CHAPTER 15

2006 Words
“Good morning Babe" bati sakin ni Demon. “Good morning papasok ka ulit?" tumango siya sa akin. “Okay mag almusal nalang muna tayo saka ka umalis." Sabi ko sa kanya. “Hindi na Babe!" Aniya. “Kahit konti kumain ka." Sabi ko. Aalis na naman di kumakain. “Kumain ka kahit konti." Sabi ko pang muli at lumabas na sa pinto. Nauna na akong bumaba sa kusina para ayusin ang kakainin ni Demon. “Morning Ate Joyce" “Good morning! may maaalmusal na ba si Kuya Anthony mo?" tanong ko kay Ellen ng binati ako. “Meron na Ate Joyce. Wait ilalabas ko lang." Sagot nito. “Coffee? Gusto niya?" tanong ng sumilip “Sige please ng mainitan sikmura niya." Utos ko ng may pakiusap. “Okay! Gatas sayo?" “Yes please." Sagot ko. “Okay timpla lang ako." Sabi niya at nawala na ulo na nakasilip sa pinto ng kusina. Habang nag-iintay ako kay Demon nanunuod ako YouTube! Tawa ako ng tawa sa batang pulubi na biglang nabigla at napaiyak ng makatanggap ng regalo mula sa di kilalang tao. Habang yung isa nagulat at hindi malaman sasabihin ng makatanggap ng isang bucket ng Jollibee. Ang saya nilang tingnan at napaisip ako. Buti pa mga ilang tao may mabubuting puso na tumutulong sa iba sa kabila ng hirap sa buhay. Nag scroll ako ulit at nakita ko naman yung street vendor na nagulat ng may makitang nalaglag na pera mula sa isang dumaan at pinulot saka hinabol yung babae. Ibinalik niya yung pera subalit di nito tinanggap. Nagtanong street vendor pero ang sagot sa kanya. Mabuti ang puso mo kaya't sayo na iyan biyaya galing sa taas na sana ipagpatuloy mo ang mabuting gawain na di ka nagdalawang isip sa kabila ng hirap na pinagdadaanan mo habang nakabilad sa araw at maswerte na kumita ng bahagya. Hindi ka pa rin nakaisip na di na isaoli ang perang napulot mo bagkos ay hinabol mo ako at ibinabalik ng buong puso. Naiyak ako ng dahil sa iyak ng bumuhos sa babae. Sampong libong piso na di niya man lang pinag interesan kahit ang sabi pa niya sa interview ay hindi siya makapaniwalang may biyayang darating sa kanyang ganon. Sa kabila na wala pa raw siyang benta maliban sa isang daan na siyang ibinigay niya pa sa anak niyang humingi ng baon sa kanya papasok sa eskwelahan. Kaya naman tuwang tuwa yung babae at halos himatayin sa sobrang tuwa. Sana lahat ganon may mabuting puso na tulad ng mga taong bigla nalang dumadating ng di inaasahan. Nakakainspired ang mga ginagawang pagtulong ng mga tulad ng mga tao na yon. Sana lahat talaga o sana mas marami pa ang may gumagawang mabuti sa kapwa kesa ang gumagawa ng masama. “Napapangiti ka ata?" Tanong ni Demon nakababa na pala. “Nanunuod lang ako ng YouTube at may mga nakita kasi akong nakakainspired na tao. Sana lahat ganon.* sabi ko sa kanya. “Ganoon ba." Sabi pa niya. “Magkape ka muna Kuya Anthony." Sabi ni Ellen ng ilapag ang kape kasabay ng pag-upo ng asawa ko. “Salamat" sabay pa namin nasambit “Sabay talaga?" biro ni Ellen “Teka huwag na kayong tumingin ng ganyan at kukunin ko lang kanin sa kusina." Sabi pa ni Ellen ng sinimangutan ko siya. “Babe di na ako magtatagal" Sabi nito nagmamadali. “Kumain ka na muna kahit konti." “Oo nga naman heto na kanin at sumubo ka kahit konti ng di nag-aalala itong asawa mo sayo." Sabi pa ni Ellen ng siya na magsalita matapos kong kumbinsihin ng asawa ko na pilit na nagmamadaling umalis. Sumubo naman siya bahagya at nagpaalam na siya. “Babe sige later nalang ahh!" Sabi nito at nagmadali na siyang umalis. Napasinghap nalang ako habang tanaw siya na lumabas na ng bahay. ********** Bakit ba pakiramdam ko na may kakaiba sa asawa ko? Pakiramdam ko may itinatago ito na hindi niya masabi-sabi. Nararamdaman ko na nagsisinungaling siya sa mga sagot niya sa mga tanong ko sa tuwing magtatanong ako.Para bang may kakaiba sa kanyang ikinikilos at madalas na pagmamadali umalis na parang may hinahabol-habol ng di naman nito sinasabi. “Ano iniisip mo?" tanong si Marco “Wala" Sagot ko. Naririto ako ngayon sa ospital at sa harap ko naririto si Marco. Natanggap siya ng kanyang pasyente habang ako nakaupo sa isang tabi. “Misis, malapit ka na manganak. Konting diet tayo para hindi ka mahirapan at baka biglang laki niyang baby mo at macesarian ka na." Narinig ko na payo ni Marco sa isang pasyente. “Dok, diet na nga ako at puro water nalang. Lumalaki pa rin ba baby ko? Iwas na rin ako sa rice ngayon at kung maaari nga lang huwag na kumain ay ginawa ko na. Ang hirap rin ng payo mo at naisip ko na baka mamaya malnourished na baby ko paglabas." Anito nito kay Marco ng pabiro. Natawa nalang si Marco sa sinabi nung patient niya. “Kasi naman, sinagad mo masyado pagkain ayan tuloy at lumobo ng husto. Para kang yun na may balloon sa loob ng tiyan kulang nalang nga liparin kayo sa laki ng mga tiyan niyong dalawa." Sabay balingan ba ako at nakatawa na itinuro ako sa babaeng kausap. Napalingon rin ito at napatingin sa akin. “Kita mo siya anlaki ng tiyan mas malaki pa sayo. Sinulit ng husto kaya naman baka CS na siya. Hindi tiyak na Cesarean Delivery na yan sa laki ng kanyang tiyan. Napakalaki ng baby niya at sobrang bigat. Sa itsura niya di na kakayanin na magnormal delivery pa. Baka mapahamak lang siya oras na ipagpilitan pa niya. Kaya ang advice ko rin sa kanya ay gaya ng sayo. Pero matigas ulo ayan at mas lumaki pa yung tiyan niya at ngayon malabo na makabawi at makapag bawas ng timbang ng dahil nalalapit na rin pangingitlog." Andaldal talaga nitong si Marco. Ikwento ba naman pa iyon. Wala naman kwenta sinabi niya. “Hoy! narinig ko yon!" sabi ni Marco nakatawa. “Sorry narinig mo pala." natawa na rin na sinagot ko. “Kambal ba anak niya Dok?" nang magtanong yung pasyente niya. “Napakalaki kasi ng tiyan niya? Mas malaki pa sa tiyan ko." Aniya na tanong ulit ng balingan si Marco at sumabat sa usapan. “Actually sa ngayon di ko alam dahil ayaw niyang magpaultrasound. Surprise raw kasi pero mukhang siya ang masuprise sa kanyang pinaggagawa. Nakita mo naman?" Tapos natawa pa itong si Marco habang kanyang tsinitsika ako sa babaeng yon. Marami pa siyang sinabi at ako talaga ang kanilang pinag-uusapan at nawala sila sa kanilang napag-usapan ng maibaling nila lahat sa akin. “Pero papaano niyo nasabi na malaki ang baby sa tiyan niya?" nagtataka na naitanong at sinabi pa. “Hindi ba pwede na puro tubig rin ang laman niyang tiyan niya? May naikwento kasi sa'kin minsan na maaari na malaki ang tiyan pero halos tubig lang laman at hindi bata. Yung kaibigan ko anlaki ng tiyan pero ng lumabas yung anak anliit kaya nagtataka rin ako." Aniya ulit ng babaeng pasyente matapos na magtanong kay Marco. “Ang bigat kasi ng timbang niya abot na hundred kilos. Papaano ko hindi masasabi na di lumalaki baby sa tiyan niya? Batay na rin sa diagnosis ko sa kanilang mag-ina tama ang naiisip ko sa kanila." Sinagot ni Marco at idinaan pa sa Biro. “Kaya, ikaw magdiet ka na at huwag gumaya sa kanya." Aniya ulit ni Marco ng pinatatamaan ako habang pinagtatawanan. Sinimangutan ko siya at inirapan saka napasinghap ng maalala ang kangina ko pa iniisip isip. “Okay sige Dok at susundin ko lahat ng sinabi mo. Syempre mas gusto ko pa rin ang Normal Delivery lang kami ni Baby kesa sa Cesarean Delivery at wala naman kami ganuon kalaki na pera para sa operation. Kaya sa Normal Delivery nalang po ako." Nangiti pa yung patient at saka nagpaalam kay Marco. Nang matapos ang last na patients niya ay hindi na siya nagpapasok muna ng patient. Lunch break na rin kasi at tanghalian na para kumain kami. Inabutan na pala ako ng tanghalian rito mula ng umalis ako sa bahay. “Kain muna tayo?" Tanong ni Marco ng maiayos ang kanyang nagkalat at magulo na gamit sa ibabaw kanyang table. “Gutom ka na rin siguro?" Tumango ako ng muli na magtanong si Marco. “Sige, kain na muna tayo at mamaya na tayo bumalik. Magpalamig muna tayo sa Mall." Anito na sinabi ulit at tumayo na siya sa kanyang mesa at nilapitan na ako. “Wala ka na ba pasyente?" tanong ko sa kanya. Alam kong pinatigil niya na muna ang pagtanggap ng pasyente pero ang akala ko ay kakain lang kami pero ngayon ang gusto niya pa ay magpalamig at mag-ikot sa Mall. Tumango nalang ako at pumayag sa gusto niya na makapag-ikot ikot kami habang ako gusto ko lang marelax ang sarili ko kaya naman umalis ako ng bahay matapos umalis ang asawa ko at pumasok ulit sa kanyang opisina at pagdaka ay bigla na naman siyang pumasok kahit nakafile siya ng leave. Ewan ko ba at bakit ba parang balisa ako at may kakaiba na nararamdaman. Pero bahala na, si God na bahala at saka tumayo na rin. Bahala na siguro ay mali lang ang iniisip isip ko tungkol sa kanya. “May problema ba?" “Wala! Halika na at nang makakain na tayo gutom na rin ako." sabi ko tumayo at inalalayan pa ako ni Marco. Naglakad kami patungo sa Mall ng di niya na dinala ang kanyang sasakyan. “Malamig rito mas malamig sa ospital. Mas presko at kesa sa ospital iba masisinghot mo." biro niya habang nagdadaldal. “Alam mo may pasyente ako matigas ulo. Sukat sabi ko bumukaka at manganganak na. Alam mo ginawa?" tanong ng balingan ako. “Aba at di bumukaka ayon naipit yung anak niya kasi mas pinagtiklop pa yung binti ng nahihiya raw siya dahil lalake ang magpapaanak sa kanya. Baliw noh?" sabi niya habang papatalikod na naglakad. “Una pa lang alam na niya ako magpapaanak sa kanga bakit pumayag siya di ba?" tumango nalang ako. “Nahirapan ako roon. Nagkulay ube kasi yung baby naawa ako. Hindi ko pa nga malaman gagawin ko ng una ng di humihinga yung anak niya ng tuluyan na mailabas. Iniipit niya kasi ng husto parang ayaw niya pa ilabas. Kaya ng mailabas sabi ko. Ayan nagkulay ube tuloy." tawa ng tawa si Marco dahil alam kong ramdam niya na may kakaiba sa kilos ko pilit niyang pinatatawa ako habang naglalakad. “Di ba tama yong sinabi ko? Namutla yung nanay ng makita yung anak na walang buhay at di humihinga. Minassage ko yung baby at binigyan ng hangin at thanks God! Sobrang nakahinga ako. Biruin mo sa liit ng baby nabuhay sa simpleng ginawa ko." Tuwang-tuwa si Marco at hindi natigil sa pagkukwento. “Buong akala ko talaga Joyce that time na mamamatayan ako ng sanggol ng dahil sa Nanay niyang pasaway." anito niya nakahinga ng maluwag na sobrang saya. “Buti naman." Sagot ko matapos makahinga ng mapasinghap rin ako. Napakalalim ng iniisip ko habang nagkukwento si Marco. “Kumain nalang muna tayo." pang-iiba nito at tumungo na kami sa isang restaurant. “Anong gusto mo?" “Bahala ka na!" sagot ko sa kanya. “Okay!" Sabi at tumawag na ng staff at siyang bigay ng mga inorder niya. “Joyce malungkot ka?" “Hindi ahh! Sobrang saya nga." sagot ko kahit hindi totoo. “Talaga ba?" pamimilit na pagtatanong. “Oo!" “Sige kain na." sabi niya ng dumating na yung food. “Napakarami naman? Ang sabi mo magdiet ako?" sabi ko “Kumain ka nalang. Minsan ang pagkain nakakabawas rin ng stress at ilang mga isipin na nakapagpapabigat sa atin." sabi niya seryoso habang sumusubo. “Salamat ahh!" Sabi ko. “Wala yon basta kumain ka lang at pakabusog." anito niya nginitian pa rin ako. Napakaswerte ko at andito si Marco ngayon sa harapan ko. Andito para damayan at pasayahin ako sa tuwing namimiss ko si Britzstone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD