CHAPTER 4

1708 Words
Nakakangalay na talaga ang maglakad ng may katagalan. Ganitong napakalaki na ng tiyan ko. Sobra pa silang bigat at paggumalaw o kaya ay sumipa. Sobrang sakit na parang nais kong magtambling. Minsan pupulikatin pa ako kaya't sa labis na sakit na nararamdaman ko mapapakagat nalang ako sa unan na parang nais kong kainin at lunukin. Sabi ni Marco tiis lang at konting panahon nalang naman ay ilalabas ko na rin ang mga ito. At excited na ako ruon maging ang asawa ko na halos ngayon ay madalas ng nasa tabi ko. Minsan hindi na nga pumapasok para lang bantayan ako ng dahil sa nalalapit na panganganak ko. “Babe, gusto mo?" Tanong nito ng hawak niya ang isang pitsel na may lamang fresh buko juice. Binili na naman niya siguro sa labas sa ikatlong kanto at naglakad papunta ron. Hindi ako nakasama ngayong umaga maglakad at nangangalay talaga yung magkabila kong binti at hindi maalis ang pamumulikat. “Sige, please. Pahingi ako." Sagot ko, aniya kong sinabi ng kanya akong nipinagsalin sa isang baso na bitbit rin nito. “Bakit?" Tanong agad niya ng mapansin na napahimas ako sa malaki at lumulobo kong tiyan. “Sumipa! Ang sakit." Sabi ko ng ilapag niya muna ang kanyang hawak. At mabilis na lumapit sa harapan ko. “Baby, huwag kang malikot. Nasasaktan si Mommy." Paglalambing na mahina niyang sinabi habang bumulong pa ito at hinimas iyon. Pakiramdam ko ay hindi nakinig sa kanya ng magsiikot pa yung kambal sa loob ng aking tiyan. Para silang magpaparty sa loob at sobrang likod na para rin tuwang-tuwa sa pabulong-bulong ni Anthony. “Baby, ang kulit mo. Sabi ng huwag malikot eh! Hindi ka pa lumalabas matigas na ulo mo." Sabi pa niya ng nakatawa ng salitan pang sumisipa yung kambal. “Bakit naririto?" “Ayy, andito pa." “Teka! Huwag kang malikot ang bilis mong gumalaw." Sabi niya ng sunod-sunod at tuwang-tuwa na hinuhuli niya bawat pag-umbok ng mga kambal sa tiyan ko. “Babe, bakit ang kulit at ang likot niya ngayon? Tingnan mo?" Anito at itinuro ang salitan na pakikipaglaro ng kambal sa kanilang Daddy. “Excited na rin siguro, tulad mo ay nasasabik na rin lumabas sa tummy ko para makipaglaro sayo." Sagot ko sa kanya ng nginitian ko pa habang nakatitig sa kanyang nakangiti na mukha. “Ako man, baby nasasabik na rin makipaglaro at makita ka. Kaya habang andiyan ka pa sa loob ng tummy ni Mommy. Please pakabait ka muna at huwag muna mangulit okay." Sabay halik ng matapos niyang makipagkulitan sa kambal. Sa wakas at medyo napagod na rin siguro ang kambal sa tiyan ko ng tumigil sila at bumagal sa paggalaw. Baby sabik na kami ng Daddy na makita kayo. Bulong ko ng ako naman ang humimas sa tiyan ko. “Inom ka muna nito, Babe. Tapos maliligo na muna ako." Anito, sinabi ni Anthony ng mabigyan na ako ng buko juice matapos ay lumakad na siya papunta sa drawer para kumuha ng brief na kanyang susuutin. Lumakad na rin siya sa may sabitan na aking ginawa para kunin ang nakasampay na towel at dumiretso na sa banyo para maligo. Aray! Nang bigla nalang sumakit yung binti ko bigla nalang rin nangalay mula sa pagkakaupo at pagkakasandal ko sa head board ng kama. Pilit kong inabot yung unan sa may paanat at ipinatong ko muli yung dalawa kong paa. Inabot ko rin yung cellphone ko at tumutunog. “Marco" Sabi ko ng marinig ko at makilala yung boses niya. “Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya ng binati niya ako ng masagot yung tawag nito. “Namiss lang kita." Pabiro pa na sinabi. ”Ikaw, kalbuhin na kaya kita." Sabi ko rito. “Joke lang! Kahit kelan talaga hindi ka mabiro." Tumatawa na siya at saka nagtanong. “Kamusta pakiramdam mo?" “Okay lang! Medyo nangangalay lang yung binti ko. Iniangat ko nga at masakit. Para bang namamanhid yung pakiramdam ko tapos banyo ako ng banyo." Sabi ko at natawa. Nakailang banyo na ako simula ng maakyat ako rito. “What do you mean?" Tanong anito ni Marco. “Bawas ako ng bawas tapos para siyang tubig tapos ang baho. Kulay itim pa." Sabi ko. Pinagtatawanan ako ni Marco ng dahil sa inireport ko sa kanya. Sinabi ko rin na parang humahagod yung tiyan ko tapos ang likot ng kambal at panay ang sipa at sobrang sakit. Sagot lang nito. Ang weird mo! Tapos tumawa siya ng malakas. Yun raw kasi madalas ang ireklamo ko sa kanya. Wala na raw bang iba at palagian sa tuwing tatawag siya para kamustahin ako ay ganon nalang ang maririnig niya sa akin. Sa iyon ang madalas kong maramdaman. So, ano pa bang aasahan niyang irereklamo ko sa kanya? “Joyce, alam mo bawas-bawasan mo lang muna yung mga kinakain mo sa ngayon. Lalo at malapit ka ng manganak ng hindi ka mas mahirapan sa panganganak. Lahat ng mga ibinibilin ko sayo palage, sundin mo lang. At huwag na huwag mong kakalimutan ang pag-inom ng maraming tubig para napapalitan yung tubig na inilalabas mo." Anito, at sinabi pa muli nito. “Mas mainam na ang palagiang ihi ng ihi kesa naman ang madalas na hindi ka maihi. Magkaka-UTI ka pa, mas lalo pang magiging handlang yon sayo at sa mga baby mo." “Ginagawa ko naman lahat at sinusunod ko. Pero talagang habang papalapit ng papalapit na panganganak ko mas nararamdaman ko ang papahirap ng papahirap na sitwasyon ng tulad ng madalas kong sabihin sayo." Aniya ko at sinabi sa kanya. Napansin kong bumukas na ang pintuan ng banyo at nagpaalam na ako kay Marco. “Mag-usap nalang tayo ulit. Lumabas na sa banyo si Anthony. Mukhang aalis siya ngayon at papasok sa office. Later nalang tayo mag-usap or maybe dumaan ka nalang rito tapos dalhan mo ako ng bilo-bilo yung tinda nung nurse sa ospital." “Nagrequest ka pa talaga? Sinabihan na kita na magbawas ng pagkain sa ngayon at nalalapit na panganganak mo. Ang kulit mo talaga!" Tapos narinig ko pa muli siyang tumawa at may isang babae na tumawag sa kanya. “Babe?" Tumawa ako ng malakas. “Marco?" Napalakas na sigaw ko rito. “Ano yan? Babe?" Aniya ko pang biniro ito at napansin kong napatawa na rin siya kahit mahina iyon ay naririnig ko. Napabuntong hininga ako at napabuga ng mapansin ko ang muli na pagtawa nito. “Buntis manahimik ka nga at tumigil ka sa pangungutya mo sa akin." Anito ng may kasupladuhan at pagsusungit. “Hindi bagay sayo. Pero interested ako sa ipapaliwanag mo mamaya. Iintayin kita rito ah! And don't forget my bilo-bilo. Magagalit ako oras na hindi mo ako dalhan nuon." Sinabi ko pa sa kanya ng maibaba ko na yung tawag nito. May kasintahan na ba siya? Naibulong ko ng napangiti. “Bakit napapangiti ka ata?" Si Demon lumapit at nagtanong. “May maganda bang nangyari?" Habang kinukusot ng towel ang kanyang basang buhok kanyang naitanong. “Wala!" Sagot ko rito. “Natuwa lang ako kasi may kasintahan na ata si Marco. Narinig ko kasi may babaeng dumating at tinawag siyang Babe habang nag-uusap kami." Anito ko na sinabi muli rito. “Di ba nakakabigla? Hindi ko sukat akalain na sa maiksing panahon ay magkakaroon siya ng kasintahan." “Akala ko nga bakla rin yon." Sagot ni Demon pero seryoso. “Huh?" Gulat ako ng mapalaki ang dalawang mata ko. “Paano mo naman nasabi na bakla yung tao? Ikaw talaga sobrang taas ng confident mong may kakaiba sa pagkatao ni Marco." Aniya ko rito ng maalala ko ang madalas nitong pagtatanong tungkol sa pagkatao ni Marco. Nuon pa man ako rin nagtataka pero ang sabi ni Marco wala siyang time pagdating sa mga babae. Wala pa nga raw siyang experience pagdating sa mga ganuong bagay na tulad ng madalas namin mapag-usapan. Pero napakarami niyang alam sa mga bagay-bagay lalo kung pagdating sa mga usapang mag-asawa. Super galing nga niya magpayo at pag masama ang loob ko sa kanya ko nailalabas lahat. Hindi naman ganuon kaperfect ang pagsasama namin mag-asawa ni Demon. May mga panahon na hindi rin kami nagkakasundo pero ginagawa naman nito ang lahat huwag lang masira at lumaki ang away at tampuhan sa pagitan naming dalawa. “Wala naman! Sige na Babe, sasaglit muna ako sa office at dadalhin ko lang ito." Aniya niya ulit ng kanya na pala nabitbit yung mga papers na nakapatong sa mesa niya. “Sige, mag-iingat ka ah!" Sabi ko ng ibibilin ko pa sana na ipag-uwi ako ng isang box ng muffins na nabibili dun sa SNR. Malalaki na muffins na madaming toppings na chocolate sa ibabaw. May nabibili ring round cake na buy one at take one. Minsan yun nalang ang binibili namin ni Ellen. Dun kami sa SNR nalang namimili ng walang gaano tao at maluwag pang mamili. Dami pa artista. Kita ko nga si Maja Salvador ang cute ang liit lang palang babae. Malaki lang mga hita at balakang pero hindi siya ganuon kasexy ng gaya ng iba. May mga basketball player rin kung minsan kami nakakasalubong matataas at halos titingala ka nalang masulyapan lang kung sino. “Babe, may ipabili ka ba?" biglang bumukas ulit yung pinto at iniluwa si Demon. Sakto at napangiti ako ng bumalik ito ng matapos makapagpaalam at lumabas. “Bili ka ng muffins sa SNR. Daan ka muna ruon at bili ka na rin ng roasted chicken para sa dinner. Kung gusto mo bili ka na ng pizza or tanungin mo si Ellen baka may gusto siyang ipabili sayo." Masayang-masaya na isinigaw pabalik sa kanya. Sakto talaga yung pagbalik niya ng maisipan ko sanang bumangon ng sumakit naman yung likod ko banda sa may balakang ko. Hay! Binabalakang na naman ako. “Okay Babe! Alis na ako." Sinabi at nagmamadali ng isinarado yung pintuan. Wala na siya at nakaalis na nga. Ilang minuto na ang lumipas at hindi na ito bumalik pa kaya't nasisiguro ko na nakaalis na ito ng tuluyan at pumasok na sa office. Habang ako maiiwan na rito mag-isa kaya naman magpapakaabala nalang ako sa aking paghiga at pagtulog habang nagpapalipas ng buong maghapon. Wala akong maisip na gawin ngayon at nakakatamad ring kumilos. Dito nalang muna ako sa kwarto at mahihiga hanggang may maisip na gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD