CHAPTER 5

1809 Words
Exactly ten am in the morning dumating rin ako sa opisina. Kung hindi lang rito sa mga bitbit ko hindi na sana ako tutungo rito at papasok. Napahilamos ako sa mukha ko bago pa makababa sa kotse na dala ko. Hindi sana ito ang dadalhin kong sasakyan ng makalimutan kong ipagawa yung tires ng gulong ng isang sasakyan na madalas kong dalhin. At pag minamalas ka pa! Nalimutan ko pang dalhin yung pitaka ko na nailagay ko pala sa suot kong pantalon kahapon. Malas nga talaga! Kung bakit yon pa ang nalimutan ko kesa sa bitbit kong paper bag na naglalaman ng tanghalian ng baklang kaibigan ni Joyce. Napahimas nalang ulit ako sa aking nuo sa pag-iisip kung papaano at saan ako kukuha ng pambili ng mga pinabibili ni Joyce. Bahala na nga! Aniya ko ng makababa ng kotse at isara ang pinto. Lumakad na ako papuntang entrance ng opisina para isaglit nalang ito para makabalik sa bahay at kunin yung wallet na naiwan ko at saka nalang ako tutungo at dadaan ng SNR Congressional. Medyo malayo ang iikitan ko subalit walang magagawa dahil tiyak na magagalit na naman si Joyce at baka sumpungin ng kanyang ugali oras na hindi nasusunod o nabibili ang nais niyang kainin. Masesermunan pa ako tiyak nito pag-uwi oras na wala akong dala at baka sa sala pa ako makatulog magdamag. Ang lupit pero ayos lang malapit naman na manganak at tiyak na magbabago na lahat. “Good Morning Sir, pumasok ata kayo?" Tanong agad ng guard ng mapansin ako malayo pa man ay natanaw na pala ako. “Ipapasa ko lang ito. Nalimutan ko ipadala kahapon. Nalimutan ko ring tumawag kay Gilbert para daanan at kunin ito sa bahay kangina." Sagot ko at pumasok na ng diretso papasakay sa Elevator. Medyo tanghali na rin at hindi na gaano matao ang sumakay sa elevator. “Good Morning Sir, naligaw ka ata? Hindi ba malapit na manganak si Ma'am Joyce?" Tanong ng staff na mga nakasabay ko sa loob ng elevator. Halos lahat nalang ng makasalubong ko pare-pareho lang ng tanong at mga gulat na makita ako rito sa opisina. “Ihahatid ko lang ito. Aalis rin ako agad." Sagot ko nalang at halos paulit-ulit lang din naman ako ng sinasabi sa bawat makasalubong ko rito. “Ganoon ba Sir! Kamusta pala si Ma'am Joyce? Okay lang ba siya at hindi ba at kabuwanan na niya ngayong buwan?" Tanong pa ng isa sa may bandang likuran na nakikinig pala. “Oo, okay naman siya. Ayos lang ang sabi ng Doctor niya mabuti naman ang kalagayan ni Joyce at ng baby. Nagbibilang nalang ng araw anytime ay maaari na siyang manganak. Kaya nagreready na rin kami at mahirap baka mamaya hindi namin namamalayan na manganganak na pala siya." Sabi ko at natawa na rin sa aking sinabi. Nagiging madaldal na ata ako sa kasabikan at kakaisip na anytime ay manganganak na rin si Joyce. Hindi na ata ako mapag-antay na makitang manganak ito. “Hindi ba yung kaibigan niyang Doctor ang kanyang Doctor?" Tumango ako. “Oo, si Marco ba? Madalas rin sa bahay bumisita at madalas na suriin ang lagay ng mag-ina ko." Aniya kong sagot sa kanilang mga tanong. May mga kinikilig pa nga at ilan ay mga nakangiti at abot tenga. “Maalaga palang Doctor yung Doctor ng asawa mo Sir." Anito ng isa pang kasabay ko sa elevator. “Oo!" Anito kong sagot rin sa kanya. “Buti hindi ka nagseselos?" Duon na ako talaga natawa ng alam ko na iyon na ang maririnig ko na susunod na kanilang itatanong. Mga tsismosa talaga itong mga empleyado ko at madalas na iyon nga ang mga naitatanong ng ilan sa kanila sa tuwing makikita at makakasalubong ako at kakamustahin si Joyce kung anong lagay o kaya ginagawa habang nasa bahay. “May ipagseselos ba ako?" Nakatawa na biro ko sa kanila. “Pogi kaya yung Doctor." Sagot ng isa at tumawa. “Bakit? Gwapo naman rin ako?" Anito ko. Sagot sa sinabi nito. “Sabagay gwapo ka rin naman Sir." Sagot ng isa. “Oo, gwapo ako. At mas gwapo na di hawak duon sa Doctor ng asawa ko." Sabay napahalakhak ako sa tawa. “Tara na nga, magsilabas na tayo." Pabiro na anito ng isa. “Magsitrabaho na nga kayo ng hindi puro nalang tsismisan ang ginagawa niyo." Anito ko ulit sa kanila at saka lumabas ng elevator ng bumukas na yon. “Sige Sir, mauna na kami." Sabay-sabay nilang sinabi at naghiwa-hiwalay na rin ng kani-kanilang mga tutunguhan na mga daan sa kani-kanilang mga department. Ako naman ay tumungo na sa opisina ni Gilbert. Simula ng magresign ang assistant ko si Gilbert na ang siyang pumalit sa pwesto nito. Siya na ngayon ang halos tumatayo na sekretarya at kanan kamay ko at habang si Allan ay hindi pa rin nababalik magpahanggang ngayon. “Good Morning, Chos! Bakit pumasok ka ata ngayon? Hindi ba malapit ng manganak yung asawa mo bakit kinailangan mo pang pumasok?" Pwede mo naman na ipakuha o kaya ipadala yung mga kailangan at important na trabaho." Gulat na aniya ni Gilbert ng matanaw ako at salubungin. Makapagreact parang hindi araw-araw na nasa bahay ito. Siya na lahat-lahat ang gumagawa at kumukuha at nagdadala ng mga kailangan kong documents at mga pipirmahan na documents. “Nalimutan ko ito ibigay sayo kahapon. Nalimutan rin kita itext at tawagan kangina. Alam mo naman si Joyce. Nawala sa loob ko kangina paggising ko ng bumama ako para mag-umagahan." Anito ko na isinagot sa kanya. “Oo, kailangan ko nga ito. Buti nalang dinala mo Sir, nalimutan ko rin ito kasi naman may paparating na meeting. Dadaan sila Mr. Valdez raw rito at may mga kasama. Baka gusto mo ikaw na ang kumausap at humarap sa kanila." Aniya at suggestions pa ni Gilbert ng mapaisip rin ako. Nandito na rin ako at bakit hindi ako ang humarap sa kanila. Gayon mga malalaking account ang mga dadating at maigi na makilala ko na rin. “What time ba sila dadating?" Naitanong ko at baka maaari na ako nalang ang humarap. Total may oras pa naman ako para kausapin sila. “Maya-maya andito na rin siguro mga iyon." Anito ni Gilbert. “Coffee gusto mo Sir? Ikukuha kita. Para habang nag-aantay sa kanila magkape ka muna." Alok at sinabi ni Gilbert ng tumungo na sa Coffee Machine at kumuha pa ng biscuits. “Pasok ka muna sa office mo Sir Chos! Malinis naman ruon. Syempre alaga ko." Biro at sinabi pa muli. Pumasok na nga ako sa opisina at duon ko nalang inantay na dalhin nito ang kape na kanyang ginawa at tinimpla. Matagal-tagal na rin ako di nakakapasok rito mukhang tama nga si Gilbert at alaga yung office ko. Maayos at malinis ang ayoko lang nilagyan ng kulay pink na cover yung table ko at nilagyan pa ng dekorasyon. “Hi Chos! Nagustuhan mo ba?" Nakatawa na sinabi ng makapasok sa office ko. “Maganda naman di ba? Pakiramdam ko kasi babae ang anak niyo ni Joyce kaya nilagyan ko ng pink na decor. Pawelcome ko lang sa paparating niyong baby at sa aking aanakin." Pabiro pa at sinabi niya. “Dapat lang na maganda ang masisilayan ng aking munting inaanak oras na mapunta siya na rito." Nakapilantik pa ang daliri at itinuro habang nagsasalita. Baliw na bakla na ito! “Bakit hindi sa office mo ilagay iyan at bakit rito sa office ko?" “Maganda naman? Bakit sa office ko eh! Dito office ng Daddy at Mommy niya so, kung gagala siya rito. Saan pa ba ang tuloy? Hindi ba sa office mo at hindi sa office ko?" Sabi pa niya at anitong sinabi pa. “Saka don't worry. Mayroon rin sa office ko dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo. Pero huwag ka ng magalit okay. Maganda naman at nababagay na rin sa office mo. Uso na rin yan sa mga lalake na tulad mo ba." Bwisit na bakla! Napahinga nalang ako. “Sige na at akin na yang kape na dala mo. Saka ano yang bitbit mo?" Tanong ko ng mapansin yung kanyang hawak. “Ahh ito ba?" iniangat at kanyang tanong. Tumango ako. “Oo, ano ba yan?" “Nalimutan ko. Kakapasa lang sa akin at mainit-init pa tulad ng kapeng ito. Baka pwede mong pirmahan." Aniya at inilapag sa mesa ko. “Paki pirmahan nalang rito at dito tapos ay rito pa at isa pa rito at duon saka dine ay isang pirma pa. At hindi pa tapos sa likod mayroon ka pang pipirmahan at sa may bandang gilid at gitna mayroon pa. At dito na rin kung pwede Sir." Babalibagin ko na ng kape ito at inaasar pa ako sabay dinadaan pa sa biro ang mga pipirmahan ko. “Teka, tumatawag si Joyce." sabi ko at saka sinagot ang tawag sa cellphone ko. “Babe, bakit?" Tanong ko agad sa kanya ng marinig ko na boses nito. “Babe, what time ka uuwi?" “Mamaya pa Babe, may inaantay lang ako at papunta raw rito sila Mr. Valdez at may kasama na ilang mga kliyente. Ako na haharap at total naririto na rin ako." Sagot ko sa kanya. “Ganuon ba? Nagugutom pa naman ako." Sabi niya at natawa ako ng bumungisngis ng tawa si Gilbert na nakikinig ng lumapit pa at nagawang idikit ang tenga sa likod ng hawak kong cellphone. “Sino yon?" “Hi Madam Joyce. Nagugutom ka ba? Pagkain ba si Sir? Bakit kailangan umuwi ng dahil sa nagugutom ka? Bakit hindi ka kumain nalang ng wala siya. Akin muna si Sir Chos at ako kakain sa kanya ngayon. Magpakagutom ka nalang muna at sobrang laki na nga ng tiyan mo." Panunukso niya kay Joyce at tinawanan pa ito. “Siraulo!" Sabay ibinaba. “Ayy! Nagalit ibinaba." Sambit na nasabi ni Gilbert habang natatawa sa pangungutya niya kay Joyce at nagalit tuloy. “Siraulo ka talaga! Sulat galitin mo. Alam mo naman yung isa na yon. Mayayari na naman ako nito pag-uwi ko." Sabi ko ng may inis rito at habang tinatawanan pa ako. “Uuwi na ako. Ikaw nalang makipag-usap muna kila Mr. Valdez at sa mga kasama niya. Hindi ko na sila maaantay at tiyak na hindi na ako makakatulog nito mamaya sa kwarto ng dahil sayo." Usal ko ng kinakabahan na sumpungin na naman si Joyce ng pagiging sutil. “Teka Sir, andian na sa baba sila Mr. Valdez. Baka pwede na ikaw nalang muna ang humarap sa kanila." Sabi ni Gilbert. Mukhang talagang hindi na ako makakaalis ng pumasok na nga sa office ang isang group ng mga negosyante na kasama ni Mr. Valdez. Wala ng dahilan para makaalis pa ako at naabutan na nila ako rito mismo sa opisina ko. Haist! Malas naman. Kung bakit puro ako kamalasan ngayong araw. At maging sa pag-uwi ko tila mamalasin rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD