Nagising ako sa sinag na araw sa mukha ko. Agad akong bumangon at nag tungo sa silid ni ely.
Hindi kami magkasama sa iisang kwarto ng anak ko, yun ang gusto at utos ng may ari ng bahay.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin ang isang batang babaeng himbing na himbing sa pag tulog. Maingat at tahimik kong iniayus ang damit nitong susuotin pag kagising. Patapos nun ay lumabas na ako parang ipag handa ito ng umagahan.
Hindi pa ako tapos mag luto ay may maliit na kamay ng yumakap sa likuran ko na nag pangiti sakin.
"Nanay" - Bulong nito sabi. Hininaan ko muna ang apoy ng niloloto at humarap sa batang nakayakap sakin. Agad ko itong binuhat at iniupo sa silya malapit sa akin.
"Good morning baby ko." - Wika ko dito at pinaulanan ko dito ng halik sa leeg at pisngi na kita tawa nya.
" Mommy enough na. Nakikiliti na ako." -Sabi nito habang kinakapos ng hininga kakatawa.
"Sige na. Mag breakfast kana." -Iginala naman nito ang paningin sa lamesa kong saan nakapatong ang mga niluto ko. Agad ko namang binalikan ang naiwan kong niluluto ng mapansin kong may hinahanap ito.
"At syempre medyo na late lang ang favorite tocino mo." - Para namang nag ningning ang mata nito ng makita ang putaheng inihain ko.
"Nanay, till mag college po ba ako dito ako sa bahay mag school?" - Napatigil ako sa pag inom ko ng tubig sa tanong nito.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kasi di naman ako ang mag dedesisyon nun. Gustuhin ko man na ipasok ang anak ko sa isang paaralan kung saan madaming sya magiging kaibigan tulad ng isang normal na bata ang kaso hindi pwede. Si collins mismo ang nag disesyon na lahat ng activities namin mag ina ay dito lang sa loob ng bahay.
Malaki na si ely kaya natututu na itong mag tanong sa mga bagay bagay na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
"Hehe. Wag mo na sagutin nanay kasi okay lang naman sakin. Basta kasama kita" - wika nito sabay kindat pa na nag patawa sakin.
Sabay naman kaming napalingon sa pintuan ng may nag doorbell doon.
"Tapos kana ba anak? Andito na ata si teacher Gwen." - Tumangon naman ito bilang sagot at sabay kaming tinungo ang pintuan para buksan ito.
Bumungad samin ang nakangiting mukha ni teacher gwen. Agad itong humalik sa pisngi ng anak ko.
"Teacher sobrang early mo naman po." - Sabi ng bibo kung anak.
"Sumabay na kasi ako kay ate pa punta dito. hehe " - Sagot ng teacher na nag pakunot ng noo ko.
" Kasama mo si secretary Ivy? " - tanong ko dito.
"Yes. May inayos lang sa kotse. Pero anjan na yun madam. " - Sabi nito sabay ngiti.
"Lets goo na bebe girl. Mag piplay muna tayo before study like i promise. " - Nag tatalon naman ang anak ko sa sobrang saya dahil sa sinabi ng guro. At nag tungon na ito sa study room dito sa bahay. Naiwan naman ako dito at hinintay si sec. Ivy.
"Good morning madam" - Pag bati sakin ni secretary Ivy. Si secretary Ivy at ang kapatid lang nito na si gwen ang nakakaalam ng tungkol sa amin ng anak ko.
Diretsong pumasok ito sa bahay ni Collins at umupo sa mahabang sofa. Isang minuto itong nag mamasid sa paligid.
"Mag papabili ka ng bagong vase?" - Napansin ata nitong kulang na naman ang vase ko dito sa bahay. Umiling naman ako dito bilang sagot.
"Anong ipapabili mo?" - Tanong pa nito.
"Wala." - pag kasabi ko nito ay nagpakawala ako ng isang bugtong hininga at umupo sa katapat nitong upuan.
"Wala? Bwisit talaga yung ama ng anak mo! pinapunta punta pa ako dito para sa wala! " - Inis na inis na wika nito na kinangiti ko.
Ginagawang pambawi samin ni collins ang material na bagay. Sa tuwing sinasaktan nya ako or nasigaw nya si ely kinabukasan susugod dito sa bahay si secretary ivy para tanungin kong may gusto kaming bilihin. Kahit ano pa yang material na bagay na gustuhin namin ay wala itong reklamo.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko at nag tungo sa kusina. Ramdam ko namang nakasunod ito sakin.
"Anong masakit sayo?" - Mahinang tanong nito. Alam din kasi ni secretary ivy ang ginagawa sakin ni Collins. Mabuti sa amin ni ely ang magkapatid, simula nuon ay silang dalawa na ang nakakadamay namin.
"Wala. Sinigawan lang naman ako." - Sagot ko.
"Dalawang buwan nalang ay eleksyon na naman. Mas mag ingat kayo ni Ely. Si Mr Premo ang makakalaban sa eleksyon si collins. Rinig ko sa mga usapan na tuso ito. Lahat ng baho ng kalaban ay inilalabas. Kaya hindi malabong pati kayo ni ely ay madamay." - wika nito. Nag patuloy lang naman ako sa pag huhugas ng mga platong pinag kainan namin ni ely.
" Nag punta din kahapon sa kapitolyo si Vice pres. " - Nabitawan ko ang hawak kong baso sa narinig ko buti nalang ay nasalo ng lababo kaya hindi nabasag.
"Bakit daw?" - Lingon ko dito.
"Hindi ko alam kung bakit e. Kasi pinalabas kaming lahat ng opisina at naiwan lang sa loob ng kwarto ang mag ama." - Ang ama ni collins ay ang bise presedente ng bansang pilipinas. Kaya hindi parin ako makapaniwala na ang hampus lupang na katulad ko ay napadikit sa pamilyang to. Na kung hihiling ako ay sana iba nalang ang pamilyang kinabibilangan ni collins.
" Basta galit na galit na pumasok na opisana si vice." - Pag papatuloy pa nito, tumango tango lang ako dito bilang sagot.
"Pero may narinig akong pangalan na sinabi ni vice bago ako makalabas ng pinto" - Napa chismosa talaga nitong sekretarya ni collins. Sa isip isip ko lang, na nagpangiti sakin.
"Fe..... lita" - Nakakunot nuong wika dito, na nagpalaki naman sa mata ko .
"Sino?"- Pag usisa ko pa.
"Felita. Oo tama. Baka dahil dun sa Felita kaya galit na galit si vice" - Sagot nito.
"Baka si felita ay isa sa mga babae si Gov.?" - Tanong pa nito sakin na parang nag bubuo ng isang puzzle.
"Or baka naman nabuntis ni Gov si Felita at kay Vice lumapit yung babae para mag patulong. Tingin mo?" - Salubong na kilay nitong tanong pa sakin.
"Or baka naman si Felita ay isa ...." - Hindi na naituloy si secretary ivy ang sasabihin ng masalita ako.
"Tiyahi ko si felita" - Mahina kong wika na kinatahimik nito. Lumapit ito sa pwesto ko at sumandal sa labado kung saan ako nag huhugas ng plato.
Pag talaga chimisan active na active ang brain cells na babaeng ito.
"totoo?" - Hindi makaniwalang tanong sakin nito .
"Hindi mo nababangit na may buhay ka pa palang kamag anak" - Hindi na kasama kahit minsan sa kwentuhan namin ni secretary ivy ang tinayahi kong ito kaya marahil hindi nito alam na may buhay pa akong kamag anak.
"Bakit naman magagalit si Gov. sa tiyahin mo?" - Pag uusisa pa nito pero na natili akong tikom ang bibig.
"Diba nga secret lang din kay vice ang tungkol sa inyo ni ely." - Naguguluhang wika pa nito.
"Ang tiyahin ko ang nag sumbong noon kay Vice na buntis ako at ang anak nito ang ama." - Napanganga naman ito sa sinabi ko.
" Yun yung panahon na nag papabango ng pangalan ang mag amang collins dahil sa eleksyon." Binitawan ko muna ang platong hinihugas ko at nag tungo sa hapang kain at na upo. Ganun din naman ang ginawa ni secretary ivy.
"Ang usapan namin ni collins ay pag na announce na na nanalo sya sa eleksyon staka namin ipapaalam ang tungkol sa anak namin"
" Ang kaso ..." - Hindi ko natapos ang kwento ko ng tumunog ang cellphone ni secretary ivy.
"Hays bwisit talaga! saglit lang" - sabi nito na agad sinagot ang tumatawag. Ako naman ay pinag patuloy ko ang pag huhugas ko ng plato.
"Hello, Good morning sir " - Rinig kong wika nito sa kausap sa telephono. Marahil ay si Collins ang tumawag dito.
"Ahm. Yes sir. Im on my way na po" - Humarap naman ito sakin pag ka baba ng telephono na nakasimangot ang mukha.
"Gusto ko pa sanang makinig sa kwento mo. Kaso...... hays. " - Wika pa nito habang umiikot ang mga mata sa sobrang inis. Na nag patawa sakin.
" I have to go madam. " -Lumapit ito sakin para bumeso at nag deritsong nag tungo sa study room kong nasa si ely.
Hindi pa natatagalan ay mag kahawak kamay na lumabas ng silid si secretary ivy at ang anak ko.
"need na need mo na po bang umalis?" - Rinig kong tanong ng anak ko sa secretarya.
"Oo e. Pero dadalaw nalang ako next time. " - Sagot naman nito at marahang binisil ang pisngi ng mata.
"Okay po. Good bye and take care po." - Pag papaalam ng anak ko.
(Flashback)
"Ingrid? asan kaba?"- Usisang tanong ng taong kausap ko sa telephono. Habang ako naman ay tuloy tuloy ang pag lakad patungo sa barong barong katabi ng maduming ilog.
"May dadaanan lang ako dito sa bahay ni tyang. Mabilis lang ako tapos uuwi na din ako jan" Mahinanong kong wika bago ko ibaba ang telephono. Maaring magalit na naman ito sakin dahil sinuway ko na naman ang utos nitong wag na wag na akong babalik sa lugar na to dahil sa delikado ang kaso kailangan ko talagang bumalik dito dahil naiwan ko ang nag iisang bagay na nag papaalala sa nanay ko.
Pero malayo pa ako sa barong barong na tinitirahan ng tiyahin ko ay tanaw ko ang magagarang sasakyan sa harapan nito na nag pakunot ng noo ko.
"Kanino naman kayang mag sasakyan ito?" Tanong ko sa sarili ko, pero iniwaksi ko ito at dumiritso sa pakay ko.
Maingat akong nag lakad sa matulas na tulay na kahoy, bubuksan ko na sana ang pintuan. Nang masilip ko sa butas ng flywood na pintuan kung sino ang nasa loob ng bahay.
"Tanggapin mo ang pera." - Kitang kita ko kung paano tanggapin ng tiyahin ko ang makapal na envelop na inabot ni Eduardo Collins ang ama ng lalaking mahal ko.
"Siguraduhin mong wala ng gulong maidudulot ang pamangkin mo sa anak ko!" - mataas na boses pang wika nito na nag patikom ng bibig ko.
"Sigurado po" Siguradong wika ng tiyahin ko habang may malaking ngiti sa mga labi habang tinitingnan ang laman ng envelop.
"Oras na malaman kong lumilingkis pa yang malandi mong pamanking sa anak ko. Ikaw ang babalikan ko. Wag nyo akong kalabanin, hindi nyo alam ang kaya kong gawin !" Maoturidad na wika pa nito.
"Kung hindi mo madala sa maayus na paki usap yang pamankin mo, mas maganda kong patahimikin mo na" Nalalaglag ang dala kong payong sa gulat. Napaharap silang lahat sa direksyon ko, pero bago pa nila ako makita ay nakatalikod agad ako. Naka hood jacket ako kaya malabo na mamukaan nila ako.
"Pasensya na, madami talaga jang dumadaan. Wag nyo ng pansinin" - Rinig ko pang wika ng tiyahin ko.
Tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko habang pabilis na pabilis ang pag lakad ko palayo sa lugar na to.
"Patayin mo kung kakailanganin"
"Patayin mo kung kakailanganin"
"Patayin mo kung kakailanganin"
Paulit ulit na naririnig ko ang mga salitang yan.
Napatingil naman ako ng mag ring ang telephono na nasa kamay ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag luha pero malinaw parin sakin kung sino ang tumatawag.
"Dapat ba talaga akong mag tiwala sayo?"
"Baka katulad ka din ng ama mo! papatayin mo din kami ng anak ko!" - Hindi ko na sinagot pa ang tawag ni collins at itinapon ko nalang kung saan ang telephono.
Tama nga si nanay, sarili ko lang ang dapat pinag kakatiwalaan ko. Pinag patuloy ko lang ang pag takbo
Nang may nakita akong taxi papalapit sakin ay agad ko itong pinara.
"mam saan po tayo?" tanong ni manong sakin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
"Batanggas manong" Nagulat si manong sa sinabi kong lugar. Kahit akoy nagulat din sa sinabi ko.
"Mag babayad po ako kahit mag kano. Basta ilayo nyo ako sa lugar na to" Mahabang paki usap ko dito habang may hikbi ng lumalabas sa mga labi ko.