I

1625 Words
Kilala ang pamilya namin sa bayan ng Victoria rito sa Laguna. Actually, our family is well-known across the province and even in the city. Bukod kasi sa mayaman ang pamilya namin, may ilang noon na miyembro nito ang pumasok sa politika. Now, my father and my uncles are not fan of entering politics, kaya tumutulong na lang silang magpapanalo ng mga politiko. May benefits naman kami sa mga politikong iyon kaya it’s a win-win situation. Malayang nakakapag-angkat ang aming pamilya ng mga imported goods na hindi mo basta-basta maaaring ipasok sa bansa. “Bye, Dad! Papasok na po ako sa school!” Hinalikan ko sa pisngi si Dad. Hindi ko makita si Mommy kaya’t hindi na ako nakapagpaalam dito. Nang palabas na ako ng bahay namin ay nakasalubong ko ang nakababatang kapatid na lalaki na si Gio. Humihikab pa ito pero nakasuot na rin ng uniporme. “You’re early. Akala ko ba ay mamaya pa ang klase mo?” tanong ko sa kanya at humalukipkip. “Papasok din naman mamaya, anong kaibahan kung maaga akong pumunta ng school?” Inaantok niya akong tiningnan. Inismidan ko lamang siya dahil alam ko naman anong gagawin niya roon. “Mambababae ka lang, eh!” Ismid ko sa kanya. At dahil papasok na rin naman pala siya ng school ay sumabay na ako sa kanya. I am currently at my 2nd-year college while this stupid brother of mine is a 1st-year college. May isa pa kaming nakababatang kapatid na nasa high school pa lang. “Himala atang hindi ka susunduin ng boyfriend mo? Naumay na ba sa pagiging mala-prinsesa mo, Ate Sera?” Humalakhak si Giovanni sa tabi ko habang nagmamaneho. Sinipat ko siya at hinampas ang kanyang braso. “Excuse me, hindi ako nagpapasundo sa kanya! We have our own cars at hindi ko kailangang magpasundo sa kanya.” Halos magpalamon ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkairita. “And I’m mad at him.” Nawala ang ngisi ni Gio dahil sa sinabi ko. Sandali siyang tumingin sa akin bago ibalik sa daan. “Bakit? Magkaaway na naman kayo?” Muli kong inismidan si Gio dahil sa sinabi niya. May boyfriend kasi ako. Si Karl. We’re three months na at nitong nakaraan ay lagi kaming nag-aaway. Ewan ko! Ang lamig-lamig kasi ng pakikitungo niya sa akin bigla. Naiinis ako. Tapos pakiramdam ko may iba siyang pinagkakaabalahan kaya’t wala na siyang oras sa akin. “Nakita kasi siya ng classmate ko noong Friday! Nasa Morals and Malice sila pero ang sabi niya, nasa bahay lang daw siya. What’s the point in lying, ‘di ba? You can tell me the truth naman. Hindi naman pinagbabawalan.” Halatang-halata sa boses ko ang pagkairita. Hanggang ngayon ay hindi pa kasi kami nag-uusap ulit. Hindi ako ang unang makikipagbati! Siya ang nagsinungaling sa akin. “Baka naman kasi pinagbabawalan mo. May ganyang tendency ang mga lalaki.” Kibit-balikat ni Gio. Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata. “Kahit na! That’s not an excuse to lie!” asik ko sa kanya. “Palibhasa kasi ganyan kayo!” Tumigil na ang sasakyan nang maiparada ni Gio ang kotse sa parking lot ng school. Humalakhak siya sa sinabi ko. “Wrong, ate. Hindi ako ganyan kasi hindi naman ako naggi-girlfriend. Flings lang. Kahit anong oras pwedeng ibang babae ang kasama mo. Iyon ang maganda sa walang commitment at no string attached relationship. Iyon nga lang, hindi maiwasan ng ibang babae na ma-fall. Kaya sa huli, iiniwan ko. Ayokong manuyo. I don’t like drama.” I mocked his last words. I swear! Magtatanda ka rin at kakainin ang lahat ng sinabi mo. Bumaba na kami ng sasakyan. Nakita agad ni Gio ang pinsan naming si Avion kaya’t nagsama na ang dalawang ugok. “Hi, Sera!” bati sa akin ni Avion. Nginitian ko lang siya at kaagad naman silang umalis. Bumuntong-hininga ako at kaagad na pumunta sa building namin kung saan ako magka-klase. Papaakyat pa lamang ako ng hagdanan ay narinig ko nang tumutunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at nakita ko agad ang pangalan ni Neveah na pinsan ko rin. Kapatid siya ni Avion. “Hello?” bati ko sa pinsan. “Nasa school ka na?” Something’s off about her voice. Parang nanginginig na hindi. How can I explain it ba? Never mind. “Oo, bakit? Ikaw?” Magkaiba kami ng course ni Neveah kaya kapag pareho naming vacant ay saka lamang kami nagkakasama. “Nasaan ka? May klase ka na ba?” tanong niya sa akin. Her tone is really getting into me. Na kahit wala pa siyang sinasabi ay may nararamdaman na akong mali. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 30 minutes pa naman before my class. “Wala pa. 30 minutes pa. Why? Can you say the reason na? Kinakabahan ako sa ganyang boses mo, eh.” Pilit pa akong humalakhak dahil kinakabahan na talaga ako. “Pumunta ka rito sa cafeteria.” Kumunot muli ang aking noo. Lalong lumalamig ang kanyang boses which is rare. “Bakit—” “Basta pumunta ka rito.” Matapos iyon ay bigla niyang ibinagsak ang cellphone niya. Napanguso ako at wala na rin namang nagawa kung hindi ang pumunta sa cafeteria. Malapit lamang naman ito sa kinaroroonan ko kaya nakarating kaagad ako. Maaga pa kaya walang masyadong tao. Mabilis kong nakita si Neveah. Nakatingin siya sa may bintana ng cafeteria kung saan tanaw mo ang field. “Hoy!” Tinulak ko siya nang marahan bago maupo sa tabi niya. Nakain siya ng waffles at mag-isa lang siya rito. “Anong mayroon?” tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako. Halatang iritado at handa nang manapak. “Magkaaway kayo ni Karl, hindi ba? Break na ba kayo?” diretsahan niyang tanong sa akin. “Magkaaway, oo, pero hindi pa kami break!” Humalahak ako sa kanya. Iniisip ko na maaaring nagbibiro lamang ang pinsan ko. “Talaga?” Tinaasan niya ako ng isang kilay. Neveah is a nice person. Siya iyong mabait sa mabait talaga pero kapag napikon, magsisisi kang pinikon mo pa siya. Though, mahaba ang pasensya niya. Ako naman, mabait ako pero hindi kahabaan ang pasensya ko. Mabilis akong mainis talaga. But I’m nice pa rin! “Kung ganoon, bakit may ibang kaharutan ang boyfriend mo kung kayo pa? Ano iyan? Kalinga ng ibang babae kapag magkaaway kayo?” Nawala ang ngisi ko dahil sa sinabi niya. Itinuro niya ang labas ng bintana kung saan siya kanina pa nakatingin at doon ko nga nakita si Karl na may kaakbayang ibang babae. Nagbubungisngisan pa sila at nagbubulungan habang nakaupo sa ilalim ng puno. “Or maybe, they are just friends?” sarkastikong tanong sa akin ni Neveah. Umiling siya at kumain ng waffles niya habang ako ay tulala pa rin sa nakikita. If friends lang kayo, you won’t have that kind of skin ship! Sobrang lapit nila sa isa’t isa na kung bibigyan sila ng pagkakataong maghalikan ay maghahalikan na sila. “Hi, girls!” Narinig ko ang pagbati ng pinsan kong si Hati. I bet, kasama niya sina Silas at Zavian... o baka wala si Zavian dahil paniguradong nakabuntot iyon kay Triana na nasa ibang school ngayon. Naupo sila sa harapan namin. Hindi ko pa rin sila nililingon dahil hindi ko magawang iiwas ang aking mga mata sa boyfriend kong may kasamang ibang babae. “What happened to Sera?” Kinuhit ako ni Hati pero hindi ko siya nilingon. Napakagat ako sa aking labi, marahas at madiin. Gusto kong maramdaman ang sakit ng pagkagat kong iyon nang sa ganoon, mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. How dare he cheated on me! “Neveah, what happened?” tanong ni Hati, halatang nag-aalala na sa akin. Close kaming dalawa. Sa lahat ng pinsan kong lalaki ay siya ang pinakaclose ko. Kaya Neveah, don’t tell him or else… “Si Karl,” sabi ni Neveah. Hindi na niya sinundan ang sasabihin niya at itinuro na lamang ang labas ng bintana. Doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa mga pinsan. Naririto rin pala si Zavian. Kitang-kita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Hati at ang pag-igting ng panga niya. Sina Silas at Zavian naman ay malamig na nakatingin sa direksyon ng boyfriend ko. Tumingin sa akin si Hati kaya’t napatalon ako sa kinauupuan ko. He’s mad as hell. His bloodshot eyes are piercing right through me. “Kayo pa ba?” Kumunot ang noo niya habang tinatanong iyon sa akin. Napalagok ako at tumango. “Nag-away lang kami pero hindi naman kami nag-break—” “Hati!” Tumayo kaagad si Hati na kaagad naming sinundan. Oh, no! Ito nga iyong ayokong mangyari. My cousins and my brother are protective, sa aming mga babae, kaya naman kapag may nang-aaway sa amin o nanakit, hindi nakakatakas sa kanila. Sumugod si Hati papunta kung nasaan si Karl. Ako ay binibilisan ko ang lakad ko para mahabol siya pero sobrang bilis niyang maglakad. “Pigilan niyo si Hati!” Sina Silas at Zavian ang nilapitan ko dahil mas mabagal silang maglakad kumpara roon sa isa. “Hayaan mo munang makasuntok ng isa. Coz if he’s not going to punch your boyfriend, we will.” At tiningnan ni Zav si Silas. I groaned at tumakbo na papalapit kay Hati. Ngunit bago ko pa man mapigilan si Hati at bago pa man malapitan ni Hati si Karl ay may malakas nang sumuntok kay Karl. Tumalsik si Karl dahil sa lakas ng suntok na natanggap niya. Natigilan kaming lahat. Ang babaeng kasama ni Karl ay napatili sa pagkagulat. “Ang kapal ng mukha mong makipaglampungan sa ibang babae habang magkaaway kayo ni Ate?! f**k you! I will f*****g destroy you, s**t face!” malakas na sigaw ni Gio na bigla na lamang lumitaw kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD