Nanggigigil talaga ako.
Kainis na baklang yon. Tama bang asarin ako?
Humanda talaga siya pagdating niya rito oras na dumaan siya mamaya. Nanggigigil talaga ako na pabulong-bulong habang naglalakad pababa sa kusina.
Bigla tuloy ako nauhaw at nais kong uminom ng malamig-lamig na tubig. Kahit sinabi ni Marco na iwasan ko ang malamig. Pero ngayon, iinom ako. Nag-init ulo ko kay Gilbert at nais ko siyang sugurin.
“Anong ginagawa mo? Nababa ka ata?" Si Ellen narito rin pala sa kusina.
Napalingon ako sa kanya mula sa kung saan ay nanggagaling ang boses nito. “Nauhaw ako." Naisagot ko rito.
Hawak ang baso na pinag-inuman ko ng malamig na tubig. “Bakit malamig ang iniinom mo?" Tanong nito ng mapansin rin pala ang pitsel na may lamang malamig na tubig na kinuha ko sa loob ng ref.
“Naiinis kasi ako." Napahigit pa ako ng malalim na hininga.
“Bakit naman? At kangino ka naiinis?"
“Kay Gilbert." Sagot ko sa kanya.
Tapos natawa siya sa sinabi ko. “Naku, bakit hindi mo pagpasensyahan nalang. Alam mo naman ang ugali ng baklang yon. Parang hindi ka pa sanay sa ilang taon na magkasama kayo nuon sa opisina ni Sir Anthony. Hayaan mo na, baka binibiro ka lang. Maniniwala ka ba agad sa biro ng baklang yon?"
Umiling ako mula sa inusal ni Ellen. Tama naman siya. Binibiro at inaasar lang ako ng baklang yon at gusto lang ay makita o marinig kangina na napikon ako kula sa sinambit nito.
“Tama yan, Ma'am Joyce, kumain nalang tayo. Nagluto ako ng miryenda, ikain mo nalang iyang inis mo sa baklang yon at huwag natin siyang tirahan nitong niluto ko ng hindi siya makakain mamaya." Nakangiti na biniro pa ako ni Ellen.
Inilahad niya yung isang lalagyan na may...
Nanlaki yung mata ko at nasabi WOW!
Nagulat ako at manghang napatingin ng maigi mula sa kanyang inilapag. Lasagna!
“Di ba? nawala na yang inis mo ng makita itong niluto ko?" Tumango-tango pa ako at dahil tama siya mula sa sinabi nito.
Napalunok pa ako ng maghiwa na si Ellen at ilagay mula sa lalagyan at inaabot iyon sa akin. “Bakit?"
“Si Baby, gumagalaw." Sabi ko sa kanya ng matawa ako.
Anlikot at ramdam ko ang bawat kanilang pag-ikot mula sa loob ng tiyan ko. “Siguro natutuwa." ang sinabi pa nito sa akin habang siya rin ay humiwa na ng isang slice mula sa pinaghiwaan niya kangina.
“May salad rin ako. If gusto mo ilalabas ko." Sabi pa nito ng makasubo at nakatingin sa akin habang nakangisi.
Mas lalo pang naging magalaw yung kambal mula sa loob ng tiyan ko. “Hala! Mukhang natutuwa nga siya." Ang sabi pa ni Ellen ng mapansin at makita niya ang mabibilis na pag-umbok ng kambal.
Hindi niya alam na kambal itong dinadala ko. Wala rin siyang alam tulad ni Demon. Kahit sa gender wala silang alam. Secret muna, pero kami lang ni Marco ang siyang nakakaalam. Sinabi ko sa kanya kahit anong mangyari huwag na huwag niyang sasabihin at ipaaalam na kambal ang aking mga anak.
Sinabihan ko pa siya na mangako siyang hindi niya ipapaalam kahit mawala pa ako sa mundo. Tapos binatukan ako ni Marco at tumawa naman ako.
Nasisiraan na raw ako ng aking ulo at iniisip ang mga bagay na hindi pa naman natitiyak na mangyayari. Pinangungunahan ko raw ang mga mangyayari. Ako na raw ang siyang nagdedesisyon o gumagawa ng sarili kong conclusion.
Nakakapagod! Nabubusog ako sa ilang subo pa lang ng mga kinain ko. “Ano? Inaantok ka na ata?" Natatawa na aniya ni Ellen ng mapansin na pumipikit ang mga mata ko at napapahikab na rin.
“Medyo nabusog na ako. Bigla naman ako inaantok ng makakain nitong niluto mo. Pero ang sarap. Gusto ko pa sana pero yung mata ko pumipikit na talaga. Aakyat muna ako sa taas ahh! Dito ka muna at baka dumating si Marco."
Sinabi ko sa kanya at umangyat na ako sa taas para bumalik sa kwarto ko.
Napapapikit na talaga yung magkabila kong mata at saka ko naalala.
FLASH BACK
Kinakabahan na ako at tutungo ako ng ospital para sa check-up ko. “Samahan na kita?" Umiling ako sa kanya.
May importante siyang meeting at kinakailangan niyang dumalo duon. Para iyon sa expansion ng kanyang kumpanya at sa nalalapit na pagbubukas ng factory sa US.
“Si Ellen nalang, sasabihin kong samahan ka niya ng may makasama ka papunta sa ospital." Umiling muli ako.
“Hindi na, si Marco sunduin naman niya ako rito para sa check-up ko kay Kuya Nicollo. Siya nalang ang bahala sa akin na magsundo at maghatid. Huwag mo na akong isipin. Isipin mo yang kailangan mong ayusin. Good luck Babe, sana magtuloy-tuloy na yan. At matuloy na ang pagtatayo mo ng factory maging mga expansion na binabalak niyo sana matuloy na lahat. Masaya ako para sayo." Aniya ko ng nginitian pa siya habang inaayos ang kanyang necktie.
“Kinakabahan na nga ako Babe, parang napakalaking challenge nito para sa kumpanya. Sayang at wala si Allan at hindi niya masaksihan ang paglaki at pag-angat ng kumpanya na naiwan sa amin ng aming mga magulang." anito naman niya na sagot.
“Naku, tiyak na maging magulang niyo natutuwa sa lahat ng mga achievements na natatanggap niyo at ng kumpanya na kanilang buong puso na iniwanan at ipinagkatiwala sa inyo. Kaya naman Babe, pagbutihan mo. Alisin mo na yang kaba mo." aniya at utos ko sa kanya dahil sa pagkakabakas ng kaba sa kanyang itsura. Pero alam kong kaya ganyan itsura niya mas nangingibabaw ang pag-iisip nito at pag-aalala na hindi niya ako masasamahan sa check-up ko.
Ilan rin kasi sa mga paparating na kameeting niya ay mga foreigner na nagmula pa sa ibang bansa na siyang personal na tumungo rito sa Pilipinas upang mapag-usapan ang nalalabi nilang business expansions sa bansa na pinanggalingan pa ng mga foreigner na kikitain niya ngayon.
“Mamaya, tumawag ka nalang sa akin. Tiyak ko naman na okay si Baby kaya wala kang dapat ipag-alala. Natitiyak kong walang magiging problema sa amin at sa panganganak ko." Muli ay aniya ko rito at saka inayos ang kanyang kwelyo.
“Ayan, gwapo ka na." Sabi ko ng nakangiti at tiningnan siya sa kanyang mukha ng inaangkat ko ang mukha ko upang magtapat ang mga mukha naming dalawa.
“Thanks Babe! Basta ingat kayo ng baby natin. Tatawag ako after ko makarating sa office if nakaalis ka na ba at nasundo ni Marco." Anito at kinuha na ang kanyang bag at saka bumalik sa pwesto ko humalik.
“Baby, pakabait ka dian muna habang wala si Daddy. Huwag mong pahirapan si Mommy. Ingat kayo mamaya." Sabi nito at kinausap ang baby namin ng himasin niya ang nakaumbok ko na tiyan.
“Sige na Babe, malate ka niyan oras na hindi ka pa umalis. Basta tumawag ka mamaya. Ayoko tumawag sayo ngayon at baka nasa kalagitnaan ka ng meeting ay naistorbo ko pa." Aniya kong sagot at lumakad para ihatid na ito palabas ng bahay.
Nakaalis na siya. Inaantok rin ako. Pero alas onse naman ang sundo sa'kin ni Marco. Or sabi niya baka after lunch siya dumating. Magpaultrasound na rin ako ng hindi ko ipinaalam kay Demon.
Gusto kong isupresa siya. Oras na lumabas na itong baby namin ng hindi niya alam kung anong gender.
Ako gusto ko lang malaman para alam ko kung anong mga gamit ang bibilhin namin para sa baby. Wala pa kasi kami nabibili na mga gamit ng dahil sa sinabi ko nuon na huwag nalang muna at mahirap at hindi pa namin alam ang gender ng kaya ang sinabi ko pag time na magpaultrasound ako para sa gender ni Baby duon na namin bilhin lahat.
“Joyce, ano ready ka na?" Tanong ni Marco at nakapasok na pala sa bahay ng hindi ko naramdaman ng sa nanunuod ako ng Showtime. Tawa ako ng tawa kay Vice Ganda ng inaasar niya si Bong at Anne sa isang segment nila.
“Tuwang-tuwa ka sa pinanunuod mo! Hindi mo na ako napansin na naririto na sa tabi mo."
Oo nga! Nasa tabi ko na siya sa gilid naman ng inuupuan ko. Naupo si Marco. “Maganda kasi. Inaasar at inookray ni Vice Ganda si Anne tapos sumesegway naman si Bong kaya mas nakakatawa yung pang-aasar nila kay Anne." Sagot ko habang pati siya nanunuod na rin at nakikitawa.
“Aalis na ba tayo?" Tanong na sinabi ko.
Nakagayak na rin naman ako at ibinaba ko na rin mga gamit na dadalhin ko. Isang shoulder bag lang naman maliit at tubig na maiinom sa daan. Yon lang ang bitbit ko maliban sa cellphone at wallet ko.
“Oo, tara na at nag-aantay na rin si Kuya Nicollo sa ospital. Sinabi ko lang na susunduin kita at wala asawa mo hindi makakasama." Ngitian niya ako ng winika.
“Tara na! Dala ko naman na rito gamit ko."
“Okay!"
Nang kanyang kunin pa yung shoulder bag ko at sinukbit sa kanya. Hinawakan rin ako habang inaalalayan. “Buntis ako at wala naman sakit. Kaya kong lumakad." Sinagot ko rito. Tumawa siya.
“Wala naman akong sinabi na may sakit ka? Gusto ko lang alalayan ka at baka madulas ka pa."
Hinayaan ko nalang ito sa pag-alalay sa braso ko. Tama nga naman at madulas ng muntikan pang mapatid naman ako. Hindi nadulas kundi ang napatid isang paa ko ang nangyari. “Sabi ko na sayo."
“Oo na!" Sagot ko.
Daig ko pa inaalalayan ng boyfriend ko o asawa. Maingat na inalalayan ako ni Marco. Hanggang makasakay na kami ng sasakyan.
“Ready ka na makita gender ng anak mo?" Tumango ako.
Oo naman! Nang una kong ultrasound ng malaman kong buntis ako. Sobrang saya ko nun. After that wala pa akong ultrasound na sumunod. Ngayon lang na pelvic ultrasound na ang gagawin para sa gender reveal ng baby ko.
“Mukhang sa itsura mo nga ikaw yung mas excited na makita yung baby ko." Sabi ko ng biruin ko siya.
“Bakit kasi hindi mo isinama yung asawa mo?"
“Busy sa negosyo. Alam mo naman na may expansions siya sa ibang bansa at mga lumipad pa galing US yung ilan para lang makameeting siya. Buti nga at sila pa ang tumungo ng personal rito ng hindi rin makalipad ni Anthony gawa ng buntis ako at manganganak." Sinabi ko sa kanya.
“Sabagay! Halika na at nang makita na natin yang anak mo."
Sinabi ni Marco ng makapasok na kami sa kwarto kung saan ay nag-iintay si Kuya Nicollo. “Hi Kuya Nicollo." Nakangiti pa ako ng batiin ko siya.
“Kamusta ka?"
“Okay naman Kuya Nicollo. Excited na kinakabahan sa results ng ultrasound ko." Sagot ko at pinahiga na niya ako. May inilagay pa siyang parang gel duon sa hawak niya habang si Marco nasa gilid ko nanunuod.
“Nakikita mo?" Sabi niya ng nag-uumpisa na siyang ihagod sa ibabaw ng tiyan ko yun.
Wow! Unang bumulalas sa bibig ko.
“Nakikita mo ng malinaw?" Tumango ako.
Halos yakapin na ako ni Marco sa tuwa. “Congratulations, Joyce kambal anak mo." malakas at masayang-masaya na sambit ni Marco.
“Pero paano nangyari yon?" Nagtataka at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Naluluha ako na natutuwa ng sobra sa nakikita ko habang nakikita yung heart beat nila na salitan pa. “Malulusog sila pero anlikot habang nasa tiyan mo pa lang. Kita mo ang galaw-galaw nila." Tuluyan na nga tumulo ang luha ko.
Si Marco pinahirapan ng tissue bawat patak ng luha ko. “Kuya Nicollo, medyo adjust ko ng makita natin yung gender. Medyo malabo." Utos pa ni Marco.
“Babae?" Unang sambit ni Kuya Nicollo. “Lalake yung isa." Inusal pa muli galing sa bibig na natutuwa na nasambit.
“Hindi natin agad napansin na dalawa sila. Siguro ay late productions." Sabay tumawa ng idaan pa sa biro. “Minsan kasi mayroon na huling nabubuo. Kaya hindi natin agad nakita ito. May mga case na late na siyang nabubuo kala natin wala at negative. Hindi buntis pero after a weeks or more saka lang siya lumalabas at lumilitaw na mayroon pala pero late nabuo." Pabiro na naman nito.
Ipinaliwanag rin naman nila ng maayos sa akin lahat. Pero isang bagay lang dahil talagang natutuwa ako at nasasabik na makita at malaman na kambal ang mga anak ko.
Sinabihan ko rin si Marco at Kuya Nicollo na isekreto nalang muna ito at huwag sabihin kay Demon. Napagdesisyonan ko yun ng nalaman kong kambal ang anak ko.
END OF FLASH BACK
Sa tuwing naaalala ko ang mga oras na yun ng malaman at makita ko ang kambal kong anak. Naliligayahan pa rin ako na isipin na wala ng isang buwan ay lalabas na sila.