bc

The Governor'ssecret

book_age4+
171
FOLLOW
1K
READ
dark
contract marriage
arrogant
dominant
drama
bxg
heavy
bold
loser
seductive
like
intro-logo
Blurb

Tama ba na pinili kong manatili sa mundong hindi naman bagay sakin. Tama ba na kalimutan ko ang sarili ko para sa kaligayahan ng mga mahal ko. Paano kong nagawa ko na lahat, naibigay ko na lahat, at naubos na ako.

Read at you own risk.

All Right reserved. 2020

Written by @SherlleMay

chap-preview
Free preview
Panimula
"Mommy?" - Napalingon ako sa magandang mukha ni Ely. Matipid naman na ngiti ang sinagot ko dito. "Mommy bakit hindi tayo pwede lumabas ng bahay?" - Masiglang tanong sakin nito. Walang araw ang lilipas na hindi ko naririnig ang tanong na yan galing sa inosenteng batang si Ely. "Lapit ka nga sakin baby ko." - Tawag ko dito. Mabilis naman itong lumapit sa pwesto ko. Kasalukuyan itong nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo, magkapantay ang mga mukha namin at kitang kita ko ang mga mata nitong nag hihintay ng kasagotan. Marahan humaplos ang kamay ko sa makinis at malambot nitong pisngi, inilagay ko din sa likod ng tenga nito ang iilang hibla ng kulot na buhok na hindi napasama sa pag kakatali ng buhok nito. "Kasi nga madaming bad guys sa labas. Gusto mo ba kunin ka ng bad guys?" - Sabi ko dito. Pero walang naging emosyon ang mukha nito. Alam kong hindi na naniniwala si Ely sa dahilan ko na yun. Pitong taong gulang na ito kaya bukas na bukas na ang isipan sa mga nanyayari. "Anak..." - May sasabihin pa sana ako dito ng mapalingon kami sa malakas ng busina  sa labas ng bahay. "Anjan na si Mr. Collins " - Wika ni Ely. Mabilis naman nitong kinuha ang mga laruan na nakakalat sa sahig at may pag mamadali na umakyat ng kwarto, rinig ko din sa kinaroroon ko ang pag lock ng pintuan nito. Ako naman ay mabilis na lumabas ng bahay at binuksan ang malaking gate. Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang mga nanlilisik na mata ng taong nasa loob ng sasakyan na nagparamdam sakin ng takot. Nauna itong pumasok ng bahay habang ako'y nakasunod dito dala dala ang mga gamit nito na halos di ko na madala ng maayos. At awa ng dyos nakaabot naman ako ng silid nito bago ko mabitawan sa sobrang bigat. "Nag dinner kana ba?" - Tanong ko dito. Pero tulad ng inaasahan ko wala akong nakuhang sagot mula dito. "Nag luto ako ng paborito mo. Pag nagutom ka tawagin mo lang ako dadalhan kita dito." Mahabang wika ko dito bago ako mag simulang maglakad palabas  ng silid nito. "Lumapit ka" - Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng mag salita ito, unti unti na din akong kinakain ng takot. "Isa!" - Malakas na sigaw nito na lumukob sa buong silid.  Dahil nadin sa takot ay dahan na dahan na nag lakad ang mga paa ko papalapit dito. "Paaaaaak" - Isang malakas na sampal ang nakuha ko mula dito. Sa sobrang lakas ay natumba ako sa sahig at nalasahan ko din ang dugo sa gilid ng labi ko. Mabilis na napigilan ko ang nag babadyang pag tulo ng mga luha ko. Walang karapatan ang lalaking ito na makita na nasasaktan ako. "Ang bobo mo talaga! simpleng instructions di mo masunod! punyeta ka! " - Hinila nito ang buhok ko hanggang marating namin ang bathroom sa loob ng silid nito. Nag mistula naman akong manika na nag papadala nalang sa susunod na gagawin nito at wala ng nararamdaman. "Ang kapal ng mukha mong lumabas ng bahay ko at sinama mo pa talaga ang batang yun!" - Malakas pang sigaw nito sakin bago ako nito buhusan ng malamig na tubig. Nakaupo ako sa tiles habang ito ay nakatayo sa harapan ko habang hawak sa isa nitong kamay ang buhok ko. "Hindi kami lumabas ng gate, nag dilig lang kami ng halaman" - Mahinang sagot ko dito na lalo ata nag pagalit dito. Naramdaman kong may kinuha dito matulis na bagay na hindi ko maaninag kung gunting ba ito o kutsilyo dahil sa nanlalabo na ang paningin ko kaya ipinikit ko nalang ng madiin ang mga mata ko at hintayin ang ano mang gagawin nito. Pero imbis na matulis na bagay ang maramdaman ko na maghatid sakin ng sakit ay isang mainit na yakap ang nakuha ko galing sa maliliit na braso. "Mo...mmy" - Tawag sakin ng humihikbing boses ng anak ko. Iminulat ko ang mga mata ko at malinaw sakin ang mga luhang pumapatak mula sa magandang mata ng anak ko. "Lumabas na kayo!" - Malakas na sigaw nito samin. Nang hihina naman akong tumayo sa pag kakaupo ko sa tiles. Agad kong hinawakan ang braso ng anak ko at iginaya ko palabas ng silid. Pero ng malapit na kami sa pintuan ay tumigil ito sa pag lakad kaya napatigil din ako. Nakaharap ito sa matangkad na lalaking nakatalikod samin. "Bad ka mr Collins!" - Nanlilisik ang mga mata nito nakatingin ng diretso sa likod ng kausap. "Tara na ely" - mahinang wika ko dito pero hindi ako nito pinansin. "Bad governor!" - Sigaw pa nito. Hinila ko ang braso nito pero nag matigas parin ang batang babae. "At bad da....ddy " - Umiiyak na wika nito at agad na tumakbo palabas ng silid. Governor Elmo Isaac Collins

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook