Agad kong pinigilan si Gio nang akmang susugudin niyang muli si Karl. Si Hati naman ay mabilis na pumunta kay Karl at walang awa itong sinipa sa tiyan. Napasigaw ako sa pangalan ng pinsan bago tumingin sa iba ko pang pinsan upang humingi ng tulong at awatin si Hati.
Si Neveah at Zavian ang lumapit kay Hati para pigilan ito. Hinigit nila si Hati papalayo kay Karl habang si Karl naman ay namimilipit sa sakit at tila ba susuka na ng dugo sa pinaggagawa ng pinsan at kapatid ko.
Lumapit ang babae kay Karl at dinaluhan ito.
“b***h!” saad naman ni Neveah sa babae. Bumuntong-hininga ako.
Inilayo ko na ang mga pinsan at si Gio roon. Nagsisisigaw pa ang babae na isusumbong daw kami sa mga professors. As if may magagawa siya. Sabunutan ko siya kung hindi ko lang hawak itong kapatid kong makakapatay na siguro.
“Kumalma ka nga!” sigaw ko kay Gio dahil naghihimutok pa rin siya sa galit. Mas galit pa ata siya sa akin, eh.
“Harap-harapan kang niloloko. Kanina lang namomroblema ka sa gagong iyon, ah?!” sigaw niya pabalik sa akin.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang gitna ng aking ilong.
“Hayaan mo na iyon. Makakarma rin sila.” Naupo ako sa tabi ni Gio. Naririto na kami ngayon sa cafeteria.
“Wow, himala naman, Sera! Hindi ka ata umiiyak dahil iniwan o niloko ka? Nakakapanibago? Character development?” natatawang saad ni Avion sa gilid ko. Inirapan ko lang naman siya.
“Tse! I learned my lesson.” Lagi naman akong ginaganito. Lagi akong naloloko at iniiwan. Hindi ko alam, simula nang magkaroon ako ng first boyfriend noong high school ay ganito na. Siguro ako iyong sumasalo ng karma ng mga pinsan ko sa pagiging babaero nila.
Akala ko noon kapag nagmahal ka at sinabi sa ‘yong mahal ka, okay na. Ganoon kasi sina Mommy at Daddy. Ang sabi pa ni Mommy sa kwento niya ay first boyfriend niya si Daddy tapos naging last niya na rin at nagkatuluyan sila. Kung papakinggan mo’y parang perpekto ang kanilang pagsasama. Siguro kasi hindi nila nabanggit sa akin iyong pangit na parte ng kwento nila. Kaya lumaki akong iniisip that perfect love story exists. Pinanghawakan ko iyon hanggang sa mamulat ako na hindi naman pala ito totoo.
Boys will always be boys. Babaero, hindi marunong makuntento. I learned it the hard way. Ilang beses din akong umiyak at ilang beses na rin nga bang nambugbog ang mga pinsan ko dahil umiyak ako sa lalaki. Damn! I hate to reminisce those memories!
“Sa susunod nga, Sera, humanap ka ng matino. Nasuntok na ata namin lahat ng lalaki rito sa campus,” iritadong sabi ni Hati.
Tiningnan ko siya at nginiwian. “Hindi niyo naman kasi kailangang suntukin lahat ng lalaking nanloloko sa amin. Kaya namin ang sarili namin.”
“We know that. Ayaw lang namin na may nilolokong Benavidez.” Tumayo si Hati kaya’t sinundan ko siya ng tingin. “Benavidez ang dapat iniiyakan and not the other way around, Sera.”
Matapos iyon ay nagpaalam na sila nina Silas dahil may klase pa raw sila. Naalala ko na may klase rin pala ako kaya umalis na ako roon. Gosh, muntikan na akong ma-late!
That week, we were invited to go on a party. Sa isang bar sa kabilang bayan. We went there and I saw my freaking ex, Karl. Pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya. Hindi ko na sana papansinin nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
“Tangina, ang yayabang talaga ng mga Benavidez na iyan! Akala mo kung sino. Alam kasi nila na kilala ang pamilya nila. They are abusing their power! They thought they are superior. May araw rin ang mga iyan sa akin.”
Napatigil ako sa paglalakad at nagpintig ang aking tainga sa narinig. He’s talking about…maybe what happened the other day, nang masuntok siguro siya ng pinsan ko at kapatid ko.
Nakarinig ako ng simpatiya mula sa iilang kaibigan niya at ang iba naman ay tinatawanan lamang ang sinabi niya. Si Karl ay hindi natinag sa pambabastos sa pangalan ng pamilya ko.
“If I know, ilegal naman mga negosyo nila—”
Napatigil siya sa sinasabi niya nang mapansin siguro na nasa harapan na niya ako. Nag-angat sila ng tingin sa akin at nang magtama ang paningin namin ni Karl ay kaagad akong ngumiti; isang napakalambing na ngiti.
“I wasn’t able to clearly hear your sentiments, Karl. May problema ka ba sa pamilya ko?” Nakangiti pa rin ako kahit na kaunting tulak na lamang ay mapipigtal na ang pasensya ko.
Ngumisi siya at tumayo. Hinarap niya ako na tila ba nanghahamon. “Mayroon, Sera. Akala ko ayos ka, eh. Kasi ang mga pinsan mong lalaki, magagaling daw, pati iyang kapatid mo. Kaya pinatulan kita, eh. I thought you’re wild in bed. Kaso mukhang hindi naman totoo na magaling sila. Baka haka-haka lamang ang lahat. Because you know what? You’re boring. Ni hindi man lang maka-second base sa ‘yo!”
Dahan-dahang nawala ang ngiti ko dahil sa narinig. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni Karl dahil siguro sa naging reaksyon ko sa sinabi niya. Binawi ko ang sarili at muling ngumiti.
“You know why?” tanong ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang balikat at napatingin siya roon. Narinig ko pa ang pagsipol ng mga kaibigan niya. “You know why I’m boring?” pag-uulit ko. Siya naman ay panay ang paninitig sa aking kamay na humahamplos pa rin sa kanyang balikat.
Inilapit ko sa kanyang tainga ang aking labi at bumulong. “Because you can’t kiss and you can’t even turn me on, you little s**t!”
Marahas ko siyang hinawakan sa balikat at tinuhod ko ang nasa pagitan ng kanyang hita. Napasigaw siya sa sakit nito at napaupo sa sahig habang namimilipit sa sakit.
Nginisian ko siya dahil sa nakakaawang estado niya. “An asshole in your caliber will never get a chance to turn on someone like me, Karl. You’re unfuckable, kaya bakit ako magpapakama sa ‘yo? f**k yourself. Wala namang nakakaakit sa ‘yo. Ang lakas pa ng loob mong mambabae.” I crouched and a sarcastic smile escaped my lips. “Stop badmouthing my cousins, they are out of your leagues. At least marunong silang magpasaya ng babae, eh ikaw? Nakakasuka. Maging ako ay napapaisip bakit kita pinatulan. Siguro kasi, nakakaawa ka?” Humalakhak ako bago siya muling sipain.
Inayos ko ang buhok ko bago maglakad papalayo roon. Nakakainis. Imbis na nag-e-enjoy ako ngayon ay iritable na naman ako.
Okay, I may like him but now, punung-puno ako ng pagsisisi na naging boyfriend ko siya!
Masakit ang ulo ko nang maabutan ko ang mga Tito ko at mga pinsan ko sa bahay namin kinaumagahan. Nasa sala sila at tila may pinag-uusapan.
Nagpakuha ako ng gatas kay manang bago maglakad papunta sa mga pinsan at naupo sa tabi ni Hati.
“Anong mayroon?” tanong ko kay Hati.
Tiningnan niya ako at nginiwian dahil siguro sa magulo kong buhok. Inirapan ko na lang siya.
“May gusto atang ipagawa si Tito Javier. Tumawag siya kanina at ngayon pag-uusapan namin iyon,” sagot ni Hati sa akin. Tumango-tango ako bago kunin kay manang iyong iniabot niya sa aking baso ng gatas.
Iginala ko ang paningin ko at napanguso nang walang Zavian ang naririto ngayon.
“Where’s Zav?” Sa lahat ata ng pinsan kong lalaki ay siya lang ang wala. Isn’t he essential to be here since he’s the next boss? Bakit siya pa ang wala?
“Tinatanong pa ba iyan? Alam mo na kung nasaan iyon,” natatawang sambit ni Hati sa akin.
Bumuntong-hininga ako. Siguro na kay Triana ang lalaking iyon.
“Anyway, Kuya Javier called me earlier and I received news.” Bumuntong-hininga si Tito Vince. Nakikinig lang naman ako sa kanya. Alam ko naman na hindi para sa akin ang kung ano mang balitang iyon. “The Vassiliev heir is currently in the Philippines.”
Vassiliev? Ano naman ngayon? Kalaban ba sila?
“And as per Kuya Javier, dala-dala nito ang isang family treasure nila and we want to get that.”
Uminom muli ako ng gatas. Aanhin naman nila iyon. Yamashita treasure ba ‘yan at interesado sila?
“It was our family treasure back then, but they stole it from us. We just want to get it back,” sabi naman ni Tito Alex.
Panay pa ang pagpapaliwanag nila sa origin ng family treasure na iyon. Ang sabi pa ni Tito Lucio ay importante raw talaga kung maibabalik iyon sa amin. Kaya ngayong nasa Pilipinas ang Vassiliev family, tatangkain nilang kunin.
“Sinong pwede? Mas maganda kung hindi kilala ng Vassiliev family, para mas malayang makakilos. I’m sure, Silas and Zavian can’t do this, kilala sila ng ibang organisasyon dahil sila ang naglalaban sa posisyon ng pagiging boss. Any takers?” tanong ni Tito Alex.
“You should cross-out Hati. He’s known across the world as the torturer. Mamumukhaan agad iyan ng mga Vassiliev. Gio and Avion are our handlers in some international affair. Hindi kaya makilala rin sila?” tanong naman ni Dad.
Panay lamang ang pag-inom ko ng gatas. Kahit papaano ay umaayos na ang pakiramdam ko. Nanlamig lamang akong muli nang mapansin ko na para bang may nakatingin sa akin.
“What?” tanong ko nang paglingon ko ay nakatingin sa akin ang lahat.
“Why don’t we let Sera do this? I’m sure she can handle this just fine,” sabi ni Tito Vince habang nakatingin sa akin.
“Huh?”
Nakita ko ang pagpikit ni Dad at pag-iling niya. “Sera is not use to this kind of mission, Kuya. Huwag na—”
“Benavidez’s blood is running in her veins. She had proper training, too. Sa tingin ko kaya ito ni Sera. Hindi niya kailangang pumatay. She just needs to get an important item from the said family. After that, mission accomplished.”
Napatingin sa akin ang mga pinsan ko. Laglag naman ang aking panga. I mean, wala naman akong problema roon. Matagal ko na ring gustong gamitin ang mga natutunan ko noon sa training ko pero…hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko talaga. I am both excited and nervous.
Gio’s frowning his eyebrows. Avion is just watching my expression. Silas has a lazy look on his face, ano bang bago sa kanya? While Hati has a playful expression. Damn him! Inaasar na naman ako nito.
“We have back-ups just in case magkaroon ng problema. Don’t worry, Sera. We will be the one to formulate the plan. Sasabihan ka na lamang namin kapag may plano na kami. The schedule for this will be next week. Sa isang tanyag na hotel natin ito isasagawa dahil pupunta sa isang business conference ang mga Vassiliev. We will get that situation as an opportunity,” sabi ni Tito Alex. Ang bilis niyang magsalita na halos hindi ko na siya masundan.
“Paano kung hindi niya dala iyon?” tanong ko, tinutukoy iyong bagay na gusto nilang ipakuha sa akin.
“They will. I’m sure of it,” sabi sa akin ni Tito Vince. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan silang mag-usap.
Sinapak ko si Hati dahil inaasar niya ako. Sila ni Silas ang nagte-train sa akin ngayon para sa isasagawa kong misyon. Ang sabi kasi nina Tito, kailangan ko raw ulit hasain ang skills ko para pagdating ng araw na isasagawa namin ang plano ay perpekto ang bawat galaw ko.
“Don’t worry,” sabi ni Hati sa gilid ko. Naglalagay siya ng bala sa isang baril. Ipinosisyon niya ang sarili bago rin magpaputok ng baril at walang kahirap-hirap na pinatamaan ang target niya. Tiningnan ko lang siya habang nakataas ang aking kilay. “Naandoon kami ni Silas. We will attend the conference, too. If anything happens, we’re there to help.”
Ngumuso ako at umirap sa kanya. Muli kong kinasa ang baril ko at itinapat iyon sa target ko. Sunod-sunod kong pinaputok ang baril na hawak ko. Hindi ako nakatingin sa target bagkus ay nanatili akong nakatingin sa mga pinsan ko.
“I don’t need help but feel free if you want some actions.” Ibinaba ko na ang hawak kong baril bago tumingin sa target ko. Napangisi ako nang makita na perfect shot ang lahat ng tira ko kahit hindi ako nakatingin doon kanina. Sumipol si Hati sa akin at nakita ko ang pag-iling ni Silas while his lips slightly rose, forming a small smirk.
Ilang araw pang ganoon. Kapag hindi si Hati at Silas ang kasama ko sa training ay sina Avion, Gio, at minsan pa’y sumasama si Neveah. I heard she’s going to assist us in that operation. More on technical side siya pero naroroon din siya.
Everything is perfect. Nasabihan na rin ako kung anong kailangan kong gawin at kung sino ang target ko. May kaba mang nararamdaman ay hindi ko na iyon masyado pang iniisip.
“Ready?” tanong ni Hati sa gilid ko. Mas mauuna silang pumasok sa malaking function hall ng hotel dahil dadalo sila sa conference.
Ngumisi ako. “I am ready. Kailan bang hindi?”
Tumango si Hati sa akin at halatang natutuwa sa aking isinagot sa kanya. Zavian wasn’t here. They said he’s busy. Hindi na rin naman ako nagtanong. Silas and Hati are enough for this.
“Let’s go,” utos ni Silas. Nauna silang pumasok sa loob. Naghintay lang ako ng ilang sandali bago rin maglakad papasok.