“Party?” Nakita ko ang imbitasyon para sa pamilya ko sa isang charity party na inorganisa para sa mga batang inabandona ng magulang, walang nang pamilya, o mga batang inabuso ng sarili nilang pamilya. Gusto kong pumunta. Simula nang mawala ang anak ko, humilig talaga ako sa bata. Gusto kong makatulong sa mga batang walang pamilya o walang nag-aalaga sa kahit anong paraan. Ang marinig na may ganitong event ay gusto kong makadalo. “Hindi puwede, ate.” Reklamo agad ni Gio ang aking narinig. Matalim ko siyang tiningnan. Lahat na lamang ata ng gawin ko ay tutol siya. “Delikado pa ang buhay mo. We haven’t figured out who was behind your abduction. Tapos ‘yang gago mong asawa, magpapakita ka talaga sa kanya?” Natigilan ako at tumaas ang isang kilay sa huling narinig. I couldn’t care less abo