Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas para mabuhay ulit. Siguro sa galit na nararamdaman ko para sa mga taong gumawa nito sa akin at para na rin kay Alexei. Magpapakasal na si Alexei. Paulit-ulit iyon noon sa aking isipan na namanhid ang puso ko sa sakit at ngayon, hindi na ako umiiyak kapag naririnig ang pangalan niya. Ilang buwan din akong sumabak sa physical therapy at ngayon nababawi ko na ang kakayahan kong maglakad. Nagiging mas maayos na rin ang pakiramdam ko. Dinala ako sa pribadong isla ng mga Benavidez para roon ako magpagaling. Hindi nila ako hinahayaang makarining ng kahit anong balita tungkol sa mga nangyayari sa labas ng islang ito dahil ayaw raw nilang bigyan ako ng problema. “Huwag niyo na kasing sabihin kay Ate ang tungkol sa putanginang Alexei na iyan! Sinusunod ko a