Pabagsak akong naupo sa kama ko at kahit naiinis pa rin ako ay mabilis ko nang inabot ang laptop ko mula sa pagkakapatong nito sa bedside table. I open my PictGram app and make a video call to my friends. I mean, my college friends. Unang sumagot si Laurelle sa tawag ko at kasalukuyan lang na mukhang nag e- exercise siya dahil sa nakita kong get up niya. Naka dark pink na sports bra siya with black headband, may suot din siya na airpods at pawis na pawis. I think, nag tre- treadmill siya ngayon. [What's up, Villa Luz.] Unang bati niya sa akin pero bago pa man ako makasagot ay biglang nag active na rin ang camera ni Amethyst kaya doon napunta ang atensyon ko. ItsAmethystYoung: f**k you Villa Luz, pwede bang pagpahingahin mo man lang ako? My god! Katatapos ko lang ng shoot at kakauwi