CHAPTER 1

962 Words
"Sige na matulog kana" - Malambing kong wika dito matapos ay dumampi na ang mga labi ko sa noo nito kasabay ng pag tulo ng isang butil sa luha sa mata ko na mabilis kong napahid. "hindi ako mapapagod para sayo" - Bulong na isip ko dito. Akmang patayo na ako sa kama nito at palabas ng silid ng bigla nitong hinawakan ang braso ko. "Nanay kwentuhan mo muna ako." - Lumingon ako dito at sumalubong sakin ang mga mata nitong nangungusap at nakangiting mga labi. "Yung sa princess at prince " - Wika pa nito. Ngumiti ako dito na nag pakislap ng mga mata nito. "O sige pero mabilis lang ha. Madami pang gagawin ang nanay" - Sabi ko dito at tumango naman ito bilang sagot. Umupo ako sa kama nito sa gilid kung saan naka pwesto ang ulo. Pag kaupo ko naman ay naramdaman kong inilapit pa nito ang ulo sa may bewang ko. Nakatuon din ang mga mata nito sakin at nag hihintay sa i kukwento ko. " Once upon the time" - Panimula ko. "Sa malayong malayong kaharian, may isang babae ang pangalan nito ay be..."- Hindi ko natapos ang sasabihin ko dito ng bigla itong nag salita. "Bella" - Wika nito sa akin. "Si bella ay isang kawawang prinsesa dahil walang syang magulang at ginawa syang katulong ng tiyahin nito at ng mga anak nito" - pagpapatuloy ko na nagpalungkot sa mga mata nito. " Pero dumadating ang prinsepe para tulungan , protektahan, masayahin, mahalin at makaalis sa poder ng masamang tiyahin." - Nagkasigla na muli ang mga mata nito. "Binigyan ng prensepe ang prinsesa ng isang ibon para alagan at mahalin at para may kasama ang prinsesa ang pangalan ng ibon na ito ay Lily." - Kweto ko pa dito kasabay nito ang parahang pag pisil ko sa mga pisngi nito. "and they live happily ever after" - Sabay naming wikang mag ina. Saulo na ni Ely ang kwentong ito pero patuloy parin niyang pinapakwento ng paulit ulit sa akin. Napansin ko naman ang pag hikab nito at maahang pag pikit ng mga mata. Dahan dahan ako umalis sa kama at marahan na hinawakan ang maliit nitong kamay. "Mahal na mahal ka ng nanay. At gagawin ko lahat para sayo. " - Bulong ko dito na alam kong malabo ng marinig nito dahil mula sa kinaroroonan ko ay rinig ko na ang mahinang pag hilik nito. Matapos kong masiguradong walang ano mang kalat sa buong bahay ay napaupo ako sa silyang malapit sakin. Nagpakawala ako ng isang malalim na hiniga sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Napabaling naman ako sa malaking orasan na nakadikit sa ding ding sa bandang kaliwa ko, Alas Dyes na ng gabi ngunit wala parin si Collins. Lumapit ako sa main door at binuksan ito, sumandal ako sa haligi nito habang nakatanaw sa labas ng bahay. " asan na kayo yun?" - Mahinang tanong ko. Lalim na sa gabi pero wala pa ito marahil ay madami itong trabaho ngayong araw. Ilang minuto at oras na ang lumipas pero wala paring Collins na dumadating, sumasakit na din ang mga binti ko sa pag kakatayo ko at unti unti na din akong hinihila ng antok pero patuloy ko itong nilalabanan. Malamig na din ang hangin kaya isinara ko ang pinto at umupo sa sofa. napag pasyahan ko na dito ko nalang ako mag hihintay. "blaaaaaaag!" - Mabilis akong napabangon ng may malakas na pag kalabog akong narinig. Hinanap ko ang pinanggalingan nito at tumambad sakin ang galit na galit na mata ni collins. Lumipat ang tingin ko sa kamay nitong may hawak na vase. Napapikit ako ng itapon nito ang vase sa pader. Dinig na dinig ko ang pag kabog ng dibdib ko sa takot. Mabilis namang akong napa mulat na may narinig akong pag sara ng pinto sa ikalawang palapag ng bahay. Pero nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakasara ng pinto ng silid ng anak ko. Kumuha ulit ng vase si collins at patuloy na ibinabato habang akoy patuloy na nilalabanan ang takot na nararamdaman at pinapanuod ito. "Pag bubukas na nga lang ng gate ang gagawin mo hindi mo pa magawa!" - Sigaw nito sakin. Matapos kong maupo sa sofa kanina ay hindi ko na malayan na nagpadala na pala akong antok kaya hindi ko ito napag buksan ng gate. Galit na galit ang mga mata nito, halata mo sa mukha at kasuotan nito na pagod ito buong araw. "So.."- Hihingi sana ako ng pasensya dito ng may malakas na sampal akong natanggap buti nalang ay napahawak ako sa sofa malapit sakin kung hindi ay napahalik na naman ako sa sahig. Isang yun sa mga dahilan kung bakit lagi kong nililinis ang buong bahay kasi nahahalikan ko, pag hindi sahig, sa pintuhan, minsan sa lamesa, lababo, salamin at iba pa. Sanay na ako, manhid na ako sa lahat ng p*******t nito. "Sorry?" - Tanong nito at hinawakan ako sa ilalim ng baba ko para mapaharap dito. "Sorry? Ingrid hindi lahat na dadaan sa sorry" - sabi nito. marahas nitong binitawan ang baba ko na nagpabagsak sakin sa sahig. Naramdaman kong nag lakad na ito papalayo sa direksyon ko. "Baka di kapa kumakain, nag luto ako ng paborito mo." - Mahinang wika ko na nagpalingon dito pero mabilis lang at naglakad na ito patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid nito. Nang hindi ko na naramdaman ang presensya nito ay tumayo na ako at unti unting gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko. Na parang sinasabi sa sarili na 'okay lang lahat'. Tahimik kong nililinis ang mga binasag nitong vase. Sa palagay ko'y kailangan ko na ulit magpabili sa secretary nito ng panibagong vase bukas. Hindi kami dati ganito. Tulad ng prinsepe at prinsesa sa kwento, masaya kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD