"What?! But, Dad!" malakas na boses ni Calix habang kausap siya ng magulang sa kanilang sala. Uuwi lang niya galing sa kanilang laboratory. May pinu-formulate silang gamot kaya puspusan ang kanilang ginagawa upang maipaaproba na ito sa WHO at sa BFAD.
"Anak, lower your voice," awat ng kaniyang butihing ina.
"But, Mom, how could I calm down. Ipinagkasundo niyo ako, naisip niyo ba ang mararamdaman ni Geraldine?" maang sa ina. Naipakilala na niya ito sa kanila kaya alam na alam nila na may karelasyon siya.
Nakitang napalunok ang ina sa sinabi saka napabaling sa kaniyang ama. Kita ang pagbuntong-hininga ng ama. "Mahal, iwan mo muna kami," baling nito sa kaniyang ina. Nakitang tumingin pa ang ina sa kaniya bago ito umalis at nagtungo na lamang sa kanilang kusina.
Nang sila na lamang ng ama ay nakitang tumayo ito saka nagpamulsa habang nakatanaw sa salaming dingding ng kanilang bahay, tanaw ang magandang harden ng kaniyang ina.
Ilang sandali ang lumipas pero wala pa ring isang salita ang namutawi sa labi ng ama. Pagod siya at gusto niyang magpahinga lalo pa at nangawit ang binti sa maghapong nakatayo sa laboratory.
Umupo siya sa sofa at tinanggal ang sapatos. Mas makapal ang isang sapatos ng ilang pulgada para lamang magpantay ang mga ito. Mula nang magkolehiyo siya ay nagsimula na siyang magpagawa ng sariling sapatos para maitago ang kaniyang kapansanan.
Himas-himas ang paa nang mapatingala at nakitang nakatingin ang ama sa kaniya. Napahinto siya sa ginagawang paghimas sa paa.
"Hindi maganda ang lagay ng negosyo," paunang wika ng ama na agad niyang kinakunot ng noo. As far as he knows, maganda ang takbo ng Gonzalves Pharmaceutical Incorporated. "Isang taon nang hindi kumita at ginawa ko ang lahat upang isalba ito," bakas sa tinig ng ama ang lungkot.
"B-bakit hindi niyo sinani sa akin?" mabilis na wika rito.
"Masyado kang focus sa gusto mong gawin. Ginawa ko naman ang lahat. Nag-loan ako sa bangko para lang isalba ang negosyo pero wala eh," bulalas ng ama na muling tumitig sa kawalan.
Maging siya ay napasapo sa ulo dahil sa problemang kinakaharap. Marahil iyon ang dahilan kung bakit pinaalis nito ang kaniyang ina bago sabihin ang lahat sa kaniya.
"Alam kong mahirap ito anak pero ayaw kong mawala ang negosyong pinaglaanan ko ng halos buong buhay ko," ani ng ama. Katulad niya ay isa rin itong Chemist dahilan upang itayo nito ang sariling pharmaceutical sa bansa at hindi naman ito nagkamali dahil unti-unting nakilala ang negosyo nila sa mundo ng medisina.
"Alam ba ito nila Tito Samuel at Tita Tania?" maang sa mga magulang ni Samatha, ang kaniyang kababata.
"Oo," tipid na sagot ng kaniyang ama.
"How about, Sam?" maang na tanong rito dahil balita ay nasa London ito naka-base. Huling balita sa kaibigang si Gian na ngayon ay kasal sa matalik na kaibigan ni Sam na si Anne ay may boyfriend raw ito. Tiyak na hindi iyon papayag kapag nagkataon.
"Dumating na siya noong isang araw at sabi ni Samuel na alam na nito at pumayag," wika ng ama na kinakunot ng kaniyang noo.
Halos hindi makapaniwala sa sinabi ng ama na pumayag ito. Knowing her, tiyak na magdadabog o magmamaldita ito. Paano ito pumayag na pakasalan ang lalaking tulad niyang may kapansanan.
Ito kasi ang buhay na nagpapaalala ang kaniyang kapansanan dahil bata pa lamang sila ay wala na itong bukang-bibig kundi ang pagiging pilantud niya dahil sa mas maiksi ang isa niyang paa.
"Desisyon mo na lamang ang aming hinihintay upang makasal na kayo sa lalong madaling panahon," ani ng ama. Hindi siya nakasagot sa mga pinagsasabi nito. Hanggang sa sandaling iyon ay iniisip ang kaniyang kasintahan. Mahal niya ito at ayaw niyang saktan.
"Wala na bang ibang paraan, Dad?" hirit pang wika sa ama.
Muling tumanaw sa malayo ang ama habang nakapamulsa. "Kung mayroon ay hindi kita pipilitin sa bagay na ayaw mo," lumbay na tugon ng ama.
Malalim ang hinugot na buntong-hininga. Mukhang wala siyang ibang pagpipipilian kundi ang sumang-ayon na lamang dahil nakakahiya sa mga Fuentabella na sila na nga ang may kailangan sa mga ito. Tapos mukhang siya pa ang hirap na hirap na magdesisyon kung tutuusin ay siya pa ang lalaki.
"Okay," mahinang sang-ayon sa nais mangyari ng ama. Doon ay mabilis na lumingon dahilan para magtama ang kanilang mga mata.
"Sige, ipapaalam ko agad ito kay Samuel para makaluwas tayo sa Cebu," anito sa probensiyang pinanggalingan nila.
Matapos noon ay tumayo na siya. Paika-ikang maglakad dahil wala na siyang sapatos. Ramdam ang mga mata ng amang nakasunod sa kaniya. Pagdating sa silid ay agad na nilagay ang sapatos sa kaniyang shoe rank. Doon nakalagay ang mga customize shoes niya. Ilan ay nagkakahalaga ng ilang ibong dolyar dahil sa mismong manufacturer ng mga high-end brand ng mga sapatos.
Mabilis na pumasok sa banyo upang maginhawaan ang katawan sa maghapong babad sa iba't ibang klase ng kemikal.
Paglabas ng banyo ay nakatapis lamang siya ng tawalya habang may hawak na maliit na tuwalya at tinutuyo ang buhok.
Napaupo siya sa kaniyang kama habang nagpupunas ng buhok. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Napangiti nang makita ang kaniyang caller. Walang iba kundi ang kaniyang kasintahang si Geraldine.
"Hey, babe," masiglang bungad ng malambing nitong boses.
"Hey, mukhang ang saya natin ah," turan dito.
"Yes, babe. Finally, heto na," excited na wika nito.
"You mean—" putol nang agad itong sumabad.
"Yes, babe. I got the promotion, I'm now the new general manager," anito sa bagay na gustong-gustong makamit. Magma-migrate sa Canada ang general manager ng kompaniyang pinapasukan nito at isa ito sa tatlong pinagpipiliang papalit dito.
"Wow! Congrats, babe," bati rito pero biglang natigil ang kasiyahang nadarama para dito dahil sa pinag-usapan nila ng kaniyang ama.
"Babe, are you okay? Hindi ka ba masaya?" untag ng kasintahan sa kabilang linya nang matahimik siya. Doon ay bigla namang natahimik at ayaw niya itong malungkot lalo pa at nagdiriwang ito ng tagumpay nito.
"Of course, masaya ako, babe. Sino bang hindi magiging masaya at proud kung katulad mo ang kasintahan. Bukod sa maganda at mabait ay matalino at determinado. I know, malayo ang mararating mo. I am so proud of you," pilit pinasigla ang tinig upang hindi magduda ito.
"Thank you, babe. Labas tayo," yakag nito. Gustuhin mang magpahinga na sana pero dahil bakas na bakas ang kasiyahan sa tinig nito ay pagbibigyan niya.
"Okay, saan tayo?" tanong dito.
"Yes!" masayang sabad nito dahilan upang mapangiti siya. Mahal ito at ayaw niyang saktan ito.
Matapos sabihin ng kasintahan na iti-text na lamang nito kung saan sila magkikita ay agad siyang nagbihis. Sinusuot na lamang sapatos nang biglang mabitawan ito kaya yumukod siya upang damputin muli nang makita sa kabinet malapit sa kaniyang closet ang helera ng mga photo frames at ilang nakasalansang mga lumang larawan.
Sa tagal ng mga iyon doon ay ngayon niya lamang napagtuunan ng pansin hanggang sa hindi namalayang binukat iyon at tumambad ang nakangiting mukha ni Samantha. Kuha iyon noong huling kaarawan nitong dinaluhan bago sila lumipat sa Manila.