CHAPTER 16

2010 Words
“Hi, anong ginagawa mo rito?" Isang boses ang narinig ko at napalingon ako. Buong akala ko si Marco matapos na iwan ako nito at magpaalam ng magpunta siya ng banyo para mag pee. Hindi pala at mali ako ng isang bulto ng babae ang nasisilayan ko na nakatayo sa harap ko at nakangiti. “Do I know you?" Tinanong ko siya pero nginitian pa rin ako at umiling “Maybe or not." sagot nito. Iniisip ko kung saan ko siya maaari na nakita nuon. Subalit wala akong makuha na maalala na nakilala ko na siya o kahit nakita. “But I know about you." Sabi pa niya. “Asawa ka ni Anthony Cabreras right?" “Yes, but hindi talaga kita maalala kung saan kita nakita." napaisip na naman ako habang naitaas ang kilay ko. “Huwag mo ng isipin at mahihirapan ka lang. Hindi pa tayo actually nagkita and this is the first time I've met and seen you in person. Hindi pa naman tayo nagkikita pero marami na akong narinig na mga balita at mga bagay-bagay na tungkol sayo. Finally, nakita na rin kita at nameet. Hindi ko akalain na maganda ka rin pala talaga in person tulad ng gaya ng madalas kong marinig sa iba." Aniya niya at pagkahaba ng mga sinabi pa nito. Papuri ba yun o pamumuna sa itsura ko? “So, real pala na buntis ka nga at si Anthony ang ama right?" Anito na naman niya na tila pakiramdam ko ay inuuri niya ako sa kanyang pagtingin at pagtitiig sa mukha ko. Bakit ba ganito siya tumingin sa akin? Pakiramdam ko tuloy malulusaw ako sa lagkit at pananalim ng tingin nito. “Anong connect? Ano kung buntis ako?" Aniya ko pagtataray sa kanya. “Saka sino ka ba? Hindi naman kita kilala. Kaya pwede ba umalis ka nalang rito." aniya ko na inutusan ko siyang umalis sa harap ko at naaalibadbaran ako. Baka mamaya di ko pa mapigilan ang sarili ko makapagsalita pa ako ng pangit at hindi niya magustuhan. Pero kung bakit tinawanan niya lang ako. “I am sorry. Hindi ko naman nais na iba ang maiparating ng mga sinabi ko sayo. I can't imagine lang na totoo pala na magkakaanak na nga si Anthony. Nabanggit niya kasi sa akin one time ng magkita kami. May pamilya na nga raw siya at magkakaanak." Aniya niyang muli ng biglang bilis ng kabog ng dibdib ko sa kanyang sinabi. Ano ba siya ni Demon? “Oh, huwag kang mag-isip. Wala kaming relasyon pero nuon siguro meron." Anito niyang dire-diretso na sinabi ng hindi man lang nagkambyo at pagdaka ay tinapat ako. Wow! Sino ba talaga ito? It's Anthony ex? “Teka lang! Nuon yon at wala akong nais ipabatid sa sinabi ko. It was our past. Maybe you think that Anthony and I have a relationship?" Tumawa pa siya matapos na magbiro. Tumaas kilay ko at hindi ko nagugustuhan ang tila pasegway nito na mga pahapyaw na pagpapahaging ng kanyang nakaraan kay Anthony. “Sorry!" Sabi pa nito ng mapansin siguro na napipikon na ako at hindi ko na nais pang marinig ang kanyang mga sasabihin. Naiinis na talaga ako sa totoo lang maging ang kambal sa loob ng sinapupunan ko mga nagrarambol at nais na atang lumabas. Outch! aniya ko. Biglang hilab ng tiyan ko at sobrang sakit. Ang sakit! Sobrang sakit talaga. Para akong kinakapos sa paghinga sa pagpipigil ko na para bang may lalabas na sa loob ng tiyan ko. Napahawak pa ako sa lobong lobo kong tiyan at hinimas iyon. Napabulong pa ako habang sunod-sunod na pag buntong hininga ko. Kambal diyan lang muna kayo. Wala pa si Tito Marco! Aniya ko habang naluluha na sa sakit. Napasandal ako ng maramdaman ko na pumipikit na mata ko. “Are you okay? Miss okay ka lang?" Naririnig ko na napapasigaw na ito habang namamalipit ako sa akin tiyan. Ansakit talaga at hinahabol-habol ko maging paghinga ko. Kagat ko na maging labi ko at iyon ang napanggigilan ko. Ahhh Ahhh Ahhh! habang nagbubuga ako ng hininga at panay ihip ko sabay mabilis ko ring nilalabas. Marco nasaan ka na ba? naiiyak na usal ko. “Miss wait nagpatawag na ako ng makakatulong sa iyo." Aniya niya natataranta. Kasalanan niya ito. Naiiyak at tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko sa mata. “Joyce!" Naririnig kong sigaw ni Marco. Pinunasan ko luha ko na tumutulo. “Anong nangyari?" Anito, tanong niya sa akin. Maging siya natataranta sakali na isa siyang Doktor. Hindi ko tuloy mapigilan ang saking sarili ay kusa ng bumulalas ang tawa pero simple lang yon at hindi nagpahalalata. “Masakit" Aniya ko. “Humihilab, Marco." Aniya ko ulit naluha. “Ano pang nararamdaman mo?" anito na tanong ni Marco habang inaalalayan akong maupo ng maayos. “Umiikot? Hindi eh! Parang galaw sila ng galaw. Parang sumisipa." Napaisip pa ako. “Parang ganon na nga pero bakit sobrang sakit. Namimilipit ako sa sakit ng tiyan ko." Aniya ko na naman sa kanya ng muli kong maramdaman ang naramdaman ko kangina. “Gusto mong pumunta muna tayo sa ospital? Para matingnan na rin at baka mamaya..." “Hindi na" sagot ko. Nang putulin ko pagsasalita niya. “Pero sabi mo masakit?" Tanong niya. “Hindi na" Sabi ko. “What?" gulat siya. “Hindi na masakit." Sabi ko ulit nakatawa. “What?" Gulat na naman siya at nanlaki mata. “Hindi na kasi masakit. Pakiramdam ko nagugutom naman ako." Aniya ko ng tumawa na naman ako. “Hindi kita maintindihan. Anong nagugutom? Sabi mo masakit ang tiyan mo?" “Oo, kangina sobrang sakit. Naiyak pa nga ako nakita mo naman. Pero ngayon biglang nawala at pakiramdam ko naman nagugutom ako." aniya ko kay Marco. Nakatawa na nga ako at maging siya ay pilit na pinipigilan ang mapatawa ng malakas. Maging yung babaeng kangina na di mataranta ay para nang tanga na ngayon ay nakatingin lang sa amin ni Marco habang kaming dalawa ay nagtatawanan. Natawa na rin si Marco at hindi na napigilan pa ang matawa. “Grabe!" Anito at napahigit ng kanyang malalim na hininga. Naibulalas pa niya. “Langya ka Joyce. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko akala ko naman manganganak ka na." Napapailing siya at napahalakhak sa tawa. Pati ako napalakas sa tawa at napahagikhik sa nagtinginan yung mga tao sa amin dahil sa tawa namin na di matigil. Napabuga nalang ako ng hininga ng para bang naninikip na dibdib ko at naghahabol na ako ng hininga ng dahil sa kakatawa. “Halika na nga! Kumain na tayo at baka mamaya ay sumumpong na naman yan." Anito at nakatawa pa rin. Pero nagulat siya ng mapansin ang babaeng kangina pa nakatayo sa aming tabi. “Kilala mo?" Umiling ako. “Sino siya?" nagkipit balikat naman ako. “Lumapit lang bigla ng magpunta ka ng banyo." Aniya ko. Nang may biglang lumapit sa amin na ilang mga tao pa at mas nag tinginan pa tuloy ang mga taong mga nagdadaanan at ilang nakapalibot lang sa amin at malapit lang sa pwesto na kinauupuan ko kung saan ako iniwan ni Marco. “Ma'am kayo po ba yung itinawag sa amin?" Nagkatinginan kami. Si Marco napatingin sa ilang lumapit sa amin na may kasama pang nurse siguro yon ng nakaputi. “Sorry nagpanic kasi ako kangina. Kaya't tumawag ako ng tulong." Aniya nung babaeng hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino. “Kayo po ba tumawag kangina sa office?" Anito ng isa sa mga lalakeng nagsidating. “Oo ako nga! Nabigla kasi ako at nagpanic. Akala ko ano na nangyari sa kanya. Namimilipit kasi siya kangina at pakiramdam ko tuloy at inakala na baka manganganak na siya." Aniya pa muli ng babae na pagpapaliwanag sa staff ng mall. “Sorry!" Aniya pa muli at si Marco ang sumagot. “Okay na siya. Post alarm." Tumawa pa siya. “Nanakot lang!" Tumawa pa rin si Marco na nagbiro pa sa ilang Mall Staff na sa tingin ko rin ay nagsipag panic ng dahil sa tawag ng babaeng tumawag sa kanila. “Ganon po ba?" Anito ng nurse na nakaputi. “Baka gusto niyo po magtungo muna sa clinic ng macheck rin po kayo." Aniya ulit na ngumiti habang nirerelaks lang yung sarili. “Okay lang ako. Ayos na nagugutom lang ata baby ko. Anlikot kasi kangina at humahagod kaya't sobrang sakit. Kala ko nga rin manganganak na ako, naisip ko rin kung bakit ganon ang sakit talaga. Pero ngayon okay na siya. Tahimik na at. nagugutom naman." Aniya ko at binalik ang ngiti niya. Habang hinihimas ko at hinihimas ang tiyan ko na kumakalam. “Saka don't worry. Doctor ko naman kasama ko. Nagbanyo lang kasi kangina. Kaya't nataranta rin yung tumawag sa inyo. Pasensya na ulit." Anito ko ulit sa kanila at mga mata ng tao sa paligid at maging tenga nanghahaba habang nakikinig at nakikiisyoso. Ilan naman ay nagsihinto pa at nanunuod habang nakikinig dahil sa mga taong nakapalibot sa amin. “Sige po Ma'am." Ngumiti sila ulit. “Ako na bahala sa kanya. Don't worry malapit lang hospital na pinagtatrabahuhan ko. Madali ko lang din siya maitatakbo ruon. Pwede ko pa nga siyang ihagis nalang sa laki ng dinala niyang eskandalo rito." Nagbiro na naman ito at tumawa napatingin pa sa akin. “Pasensya na ako na hihingi ng pasensya sa ginawa nitong pang-iistorbo sa inyong lahat. Mamaya isasalang ko nalang sa operating room pagbalik namin sa ospital at papainitan ko ron at tila masyado nasarapan sa pagpapalamig rito." Anito na naman ni Marco. Ano ba itong si Marco. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o kung ano at kailangan pa sabihin yon. Kung ano-ano pa pinagsasabi niya na malayo sa nangyari kangina. “Sige po! Dok, salamat." Aniya na sabi nilang lahat at sabay-sabay pa at sabay-sabay rin na nagsipagtalikod. “Ano bang ginawa mo na ito? Nakakahiya." Anito ni Marco ng balingan na ako ng isa-isa na rin nagsilayas yung mga nakikitsismis. “Hindi ko naman sinasadya. Ito naman may kasalanan." Turo ko sa malaki kong tiyan na parang watermelon sa laki at pagkabilog. “Kita mo!" Turo ko pa ng biglang sumipa yung isa sa kambal kong anak. “Eto pa isa." natatawa kong sinabi sa kanya. Itinuro ang sunod-sunod na paggalaw ng kambal. “Nagrereklamo na! Sinesermunan mo raw kasi." Biro ko sa kanya. Tawa siya at hinimas yun. Kaya't mas lalo pa sila nagsigalaw ng kausapin ni Marco. Pero pabulong lang yon. Buti nalang at umalis na yung babaeng naririto kangina at nakikinig sa usapan namin. Hindi na siya pinansin ni Marco at gayon rin ako. Siya kasi may kasalanan ng mabigla ako sa sinabi niya. May past nga kaya sila ni Demon? Ano kaya siya ng asawa ko? Hindi ko naman naitanong ang kanyang pangalan. Nalimutan ko! Bakit di ko naalala. Haist! “Natahimik ka na?" tanong ni Marco “Wala lang napaisip lang ako." sagot ko “Na naman? pwede ba huwag mo na isipin yon at ipanatag mo nalang isip mo." “Okay!" walang buhay na sagot. “Gusto mo pa ata na may mangyari sa inyo ng baby mo bago ka matahimik diyan sa mga iniisip at nagpapabigat sayo." Sinabi na naman at saka lumapit inakbayan ako. “Habang wala si Britzstone dito lang muna ako kasama mo at tatabihan kita palagi na parang ganito at pwede kang umiyak at sumandal ng ganito basta nahihirapan ka." sabi niya ng inalalayan ako na makahilig sa balikat. “Oh huwag ka ng umiyak. Tawanan mo nalang at normal lang ang minsan ang makaramdam tayo na may kakaiba sa mga asawa natin." “Asawa?" “Joke lang!" binawi niya. Kelan pa siya nagkaasawa? May hindi ba siya nasasabi o nakwento? naisip ko ng mabigla ako sa binigkas nito. “Marco may di ka sinasabi ano?" tanong ko nginitian lang ako. “Saka na." sagot niya lang. Napahinga ako at simple na nginitian ito. Okay kung ayaw niya mag open up tungkol sa buhay niya di ko muna siya pipilitin. Sa ngayon masaya ako na lagi siya naririyan at nasasandalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD