dad na pumuntang dining area. Napangiti naman ako ng lihim. Good. Sige, pag alis ni Dad ay tsaka ako tatakas para umali-- “Ayy Tito, mukang tatakas po ata si Tracy ng bahay niyo ahh. Hindi po ba siya kakain muna bago tumakas?”Narinig kong wika ni Arrow na para bang may laman ang mga salita yun. What the f**k!!! Napatingin sa akin si Dad. “Muntikan na kitang makalimutan. Sumabay ka na sa pagkain namin at may sasabihin pa ako sayo.”May awtoridad na wika ni Dad. Napalunok naman ako ng laway bago sumagot, "Yes Dad.”Mahinang pag payag ko na lang dahil wala na akong magagawa pa tsaka tumuloy na ulit si Dad sa paglalakad. Napagawi naman ang tingin ko kay Arrow kung saan nakatingin pa siya sa akin habang nakatigil. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?!”Ma angas na wika ko sa kaniya. “Baka tumakas ka pag talikod ko ehh. Tandaan mo, I got my eyes on you,"sabi niya sa akin. Sa sobrang inis ko ay mabilis ko siyang nilapitan na para bang sinusugod ko siya. At nang magkalapit na kami ay inilapit ko rin ang mukha ko sa mukha niya na halos kalahating dangkal lang ang layo. “Bantayan mo yang mga mata mo— baka bigla kong sundutin 'yan sa sobrang pagka gigil ko sayo. Tandaan mo 'yan, this is a warning,”wika ko at lumayo na ako sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya sa akin saka tuluyan na akong naglakad papunta sa dining area. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD